Paano ko panunumbalikin ang tinanggal na kaugnayan sa Family Tree?

Kung nalaman mong tinanggal ang isang kaugnayan sa iyong puno, maaari mo itong ibalik sa listahan ng Mga Pinakahuling Pagbabago.

Hindi mo maibabalik ang isang kaugnayan kung isang indibidwal sa kaugnayan ay tinanggal. Ang pagtanggal ay maaaring sa kamay o sa isang pagsasama. Una, ibalik ang tinanggal na tao, at saka ibalik ang anumang tinanggal na kaugnayan. Kung hindi, magpatuloy sa mga hakbang sa ibaba.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch at maglayag sa pahina ng Tao ng indibidwal na ang kaugnayan ay gusto mong ibalik.
  2. Pindutin ang markang Mga Detalye.
  3. Sa kanan, hanapin ang Pinakahuling Pagbabago.
  4. Pindutin ang Tignan Lahat. Ang listahan ng mga pagbabago ay lilitaw, pati ang kamakailan na mga pagbabago sa tuktok.
  5. Hanapin ang inilagay para sa tinanggal na ugnayan. Sa haliging hanay ng kabatiran, hanapin ang mga salitang "Tinanggal ang Kaugnayang Magulang-Anak" o "Tinanggal ang Kaugnayang Mag-asawa."
  6. Pindutin ang Sanggunian.
  7. Muling suriin ang magagamit na kabatiran tungkol sa kaugnayan at pagtanggal.
  8. Pindutin ang Ibalik ang Kaugnayan.
  9. Ipaliwanag kung bakit, at saka pindutin ang Ibalik.

Mga Hakbang (mobile app)

Ang Family Tree mobile app ay pinapayagan kang tingnan ang mga tinanggal na kaugnayan, ngunit hindi nito isinama ang pagpipilian na ibalik ang mga ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay hindi nagbibigay ng pagpipilian upang tingnan o ibalik ang mga tinanggal na kaugnayan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ibabalik ang tinanggal na tala para sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko gagawing wasto ang kaugnayan ng magulang at anak sa Family Tree?
Paano ko makikita kung anong mga pagbabago ang ginawa tungkol sa isang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?