Sinusubaybayan ng Family Tree ang lahat ng mga pagbabago sa impormasyon ng isang ninuno, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga relasyon. Kung hindi ka sang-ayon sa isang pagbabago, marerebyu mo ito at maitatama ang mga naiisip mo na kinakailangan.
Mga Hakbang (website)
- Habang naka-sign-in sa FamilySearch, pumunta sa Person page ng indibidwal na gusto mong makita.
- Kung hindi mo nakikita ang Vitals na malapit sa tuktok ng page, iklik ang tab na Mga Detalye.
- Upang matanggal ang mga pagbabagong ginawa tungkol sa tao, sundin ang mga hakbang na ito:
- Hanapin ang Pinakahuling mga Pagbabago na kahon.
- Iklik ang Ipakita Lahat.
- Upang i-undo ang pagbabago sa couple relationship para sa tao, sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-scroll pababa sa bahaging Mga Miyembro ng Pamilya.
- Hanapin ang mag-asawa, at iklik ang kanilang I-Edit na icon .
- Iklik ang Tingnan Lahat ng mga Pagbabago.
- Upang ma-undo ang pagbabago sa relasyong magulang-anak ng tao, sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-scroll pababa sa bahaging Mga Miyembro ng Pamilya.
- Hanapin ang anak, at iklik ang I-Edit na icon para sa relasyong mmagulang-anak.
- Iklik ang Tingnan Lahat ng mga Pagbabago.
- Hanapin ang pagbabagong gusto mong ma-undo. Kung ang salitang I-Restore ay lumitaw sa pinakakanan, maa-undo mo ito.
- Iklik ang Ibalik.
- Sa popup, rebyuhin ang impormasyon.
- Iklik ang Ibalik.
- Kung lumitaw ang salitang Reference sa pinakakanan, marami pang detalye ang makukuha:
- Iklik ang Reference.
- Upang makita kung available ang opsiyong Restore, suriin ang available list.
- Upang makontak ang FamilySearch user na gumawa ng pagbabago, pindutin ang kanyang pangalan. Pagkatapos ay maaari mong gamitin ang FamilySearch messaging system para makipag-ugnayan.
Mga Hakbang (mobile app)
- Sa profile page indibidwal, pindutin ang tatlong tuldok sa upper right. Sa isang Android device, laktawan ang hakbang 3.
- Sa isang Apple iOS device, pinduting ang More.
- Pindutin ang Pagbabago kamakailan.
- Kung available, puwede mong pindutin ang Ibalik upang maibalik ang dating impormasyon.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Walang opsiyon sa Family Tree Lite na tingnan ang mga pagbabago sa ngayon.
Mga kaugnay na artikulo
Paano ko ibabalik ang isang binurang ugnayan sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang isang binurang record para sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko maa-undo ang isang merge sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang mga source na tinanggal sa Family Tree?