Paano ko ibabalik ang mga pagkukunan na tinanggal sa Family Tree?

Share

Sinusubaybayan ng Family Tree ang mga pagbabago sa isang pamagat ng pagkukunan, pahinang web (URL), sipi, o mga paalaala. Kung ibang tao ay gumawa ng pagbabagong hindi mo pinayagan, magagamit mo ang listahan ng kasaysayan ng pagbabago upang mapanumbalik ang nakaraang sipi ng pagkukunan. Kung magagamit ang pagpipiliang Ibalik para sa partikular na mapagkukunan na iyon, maaari mong i-undo ang mga pagbabago dito, anuman kung sino ang lumikha ng mapagkukunan o gumawa ng pagbabago.

Mga Hakbang (website)

  1. Samantalang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa taong ang pagkukunan ay gusto mong mapanumbalik.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao.
  3. Pindutin ang Tao.
  4. Kung hindi mo nakikita ang Mga Mahahalagang malapit sa tuktok ng pahina, pindutin ang markang Mga Detalye.
  5. Sa kahong Pinakahuling mga pagbabago, pindutin ang Ipakita Lahat.  
  6. Hanapin ang bersyon ng pagkukunan sa palagay mo ay tama. Pindutin ang Pabalikin, kung maaari.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, maglayag sa taong ang pagkukunan ay gusto mong mapanumbalik.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao.
  3. Pindutin ang tatlong tuldok sa tuktok ng kanang sulok.
  4. Pindutin ang Kamakailan na mga Pagbabago.
  5. Hanapin ang bersyon ng pagkukunan sa palagay mo ay tama. Pindutin ang Pabalikin, kung maaari.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko kopyahin ang isang mapagkukunan mula sa Family Tree sa aking Source Box?
Paano ko makikita kung anong mga pagbabago ang ginawa tungkol sa isang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?