Ang isang tao sa Family Tree ay may maling asawa

Maiwawasto mo ang maling relasyong mag-asawa anumang oras. Narito ang mga hakbang para tanggalin o palitan ang isang maling asawa.

Tip: Ang pag-aalis o pagpapalit ng mga rekord ng isang indibidwal ay maaaring nakakakaba. Makatitiyak ka na ang mga pagbabago ay maaaring maibalik sa dati sa feature na Pinakahuling mga Pagbabago. Makatutulong din na mairekord ang ID number para ang inalis o pinalitang tao ay madaling mahanap sa susunod.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa menu sa itaas, i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Hanapin ang tao sa tree na mali ang asawa.
  3. I-klik ang pangalan ng tao. Sa mga detalye na lilitaw, i-klik muli ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyon.
  4. I-klik ang tab na Mga Detalye.
  5. Mag-scroll papunta sa bahaging Mga Kapamilya.
  6. Sa ilalim ng Mga Asawa at Anak, maaari mong makita ang mga iba’t ibang mga relasyon. 
  7. Sa kahong nagpapakita sa maling relasyong mag-asawa, i-klik ang Edit icon ( ).
  8. I-klik ang Tanggalin o Palitan sa tabi ng maling asawa. 
  9. I-klik ang check box sa screen na Tanggalin o Palitan upang i-verify na nirebyu mo ang mga relasyon, sources, at mga rekord. 
  10. Gawin ang isa sa mga sumusunod:
    1. Upang matanggal ang maling asawa, i-klik ang Tanggalin ang Tao. Ipaliwanag kung bakit, at saka i-klik ang Tanggalin.
    2. Upang mapalitan ang maling asawa, i-klik ang Palitan ang Tao. Ang screen na Palitan ng Tao ay lilitaw.
      • Kung alam mo ang ID number ng asawa, i-klik ang Maghanap ayon sa ID Number, ipasok ang ID number, at saka i-klik ang Maghanap. I-klik ang Magdagdag ng Tao. Ipaliwanag ang iyong dahilan para sa pagbabago, at saka i-klik ang Palitan.
      • Kung hindi mo alam ang ID number ng asawa, kumpletuhin ang mga search field, at saka i-klik ang Susunod. Kung ang tamang tao ay lumitaw sa listahan, i-klik ang Magdagdag ng Tao. Kung hindi, i-klik ang Gumawa ng Bago upang makagawa ng bagong rekord. Ipaliwanag ang iyong dahilan para sa pagbabago, at saka i-klik ang Palitan.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Magpunta sa pahina ng tao na may maling asawa.
  2. I-tap ang tab na Mga Asawa
  3. Sa ilalim ng pangalan ng maling asawa, i-tap ang pencil icon sa kanan.
  4. I-tap ang Tanggalin o Palitan ang Asawang Babae.
  5. I-tap ang kahong walang laman pagkatapos mong basahin ang impormasyon tungkol sa pagtanggal o pagpapalit ng asawa.
  6. Gawin ang isa sa mga sumusunod:
    1. Ang pagtanggal ng asawa ay magtatanggal sa relasyong mag-asawa at tatanggalin ang tao sa nakikitang mga relasyon sa mga anak. Gawin ito kung hindi mo sigurado kung sino ang asawa, subalit alam mo na ang asawang nakalista ay maling idinagdag.
      • Upang matanggal ang isang maling asawa, i-tap ang Tanggalin. Ipaliwanag kung bakit, at saka i-tap ang Tanggalin.
    2. Ang pagpalit ng isang asawa ay magdaragdag sa wastong asawa sa relasyong mag-asawa at idaragdag sila sa relasyon ng kanilang mga anak. Pipiliin mo ang wastong asawa pagkatapos ng pinindot mo ang Tanggalin.
      • Upang mapalitan ang maling asawa, i-tap ang Palitan
        • Kung alam mo ang ID number ng asawa:
          • Android: I-tap ang Maghanap ayon sa ID. Ipasok ang ID number, at saka i-tap ang Magpatuloy. Ipaliwanag kung bakit ang impormasyon ay wasto, at i-tap ang Palitan.
          • Apple iOS: I-tap ang Magdagdag ayon sa ID. Ipasok ang ID number, at saka i-tap ang Magpatuloy. I-tap ang Magdagdag ng Katugma. Ipaliwanag kung bakit ang impormasyon ay wasto, at saka i-tap ang Palitan.
        • Kung hindi mo alam ang ID number ng asawa:
          • Kumpletuhin ang mga search field, at saka i-tap angMagpatuloy. Ipahiwatig kung ang mag-asawa ay buhay o patay, at saka i-tap ang Magpatuloy. Kung ang tamang tao ay lumitaw sa listahan, i-tap ang Magdagdag ng Katugma. Kung hindi, gamitin ang iyong search entry upang makagawa ng bagong rekord. Ipaliwanag ang dahilan ng iyong pagbabago, at i-tap ang Palitan.

Mga Hakbang (Family Tree lite)

  1. Habang naka-sign in sa Family Tree Lite, magpunta sa pahina ng tao.
  2. Sa ilalim ng pangalan ng tao, i-klik ang Tingnan ang Pamilya.
  3. Sa ibaba ng Mga Asawa at Anak, makikita mo ang iba’t ibang relasyong mag-asawa.
  4. Sa pagitan ng tao at ng asawa, i-klik ang Edit icon.
  5. I-klik ang Tanggalin o Palitan sa ibaba ng pangalan ng maling asawa. 
  6. Gawin ang isa sa mga sumusunod:
    1. Upang matanggal ang maling asawa, i-klik ang angkop na Tanggalin na button.
    2. Upang mapalitan ang maling asawa, i-klik ang angkop na Palitan na button. Ang screen na Palitan ng Tao ay lilitaw.
      • Kung alam mo ang ID number ng asawa, i-klik ang Maghanap ayon sa ID Number, Ipasok ang ID number, at saka i-klik ang Maghanap. (Ang FamilySearch Lite ay hindi awtomatikong nagdaragdag ng gitling o malalaking titik sa ID. Ito ay kailangang gawin nang manu-mano.) I-klik ang Magdagdag ng Tao.
      • Kung hindi mo alam ang ID number ng asawa, kumpletuhin ang mga search field, at saka i-klik ang Susunod. Kung ang wastong tao o mag-asawa ay nasa listahan, i-klik ang Magdagdag ng Tao o Magdagdag ng Mag-asawa. Sa ibang pagkakataon, upang makalikha ng panibagong rekord ng magulang, i-klik ang Lumikha ng Tao

Mga susunod na hakbang

Kapag tatanggalin o papalitan mo ang maling asawa, ang relasyong magulang at anak ay magbabago rin para sa mga anak na makikita sa ilalim ng mag-asawa. Kung ang anak ay nakaugnay sa maling magulang, ang maling asawa ay maaaring patuloy na makita sa relasyon. Tanggalin ang relasyong magulang at anak na may maling asawa upang malutas ang isyu.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko itatama ang mga relasyon ng magulang at anak sa Family Tree?
Paano ko makikita ang mga pagbabago na ginawa sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko idaragdag ang isang miyembro ng pamilya sa pedigree sa Family Tree?
Paano ko idaragdag o babaguhin ang impormasyon ng kasal sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?