Paano ko ibabalik ang tinanggal na tala para sa isang tao sa Family Tree?

Maaari mong ibalik ang talang tinanggal para sa isang tao sa FamilySearch Family Tree. Maaari mong gamitin ang bilang ng ID, tanggalin ang pagsasama, o ibalik ang mga ugnayan sa ibang mga tao sa loob ng Family Tree.

Mga Hakbang (website)

Bilang ng ID

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch.org, pindutin ang Puno.
  2. Pindutin ang Maghanap.
  3. Pindutin ang Maghanap ayon sa ID.
  4. Ilagay ang ID ng tinanggal na tala, at pindutin ang Maghanap.
  5. Pindutin ang pangalan ng tao.
  6. Sa tarheta ng tao, pindutin ang Tao.
  7. Sa kahon ng Tinanggal na Tao, repasuhin ang dahilan para sa pagtanggal, at saka pindutin ang Ibalik ang Tao.
  8. Maglagay ng isang katuwirang nagpapaliwanag kung bakit dapat na ibalik ang tao.
  9. Pindutin ang Ibalik.

Tanggalin ang pagsasama

  1. Samantalang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa pahina ng Tao ng taong tinanggal pagkatapos ng pagsasama.
  2. Sa kanang tabi ng pahina ng Tao, pindutin ang Ipakita Lahat sa kahon ng Pinakahuling Mga Pagbabago.
  3. Sa kasaysayan ng pagbabago, hanapin ang pagsasama.
  4. Kung ang pagpipilian na Tanggalin ang Pagsasama ay lumilitaw sa bandang kanang tabi, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang Tanggalin ang Pagsasama.
    2. Sa kahon na nagbubukas, ilagay ang katuwiran upang maipaliwanag kung bakit ang pagsasama ay mali.
    3. Pindutin ang Tanggalin ang Pagsasama.
  5. Kung ang pagpipilian na Tanggalin ang Pagsasama ay wala, nangangahulugan na ang nananatiling tala ay binago pagkaraan ng pagsasama. Upang isauli ang tinanggal na tala, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Sa kasaysayan ng pagbabago, pindutin ang pangalan ng tinanggal na tao.
    2. Sa kahong lumilitaw, pindutin ang Tao.
    3. Sa kahon ng Tinanggal na Tao, repasuhin ang dahilan para sa pagtanggal, at saka pindutin ang Ibalik ang Tao.
    4. Maglagay ng isang katuwirang nagpapaliwanag kung bakit dapat na ibalik ang tao.
    5. Pindutin ang Ibalik.

Mga Kaugnayan

  1. Samantalang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa pahina ng Tao ng taong tinanggal o ng isang magulang, asawa, o anak.
  2. Sa bahaging Pinakahuling Mga Pagbabago, pindutin ang Ipakita ang Lahat ng Pagbabago. Ang kasaysayan sa pagbabago ay lumilitaw.
  3. Hanapin ang kaganapan ng Tinanggal na Kaugnayan.
  4. Pindutin ang Ipakita ang Kaugnayan.
  5. Pindutin ang pangalan ng tinanggal na tao.
  6. Sa kahong lumilitaw, pindutin ang Tao.
  7. Sa kahon ng Tinanggal na Tao, repasuhin ang dahilan para sa pagtanggal, at saka pindutin ang Ibalik ang Tao.
  8. Maglagay ng isang katuwirang nagpapaliwanag kung bakit dapat na ibalik ang tao.
  9. Pindutin ang Ibalik.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa kasalukuyan, ang mobile app ay hindi inaalok ang pagpipilian upang ibalik ang isang tinanggal na tala.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay hindi inaalok ng pagpipilian upang ibalik ang talang tinanggal o lutasin ang mga pagsasama.

Mga kalutasan sa karaniwang mga suliranin

Kung hindi mo kayang ibalik ang tala, siguruhing suriin ang mga problemang datos na hindi nalutas. Maaaring ito ay sa taong isinama o para sa mga kaugnayang apektado ng pagsasama, gaya sa mga petsang hindi pamantayan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko tatanggalin ang isang maling pagbabago sa Family Tree?
Paano ako magpapasiya kung ang dalawang tala sa Family Tree ay tungkol sa magkaparehong tao?
Paano ko tatanggalin ang isang tao sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang mga pagkukunan na tinanggal sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?