Inilalagay ng Family Tree ang mga asawa sa ayos batay sa pamantayang araw ng kasal. Ang mga mag-asawa na walang petsa ng kasal ay huling palabas.
Mga Hakbang (website)
- Suriin ang bawat umiiral na petsa ng kasal upang matiyak na ito ay pamantayan:
- Habang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
- Kung hindi mo nakikita ang Mga Mahalaga na kalapit ng tuktok ng pahina, pindutin ang markang Mga Detalye.
- Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
- Sa ilalim ng Mga Asawa at mga Anak, maaari mong tingnan ang ibat ibang mga kaugnayan.
- Sa tabi ng isang kaganapan sa kasal, pindutin ang markang ayusin
.
- Sa ilalim ng Mga Kaganapan sa Kasal, hanapin ang petsa ng kasal, at pindutin ang markang ayusin
:
- Ang isang markang kalendaryo sa tabi ng petsa ay nangangahulugan na ang petsa ay nasa pamantayan na, subalit kahit na ang mga petsang inilagay sa pamantayan ay maaaring nailagay nang hindi tama. Tiyakin na ang petsa ay may katuturan. Kung hindi, magpatuloy sa susunod na mga hakbang. Kung may katuturan ang petsa, pindutin ang Kanselahin.
- Ang markang berdeng tsek na may tatak na "Pamantayang Petsa" ay nangangahulugan na hindi mo na dapat ayusin ang kabatiran. Pindutin ang Kanselahin.
- Ang dilaw na tatlong sulok na may tatak na "Hindi Pamantayang Petsa" ay kailangan ang pag-ayos. Magpatuloy sa mga hakbang.
- Mag-klik sa loob ng larangan ng pook para sa petsa.
- Pindutin ang harang na espasyo sa iyong teklado. Ang listahang pamantayang mga petsa o pook ay lumilitaw batay sa iyong inilagay.
- Upang palitan ang Hindi-pamantayang petsa sa tamang petsa, pindutin ang karaniwang petsa sa bagsak-baba na menu na naaangkop.
- Pindutin ang Ipunin.
- Ulitin ang mga hakbang kung kailangan para sa bawat mag-asawa.
- Magdagdag ng anumang nawawalang mga araw ng kasal, tiyaking pamantayan ang mga ito.
- Sariwain ang bintana ng browser.
Mga Hakbang (mobile app)
- Suriin ang bawat umiiral na petsa ng kasal upang matiyak na ito ay pamantayan:
- Sa Family Tree mobile app, maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
- Pindutin ang markang Mga Asawa.
- Pindutin ang bagsak-baba na pana kasunod ng pangalan ng asawa.
- Kasunod ng petsa ng kasal, pindutin ang markang ayusin.
- I-tap ang I-edit.
- Kung ang kasalukuyang petsa ay muling nakalista pagkatapos ng Pamantayan, hindi mo kailangang ayusin ang kabatiran. Pindutin ang pabalik na pana o Kanselahin.
- Kung wala kang nakikita pagkatapos ng Pamantayan, o kung ang teksto ay nababasa na, “Walang Pamantayang Pinili,” magpatuloy sa mga hakbang.
- Pindutin ang petsa. Habang inilalagay mo ang petsa, ang mga pamantayang mungkahi ay lumilitaw.
- Pindutin ang pamantayang petsang nararapat.
- Pindutin ang Magpatuloy.
- Ipaliwanag ang iyong katuwiran sa pagbabago, at pindutin ang Ipunin.
- Ulitin ang mga hakbang kung kailangan para sa bawat mag-asawa.
- Magdagdag ng anumang nawawalang mga araw ng kasal, tiyaking pamantayan ang mga ito.
- Upang sariwain, isara at buksan muli ang app.
Tandaan: Kung ang petsa ay ipinasok bilang Bago, Pagkatapos, o Tungkol, ginagamit ang pinakamaagang petsa ng Julian para sa pag-uuri. Halimbawa, kung inilagay mo ang "Halos 1900," ang agwat ng pamantayang petsa ni Julian ay 2 taon. Ang pinakamaagang petsa ay Enero 1, 1899, at ang pinakabagong petsa ay Enero 1, 1901.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko magdagdag o baguhin ang impormasyon sa kasal sa Family Tree?
Paano ko ipasok ang mga petsa at lugar sa Family Tree?
Paano ako humiling ng pag-update sa database ng pamantayang lugar?
Paano ko magdagdag o baguhin ang impormasyon sa kasal sa Family Tree