Paano ko gagawing wasto ang mga kaugnayang magulang-anak sa Family Tree?

Ang pagwawasto ng mga kaugnayang magulang-anak ay karaniwang nangangailangan ng ilang pagsusuri bago ka magsimula. Maaaring umiiral ang dalawang uri ng mga problema: dobleng mga tala o hindi tamang mga ugnay sa kaugnayan.

Kung nagkamali ka sa prosesong ito, huwag mag-alala. Maaari mong ulitin ang anumang mga pagbabagong nagawa mo sa pamamagitan ng pagtingin sa katangian ng Pinakabagong Pagbabago.

Kapag tinanggal mo ang tala ng anak mula sa mga talaan ng mag-anak, mananatili ang tala ng anak sa FamilyTree. Kung ang anak ay nakaugnay sa mga asawa at mga anak, siya' ay mananatiling nakaugnay sa kanila. Katulad din, kapag tinanggal mo ang mga magulang sa isang kaugnayan sa isang anak, ang talang Family Tree para sa bawat isang magulang ay mananatili sa Family Tree.

Bago ka magsimula

Maglaan ng ilang mga panahon upang malaman kung ano ang mali.

  • Kung ang bata ay hindi kabilang sa mag-anak, tanggalin o palitan ang kaugnayan ng batang ito sa mga magulang. Patuloy na basahin ang lathalaing ito upang pag-aralan kung paano.
  • Kung ang mga anak ay tama ngunit ang isa o kapuwa magulang ay mali, kailangan mong tanggalin o palitan ang maling magulang. Alisin o palitan ang asawa ng tamang magulang.
  • Kung nakikita mo ang mga magulang at mga anak ng maraming beses, o sa maraming mga mag-anak, suriin ang bilang ng mga ID ng mga doble.
    • Kung magkakaiba ang mga bilang ng ID, pagsamahin ang dobleng mga tala.
    • Kung ang bilang ng mga ID ay mag-kamukha, ang anak ay nakaugnay sa isang mga magulang nang mahigit ng minsan. Gamitin ang mga alituntunin sa lathalaing ito upang matanggal ang kalabisan sa kaugnayan.

Tulong:Isulat ang mga pangalan at bilang ng mga ID ng mga taong ang kaugnayan ay iyong binabago. Ngayon maaari mong tanggalin ang isang pagbabago.

Mga Hakbang (website)

Narito ang mga hakbang para sa pagtatanggal o pagpapalit ng anak na nasa mag-anak sa paggamit ng Family Tree sa FamilySearch.org website.

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang anak na may maling magulang.
  3. Pindutin ang pangalan ng tao Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin ulit ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Pindutin ang markang Mga Detalye.
  5. Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  6. Sa ilalim ng Mga Magulang at Kapatid, hanapin ang pangalan ng anak, at pindutin ang markang Baguhin
  7. Kung mali ang isang magulang lamang, mag-klik sa Alisin o Palitan sa tabi ng maling magulang. Alisin o Palitan sa tabi ng bata.
  8. Isang Tanggalin o Magpalit na kahon ay lumilitaw. Patunayan ang mga kaugnayan, mga pagkukunan, at mga paalaala, pagkatapos pindutin ang kahon ng tsek.
  9. Gawin ang isang nasa sumusunod:
    1. Upang alisin ang isang magulang o mga magulang, pindutin ang angkop na Tanggalin na buton. Ipaliwanag kung bakit, at saka pindutin ang Tanggalin.
    2. Upang palitan ang isang magulang o magulang, pindutin ang angkop na Palitan ang buton. Lumilitaw ang tabing na Palitan ang Tao.
      • Kung alam mo ang bilang ng ID ng magulang, pindutin ang Ayon sa Bilang ng ID. Ilagay ang bilang ng ID, at pagkatapos pindutin ang Susunod. Pindutin ang Magdagdag ng Tugma.
        • Kung gusto mong idagdag ang kapuwa magulang, pindutin ang Piliin ang Mag-asawa.
        • Upang magdagdag ng isang magulang, pindutin ang Piliin ang Tao. Ipaliwanag ang iyong dahilan para sa pagbabago, at saka pindutin ang Palitan.
      • Kung hindi mo alam ang numero ng ID ng magulang, kumpletuhin ang mga larangan ng pagsasaliksik, at pagkatapos ay pindutin ang Susunod.
        • Kung ang wastong tao o mag-asawa ay lumilitaw sa listahan, pindutin ang Magdagdag ng Tao. Kung gusto mong idagdag ang kapuwa magulang, pindutin ang Piliin ang Mag-asawa, Upang magdagdag ng isang magulang, pindutin ang Piliin ang Tao. Ipaliwanag ang iyong dahilan para sa pagbabago, at saka pindutin ang Palitan.
        • Kung wala kang makitang hindi tugma, pindutin ang Lumikha ng Tao upang lumikha ng tala ng isang magulang.

Mga Hakbang (mobile app)

Narito ang mga hakbang para sa pagtatanggal o pagpapalit ng anak na nasa mag-anak sa paggamit ng Family Tree mobile app:

  1. Sa Family Tree mobile app, maglayag sa Pahina ng tao ng anak na may maling mga magulang.
  2. Pindutin ang markang Mga Magulang.
  3. Hanapin ang pangalan ng anak, at pindutin ang markang ayusin.
    1. Kung isang magulang lang ang mali, pindutin ang pababa na pana para sa magulang, at pindutin ang alinmang Tanggalin o Magpalit ng Tatay o Tanggalin o Magpalit ng Nanay.
    2. Kung kapuwa magulang ay mali, pindutin ang Tanggalin ang Mga Magulang.
  4. Isang panibagong bintana ay lumilitaw. 
    1. Upang matanggal ang isang magulang o mga magulang, suriin ang kahong sinasabing muli mong sinuri ang mga kaugnayan, at pindutin ang Magpatuloy. Ipaliwanag kung bakit, at saka pindutin ang Tanggalin.
    2. Upang mapalitan ang isang magulang, suriin ang kahong nagsasabing muli mong sinuri ang mga kaugnayan, at pindutin ang Palitan. Lumilitaw ang tabing na Palitan ang Tao.
      • Kung alam ang bilang ng ID ng isang magulang, pindutin ang Idagdag ayon sa ID. Ilagay ang bilang ng ID, at saka pindutin ang Magpatuloy. Pindutin ang Pumili. Ipaliwanag kung bakit ang kabatiran ay wasto, at saka pindutin ang Palitan.
      • Kung hindi mo alam ang bilang ng ID ng isang magulang, kumpletuhin ang mga larangan sa pananaliksik, at pagkatapos pindutin ang Magpatuloy.
        • Kung ang tamang tao ay lumilitaw sa listahan, pindutin ang Pumili.Ipaliwanag ang iyong dahilan sa pagbabago, at pindutin ang Palitan.
        • Kung hindi lumilitaw ang magulang, Hindi Tugma. Ipaliwanag ang iyong dahilan sa pagbabago, at pindutin ang Palitan.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Narito ang mga hakbang para sa pagtatanggal o pagpapalit ng anak na nasa mag-anak sa paggamit ng Family Tree Lite:

  1. Lumagda sa Family Tree Lite (lite.fs.org).
  2. Maglayag sa pahina ng Tao ng batang may maling mga magulang.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng tao, pindutin ang Tingnan ang Mag-anak.
  4. Sa ilalim ng Mga Magulang at Mga Kapatid, hanapin ang pangalan ng bata, at pindutin ang Mag-ayos na marka.
  5. Kung isang magulang lang ang mali, pindutin ang Tanggalin o Palitan sa ilalim ng pangalan ng maling magulang. Kung kapuwa ay mali, pindutin ang Tanggalin o Palitan sa ilalim ng pangalan ng anak.
  6. Gawin ang isang nasa sumusunod:
    1. Upang matanggal ang isang magulang o mga magulang, pindutin ang naaangkop na na buton na Tanggalin.Maglagay ng isang dahilan at pindutin ang Tanggalin.
    2. Upang mapalitan ang isang magulang o mga magulang, pindutin ang angkop na buton na Palitan. Lumilitaw ang tabing na Palitan ang Tao.
      • Kung alam mo ang bilang ng ID ng isang magulang, pindutin ang Hanapin ayon sa Bilang ng ID, ilagay ang bilang ng ID, at pagkatapos pindutin ang Susunod. (Ang FamilySearch Lite ay hindi nagdadagdag ang gitling sa o isulat sa malalaking mga titik ang ID. Ilagay sa paggamit ng kamay) Pindutin ang Idagdag ang Tao o Idagdag ang Mag-asawa.
      • Kung hindi mo alam ang bilang ng ID ng isang magulang, kumpletuhin ang mga larangan sa pananaliksik, at pagkatapos pindutin ang Susunod. Kung ang wastong tao o mag-asawa ay lumilitaw sa listahan, pindutin ang Idagdag ang Tao o Idagdag ang Mag-asawa. Kung hindi, upang lumikha ng tala ng isang magulang, pindutin ang Lumikha ng Tao.

Iminungkahing susunod na mga hakbang

Ang pagtatanggal o pagpapalit ng kaugnayang magulang-anak ay hindi tatanggalin o papalitan ang kaugnayan ng mag-asawa. Kung ang nanay o tatay ay mali, kailangan mong tanggalin o palitan ang isang asawa sa mga asawa.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko titiyakin ang tunay, panguman, ampon, at alagang mga kaugnayan sa Family Tree?
Paano ko titingnan ang mga pagbabagong ginawa tungkol sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko isasama ang posibleng mga doble sa family Tree?
Isang tao sa Family Tree ay mayroong maling asawa
Ang parehong anak ay nagpapakita ng higit sa minsan sa isang mag-anak sa Family Tree

moduleTitle