Paano ko sasabihin na ang mag-asawa sa Family Tree ay hindi kailanman nagkaroon ng mga anak o hindi kailanman may kaugnayan?

Sa iyong family history, maaari kang makatagpo ng mga taong hindi nag-asawa o walang mga anak. Maaari mo itong idagdag ang mga katotohanang ito sa tala ng taong iyan sa Family Tree at ipaliwanag mo narating ang pasiyang ito. Ang iyong impormasyon ay tumutulong na maiwasan ng iba pang mga gumagamit ng Family Tree na ulitin ang iyong pananaliksik.

Magdagdag ng impormasyon sa relasyon ng mag-asawa sa mga sitwasyong ito:

  • Nakatagpo ka ng mga tao na nasa isang relasyon ng mag-asawa ngunit walang mga anak
  • Ang mga tao ay nanirahan nang magkasama sa halip na magpakasal.

Mga Hakbang (website)

Mayroon kang dalawang pagpipilian para sa pagsulat sa isang tao o magkabiyak na walang mga anak. Ang unang pagpipilian ay mag-klik Magdagdag ng Katotohanan sa ilalim Mga Detalye tab. Ang pangalawang pagpipilian ay pindutin ang ikon na Lapis upang maayos ang Kaugnayang Mag-asawa Sa bahaging Kasapi ng Pamilya/Mag-anak.

Narito ang mga hakbang para sa pagpipilian na tab ng Mga Detalye.

  1. Sa Family Tree sa FamilySearch.org website, maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Piliin ang markang Mga Detalye.
  3. Sa seksyong Iba pang Impormasyon, i-klik Magdagdag ng Katotohanan.
  4. Pindutin ang isa sa sumusunod na mga pamilian:
    • Walang Mag-asawang Mga Kaugnayan. Pindutin ang pamiliang ito kung ang tao ay hindi kailanman nag-asawa o hindi kailanman nasa kaugnayang mag-asawa.
    • Walang Mga Anak. Pindutin ang pamiliang ito kung ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng mga anak.
  5. Maglagay ng isang paliwanag kung paano mo nalaman na ang kabatiran ay wasto.
  6. Pindutin ang Ipunin.
  7. Kung kapuwa katunayan ay dapat sa taong ito, ulitin ang mga hakbang 3 hanggang sa 7 upang idagdag ang ibang katunayan.
  8. Upang iwasto o mapahusay ang pahayag na katuwiran ng katunayan, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang pagpipilian na Mag-ayos ng katunayan.
    2. Gawin ang iyong pagdaragdag o pagwawasto sa pahayag na katuwiran.
    3. Pindutin ang Ipunin.
  9. Upang matanggal ang katunayan, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang Tanggalin.
    2. Ilagay ang dahilan na tinatanggal mo ang kabatiran.
    3. Pindutin ang Tanggalin.
  10. Kung maaari, ikabit ang mga pinagkunan o ilagay ang mga paalaala na magbibigay ng katibayan para sa ginawa mong pagbabago.

Narito ang mga hakbang para sa pag-ayos ng Kaugnayan ng Mag-asawa.

  1. Pumunta sa bahaging Kasapi ng Pamilya o Mag-anak.
  2. Pindutin ang ikon na Lapis.
  3. Pindutin ang Magdagdag ng Katunayan sa ilalim ng Mga Katunayan sa Kaugnayan.
  4. Repasuhin ang babalang mensahe para sa Walang Mga Anak.
  5. Ilagay ang dahilan at pinagkunan ng kabatiran.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, mag-layag sa pahina ng Tao para sa tao.
  2. Piliin ang markang Mga Detalye.
  3. Tapikin ang bilog na berde sa ilalim ng kanang sulok.
  4. Sa listahan, tapikin ang isang sumusunod na mga pagpipilian:
    • Walang Mag-asawang Mga Kaugnayan. Tapikin ang pagpipilian na ito kung ang tao ay hindi kailanman may asawa o hindi kailanman nasa kaugnayang mag-asawa.
    • Walang Mga Anak. Tapikin ang pagpipilian na ito kung ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng mga anak.
  5. Maglagay ng isang paliwanag kung paano mo nalaman na ang kabatiran ay wasto.
  6. Pindutin ang Ipunin.
  7. Kung kapuwa na katunayan ay dapat sa taong ito, ulitin ang mga hakbang 3 hanggang sa 6 upang idagdag ang ibang katunayan.
  8. Upang iwasto ang isang katunayan, gamitin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang Ayusin.
    2. Ilagay ang wastong kabatiran.
    3. Pindutin ang Magpatuloy.
    4. Ilagay ang dahilan kung paano mo nalaman na ang kabatirang inilagay mo lang ay wasto.
    5. Pindutin ang Ipunin.
  9. Maaari mong tanggalin ang isang katunayan:
    1. Tapikin ang katunayan.
    2. Tapikin ang pagpipilian na tanggalin ang katunayan
    3. Ilagay kung paano mo nalaman na tanggalin ang katunayan.
    4. Pindutin ang Tanggalin.
  10. Kung maaari, ikabit ang mga pagkukunan na nagbibigay ng katibayan para sa pagbabagong ginawa mo.

Family Tree Lite

Sa Family Tree Lite, maaari mong ayusin lamang ang mahalagang kabatiran. Ang Ibang Kabatiran na bahagi ay wala. Gamitin ang sipi ng web ng Family Tree o mobile app para sa iOS at Android.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ipababatid na ang mag-asawa sa Family Tree ay hindi kailanman nagkaroon ng mga anak?
Paano ko idadagdag o babaguhin ang kabatiran ng kasal sa FamilyTree?
Paano ko idadagdag ang mga paalaala sa isang tao sa Family Tree?
Ano-ano ang mga pakinabang ng pagdaragdag ng mga pagkukunan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?