Paano ko ilalagay ang mga petsa at mga pook sa Family Tree?

Share

Lathalain:

Halimbawang Pandinig
Pindutin ang mga telepono sa ulo upang makinig sa lathalaing ito.

Ang paggamit ng mga karaniwang kaayusan para sa mga petsa at lugar sa Family Tree ay gagawing mabuti ang katumpakan at kakayahang mahanap ng kabatirang inilalagay mo.

Bago ka magsimula

  • Maraming mga pook ang mayroong o nagkaroon ng pareho o magkakatulad na mga pangalan. Isinusulat ng mga tao ang mga petsa sa iba-ibang paraan.Tinutulungan ka ng Family Tree na gawing pamantayan ang mga petsa at mga pook habang inilalagay mo ang mga ito.
  • Ang pamantayang mga petsa at mga pook (tinatawag din na "mga pamantayan") ay nagbibigay ng maiging katumpakan sa pagsasaliksik, mga pahiwatig na tala at mga dobleng mga katangian ng Family Tree.
  • Ang listahan ng mga pamantayang sipi ay nagbibigay ng bilis sa paglalagay ng mga datos para sa iyo.
  • Kapag ang isang petsa o pook ay walang pamantayan, ito ay kikilalanin ng Family Tree bilang problemang mga datos at ipapakita ang pulang tandang maramdamin sa tabi nito. Upang maayos ang problemang ito, buksan ang kahong Ayusin, mag-klik sa "Walang Pamantayang Pinili," at pumili ng isang pamantayan.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa larangan ng isang petsa o pook sa Family Tree, simulang isulat ang petsa o pook.
    • Mga tulong para sa mga petsa:
      • Ang ika-29 ng Pebrero ay magiging pamantayan lamang para sa mga taong-bisyesto.
      • Gamitin ang B.C. o B.C.E. para sa "Before Christ" o Before Common Era." Ang pamantayan ay ipinapakita bilang B.C.
      • Ang Family Tree ay nagiging pamantayan sa paggamit ng kalendaryong Gregorya. Upang maglagay ng isang petsa mula sa ibang kalendaryo, ilagay ang petsa, mag-iwan ng puwang, at saka ilagay ang siping Gregorya ng petsang iyan (Araw-Buwan-Taon). Halimbawa, kung ang araw ng kapanganakan ay nangyari noong Disyembre 31, 2003, isusulat mo ang "31 Disyembre 2003."
      • Sa listahang bagsak-baba, ang pamantayang mga petsa ay mayroong markang kalendaryo.
    • Mga tulong para sa mga lugar:
      • Ang batayang-mga datos ng mga pamantayang pook ay hindi pa buo. Magiging mahusay ang mga pamantayan paglipas ng panahon.
      • Kung maaari, ilagay ang pangalan ng pook kung paano umiral ito nang mangyari ang kaganapan.
      • Mayroon kang pagpipilian na ilagay ang mga pook sa iyong katutubong wika o katutubong wika ng nasabing pook.
  2. Habang sumusulat ka, ipapakita ng kaparaanan ang isang bagsak-baba na menu kasama ang magagamit na mga pamantayan. Pindutin ang tama.
    • Dapat kang pumili ng isang bagay na bagsak-baba upang gumana ang pagpipilian na Ipunin.
    • Kung ang wastong pamantayan ay hindi magagamit, muling isulat ang petsa o pook. Kung wala sa mga pagpipilian ang tugma, ipunin ang isinulat mo sa pamamagitan ng pag-klik sa unang bagay na nasa bagsak-baba na menu. Ang Family Tree ang pumipili ng pamantayan kung maaari.
    • Upang piliin ang walang pamantayan, pindutin ang daga sa ibang banda ng tabing.
  3. Upang mapalitan ang pamantayan, pindutin lamang ang tabing at piliin ang isang gusto mo.
  4. Ang kaparaanan ay magbibigay-hudyat sa iyo upang ilagay-sa-panahon ang dahilan kung bakit ang kabatiran ay tama. Gawin ito, saka pindutin ang Ipunin.  

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa larangan ng isang petsa o pook sa Family Tree mobile app, simulan ang paglagay ng petsa o lugar.
    • Mga tulong para sa mga petsa:
      • Ang ika-29 ng Pebrero ay magiging pamantayan lamang para sa mga taon ng pag-lukso.
      • Gamitin ang B.C. o B.C.E. "Bago si Kristo" o Bago Karaniwang Panahon." Ang pamantayan ay ipinapakita bilang B.C.
      • Ang Family Tree ang gumagawa ng pamantayan sa paggamit ng kalendaryong Gregorya. Upang maglagay ng isang petsa mula sa ibang kalendaryo, ilagay ang petsa, mag-iwan ng puwang, at saka ilagay ang siping Gregorya ng nasabing petsa.
      • Kapag naglalagay ng mga petsa, maaaring 2 pagpipilian ang magpapakita (halimbawa, 5 Nob 1911 o 5 Nobyembre 1911). Piliin ang petsang may markang kalendaryo sa tabi nito(karaniwan ang huli, ika-5 ng Nobyembre 1911). Ito ang mag-pipigil sa mga kamaliang mga datos na nauugnay sa kaayusan ng petsa.
    • Mga tulong para sa mga lugar:
      • Ang batayang-mga datos ng mga pamantayang pook ay hindi pa buo. Magiging mahusay ang mga pamantayan paglipas ng panahon.
      • Kung maaari, ilagay ang pangalan ng pook kung paano ito umiral nang mangyari ang kaganapan.
      • Mayroon kang pagpipilian upang mailagay ang pook sa iyong katutubong wika o sa katutubong wika ng nasabing pook.
      • Kung ang wastong pamantayan ay hindi maaari, ilagay ang lugar na nais mong itala, magdagdag ng puwang, at saka maglagay ng isang sipi ng pangalan ng pook na maaaring gawing pamantayan.Maaaring ito ang makabagong-araw na pangalan-pook o ang pangalan ng bayan, estado, lalawigan, o bansang kinalalagyan nito sa kasalukuyan.
  2. Habang inilalagay mo ang pangalan o petsa, ipapakita nang kaparaanan ang mga magagamit na pamantayan.
    • Pindutin ang wastong pamantayan. Maaari kang mag-balumbon sa listahan ng mga pamantayang lugar upang mahanap ang isang wasto.
    • Kung walang pamantayang magagamit, magpunta sa ibaba ng listahan ng mga pamantayan, at pindutin ang Wala sa mga nasa itaas.
    • Upang panatilihin ang iyong inilagay at pa-piliin ang kaparaanan ng isang pamantayang magagamit, pindutin ang listahan ng mga pamantayan.
  3. Upang mabago ang pamantayan, kailangan mong muling ilagay ang petsa o ang pook. Ang mobile app, hindi katulad ng website, ay hindi ka pinapayagan na baguhin ang isang pamantayan nang hindi mo rin muling ilalagay ang kabatiran.

Magkakaugnay na mga lathalain

Hindi ko alam ang eksaktong petsang ilalagay sa Family Tree
Paano ko aayusin ang mga problemang mga datos sa Family Tree?
Mga tuwirang daan para sa paglalagay ng mga petsa sa Family Tree
Paano ko iminumungkahi ang isang bagong lugar sa mga lugar ng FamilySearch?


null

Bakit ginagawa natin ang ginagawa natin

Why are families so important to us?
Click here to learn more!

Nakatulong ba ito?