Sa Family Tree, ang mga relasyon ng mag-asawa ay nagkokonekta sa mga taong ikinasal, nagsama, nagkaroon ng mga anak, o kung hindi man ay itinuturing ang kanilang mga sarili na mag-asawa.
Naipapakita ang mga event sa kasal na kasama ng mga relasyon ng mag-asawa. Nakadetalye sa mga event ang pagbubuo o pagwawakas ng isang relasyon. Maaari kang magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng 5 uri ng event sa kasal sa Family Tree.
- Kasal
- Diborsyo
- Pagpapawalang-bisa ng kasal
- Pagsasama nang hindi kasal
- Pagsasama sa Iisang Bahay
Ang isang mag-asawa ay maaaring magkaroon ng mahigit sa isang event na kasal. Maaari mong i-delete ang mga duplikado ng isang event.
Ang mga event sa kasal ay nakaaapekto sa kung paano ipinapakita ang impormasyon sa Family Tree.
- Kapag ang isang tao ay may mahigit sa isang asawa, makikita ang mga asawa ayon sa petsa ng event sa kasal.
- Ang pinakamaagang petsa ay makikita sa kahon ng mag-asawa sa pahina ng Tao.
Ang dami ng impormasyon tungkol sa kasal na makikita sa Family Tree ay nag-iiba ayon sa tree view.
Mga Hakbang (website)
- Mag-sign in sa FamilySearch at pindutin ang Family Tree. Pagkapos ay pindutin ang Tree.
- Hanapin ang tao sa tree.
- Pindutin ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lilitaw, pindutin ulit ang pangalan ng tao.
- Pindutin ang tab na Mga Detalye.
- Mag-scroll sa bahaging Mga Kapamilya.
- Pindutin angpencil icon sa tabi ng event sa kasal para sa mag-asawa.
- Magdagdag ng isang event sa kasal:
- Pindutin ang Idagdag ang Event.
- Pindutin ang down arrow, at pindutin ang uri ng event.
- Ilagay ang petsa at lugar.
- Ipaliwanag kung paano mo nalaman na tama ang impormasyon sa event.
- Pindutin ang I-save.
- Baguhin ang isang umiiral na event sa kasal:
- Pindutin ang pencil icon para sa mag-asawa.
- Hanapin ang umiiral na event, at pindutin ang pencil icon.
- Gumawa ng mga pagbabago.
- Ipaliwanag kung paano mo nalaman na tama ang pagbabagong ginawa mo.
- Pindutin ang I-save.
- I-delete ang isang event sa kasal:
- Pindutin ang pencil icon para sa mag-asawa.
- Hanapin ang umiiral na event, at pindutin ang pencil icon.
- Sa bandang kaliwang ibaba ng edit screen, pindutin ang I-delete ang Event.
- Maglagay ng isang dahilan sa pag-delete ng event.
- Pindutin ang I-delete.
Mga Hakbang (mobile app)
- Sa Family Tree mobile app, pumunta sa pahina ng Tao ng indibiduwal o asawa.
- Pindutin ang Mga Asawa.
- Pindutin ang pencil icon sa tabi ng entry ng Kasal.
- Magdagdag ng isang event sa kasal:
- Pindutin ang Magdagdag ng Event.
- Pindutin ang down arrow, at pindutin ang uri ng event.
- Ilagay ang petsa at lugar.
- Pindutin ang Magpatuloy.
- Ipaliwanag kung paano mo nalaman na tama ang impormasyon sa event.
- Pindutin ang I-save.
- I-edit ang isang umiiral na event sa kasal:
- Pindutin ang pencil icon para sa event sa kasal na gusto mong baguhin.
- Pindutin ang I-edit.
- Maaari mong i-edit ang uri, petsa, at lugar ng event.
- Ipaliwanag kung bakit tama ang impormasyon.
- Pindutin ang I-save.
- I-delete ang isang event sa kasal:
- Pindutin ang pencil icon para sa event sa kasal na gusto mong i-delete.
- Pindutin ang I-delete ang Event sa Kasal.
- Ipaliwanag kung bakit mo idi-delete ang event.
- Pindutin ang I-delete.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Sa Family Tree Lite, maaari kang magdagdag ng 4 na uri ng event sa kasal: Kasal, Diborsyo, Pagsasama nang Hindi Kasal, at Pagpapawalang-bisa ng Kasal. Ang event na Pagsasama sa Iisang Bahay ay hindi available sa Family Tree Lite. Upang maidagdag ang event na Pagsasama sa Iisang Bahay, gamitin ang web na bersyon ng Family Tree o ang mobile Family Tree app.
- Mag-sign in sa Family Tree Lite.
- Pumunta sa pahina ng Tao ng indibiduwal o asawa.
- Pindutin ang pencil icon para sa impormasyon sa kasal ng mag-asawa.
- Magdagdag ng isang event sa kasal:
- Sa bahaging Mga Event sa Kasal, pindutin ang Magdagdag ng Event.
- Pindutin ang down arrow, at pindutin ang uri ng event na mag-asawa.
- Ilagay ang petsa at lugar.
- Ipaliwanag kung paano mo nalaman na tama ang impormasyon sa event.
- Pindutin ang I-save.
- I-edit ang isang umiiral na event sa kasal:
- Pindutin ang event.
- Pindutin ang I-edit.
- Maaari mong i-edit ang uri, petsa, at lugar ng event.
- Ipaliwanag kung paano mo nalaman na tama ang impormasyon sa event.
- Pindutin ang I-save.
- I-delete ang isang event sa kasal:
- I-tap ang event sa kasal na gusto mong i-delete.
- Pindutin ang I-delete.
- Ipaliwanag kung bakit mo idi-delete ang event.
- Pindutin ang I-delete.
Mga isyung teknikal
- Kung hindi mo mailagay ang isang petsa ng kasal, maaaring iyon ay dahil ang isa sa mag-asawa ay wala sa Family Tree. Kailangang makita pareho ang mag-asawa sa Family Tree bago mo mailagay ang impormasyon tungkol sa kasal. Maaari kang maghanap at mag-attach ng isang asawa o gumawa ng isang tala.
- Nakikita mo ang isang error: “Hindi nai-save. Mayroon nang ganitong datos.” Hinahayaan ka ng Family Tree na iugnay ang isang event sa isang kumbinasyon ng petsa at lugar. Kung may isang bersyon nang umiiral, hindi ka maaaring magdagdag ng isa pa upang itugma rito. Sa halip, i-delete ang maling event.
Mga kaugnay na artikulo
Paano ko ilalagay ang mga asawa nang sunod-sunod ayon sa petsa ng kasal sa Family Tree?
Mali ang asawa ng isang tao sa Family Tree
Paano ko ibabalik ang isang na-delete na relasyon sa Family Tree?
Paano ko isasaad na ang isang tao sa Family Tree ay walang anak o hindi kailanman nagkarelasyon?
Paano ko isasaad na ang isang mag-asawa sa Family Tree ay hindi kailanman nagkaroon ng mga anak?