Ang walang-bayad na kuwenta sa FamilySearch ay nagbibigay nang mas malawak na daan sa mga pagkukunan sa FamilySearch website.
Bago ka magsimula
- Sinumang lagpas sa 13 taong gulang ay maaaring lumikha ng isang kuwenta.
- Sa kapahintulutan ng magulang, ang mga batang 8 - 12 taon gulang ay maaaring lumikha ng mga kuwenta.
- Mungkahi namin na bawat isang tao ay gumamit ng hiwalay na email adres o bilang ng mobile phone. Sa paggawa nito ay gagawing mas madaling mabawi ang username o muling paglagay ng password.
- Habang lumilikha ka ng isang kuwenta, ang username na pinipili mo ay maaaring ginagamit na. Kung gayon, ang kaparaanan ay magbibigay ng ilang pagkakaiba na maaari mong piliin. O maaari kang maglagay ng ibang username.
- Mungkahi namin na gumamit ka ng iba maliban sa iyong email adres bilang username mo.
- Kung gagamitin mo ang iyong email adres bilang username, mangyaring magsama rin ng bilang ng mobile para sa madaling pagbawi ng kuwenta.
- Sa website, sa unang pagkakataong tingnan mo ang sarili mong angkan, makikita mo ang tabing na Simulan ang Iyong Family Tree na naglalaman ng madaling sundin na mga hakbang upang matulungan kang maglagay ng kabatiran tungkol sa iyong sarili sa FamilyTree.
Mga Hakbang (website)
- Pumunta sa FamilySearch.org, at pindutin ang Lumikha ng kuwenta.
- Ilagay ang kinailangang kabatiran, kabilang ang isang username at password.
- Pumili ng pagpipilian sa pagbawi. Kung ang iyong bansa ay wala sa listahan ng pook para sa pagpipilian sa pagbawi ng teksto, dapat kang gumamit ng isang email adres para sa pagbawi.
- Upang sumang-ayon sa Mga Tuntunin ng Paggamit at Pansariling Patalastas, lagyan ng tsek ang kahon. Pindutin ang Tapos.
- Pakilusin ang iyong kuwenta. Humanap ng mensahe sa iyong email o isang mensaheng teksto sa iyong mobile na telepono.
Mga Hakbang (mobile app)
- Buksan ang FamilySearch Family Tree o Mga Memorya na app sa iyong mobile na kagamitan.
- Pindutin ang Lumagda.
- Gamitin ang mga alituntunin sa website habang lumilikha ka ng iyong kuwenta.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
- Pumunta sa Family Tree Lite.
- Pindutin ang Lumikha ng isang Walang-Bayad na Kuwenta.
- Gamitin ang mga alituntunin sa website habang lumilikha ka ng iyong kuwenta.
Mungkahing susunod na mga hakbang
Repasuhin ang iyong kabatiran ng kontak at gustong mga patalastas sa iyong Mga kaayusan sa FamilySearch .
Pagkuha ng tulong
Kung nakatagpo ka ng mga problema, kontakin ang Suporta ng FamilySearch.
Mga kalutasan sa karaniwang mga suliranin
Narito ang mga mensaheng nangangahulugan na maaaring mayroon ka nang isang kuwenta:
- "Naniniwala kami na ang kuwenta na ito ay umiiral na."
- "Ang bilang ng mobile phone na inilagay mo ay ginagamit na sa isang kuwenta."
- "Ang bilang ng tala ng Simbahan ay ginagamit na sa isang kuwenta."
Mga paalaala para sa mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa Huling-Araw
- Malamang na mayroon kang isang kuwenta ng Simbahan para sa website ng Simbahan o mga app ng Simbahan, gaya ng Mga Kagamitan. Hindi mo kailangan ang isang hiwalay na kuwenta para sa FamilySearch.org. Sa pahina ng paglagda, pindutin ang Lumagda sa Kuwenta ng Simbahan.
- Upang magamit ang Family Tree o Memories mobile apps, dapat kang lumikha ng isang kuwenta ng FamilySearch.
- Kung pinili mong lumikha ng isang kuwenta ng FamilySearch, gamitin ang mga hakbang ng website.
- Sa unang tabing, pindutin ang kahon upang maipahayag na ikaw ay kasapi ng Simbahan.
- Ilagay ang iyong Church record number. Kung hindi mo ito mahanap, pindutin sa kahon, at pagkatapos ay pindutin ang Magpatuloy
- Upang idagdag ang iyong bilang ng tala ng Simbahan sa umiiral na kuwenta, pumunta sa iyong Mga Kaayusan ng Kuwenta. Sa ibaba ng pahina, pindutin ang Idagdag ang bilang ng kuwenta ng Simbahan .
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako gagawa ng isang walang-bayad na kuwenta sa FamilySearch sa paggamit ng Google?
Paano ako gagawa ng isang walang-bayad na kuwenta na FamilySearch sa paggamit ng Facebook?
Paano ako gagawa ng isang walang-bayad na kuwenta na FamilySearch sa paggamit ng Apple na paglagda o iugnay ang umiiral na mga kuwenta?
Paano ako maglagda sa FamilySearch?
Paano ko hihilingin na muling magpadala ang FamilySearch ng isang email sa pagpapatunay para sa aking Kuwenta?
Paano ko hihilingin na muling magpadala ng isang kodigo ng pagpapatunay sa aking kuwenta?
Paano ako lilikha ng isang walang-bayad na kuwenta para sa isang anak?
Ano-ano ang mga patakaran para sa aking username at password?
Maaari ba akong lumikha ng mga kuwenta na may ang isang ibinahagi na email adres?
Paano ko matutulungan ang ibang tao na lumikha ng isang kuwenta?