nullAng sinumang 13 taong gulang o mas matanda ay maaaring magparehistro para sa isang kuwenta na FamilySearch nang walang pahintulot ng magulang.
Ang mga batang may edad na 8—12 taong gulang ay maaaring magparehistro para sa isang kuwenta na FamilySearch na may pahintulot ng magulang. Ang kuwenta na ito ay maaaring likhain sa alinman sa churchofjesuschrist.org o FamilySearch.org.
Ang mga batang mayroon nang kuwenta para sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw ay maaaring lumagda sa FamilySearch.org gamit ang username at password ng kuwenta na iyon sa pamamagitan ng pagpili ng Lumagda sa Paggamit ng Kuwenta na Church na buton sa website.
Magbigay ng kapahintulutan sa churchofjesuschrist.org
Ang mga magulang at ligal na mga taga-alaga na mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw ay maaaring lumikha ng mga kuwenta at magbigay ng pahintulot sa churchofjesuschrist.org. Ang mga magulang ay maaari ring palitan ang password ng kani-kanilang mga anak at tanggalin ang mga kuwenta ng kani-kanilang mga anak.
Para sa mga alituntunin, lumagda sa iyong kuwenta sa churchofjesuschrist.org, buksan ang kaayusan ng iyong kuwenta, at pindutin ang Tulong.
Magbigay ng kapahintulutan sa pamamagitan ng FamilySearch.org
Ang mga magulang at mga anak ay maaari ring lumikha ng mga kuwenta sa FamilySearch.org. Ang pagiging kasapi ng Simbahan ay hindi kinakailangan.
Sa panahon ng prosesong ito, ang magulang o ligal na taga-alaga ay makakapili ng 1 sa 3 pamamaraan upang ligal na pahintulutan ang isang bata na magparehistro para sa FamilySearch.
- Bilang ng Tala sa Simbahan (para lamang sa mga kasapi ng Simbahan)
- Email adres
- Bilang ng Teksto
Sa proseso ng paglikha ng kuwenta, isang kodigo ng kapahintulutan ng magulang ay ipinadala sa email adres o bilang ng teksto ng magulang o taga-alaga (kung hindi lumilikha ng kuwenta sa paggamit ng bilang ng talang Simbahan). Tutukuyin mo rin ang isang pagbawi ng kuwenta na pamamaraan sakaling makalimutan ng iyong anak ang kanyang kabatiran sa pag-lagda. Para sa mga kuwenta na inayos sa paggamit ng bilang ng tala ng Simbahan, ang parehong bilang ay ginagamit para sa pagbawi.
Ang natitira sa lathalaing ito ay naglalarawan kung paano lumikha ng kuwenta mula sa FamilySearch.
Mga Hakbang (FamilySearch.org)
Upang lumikha ng isang kuwenta para sa isang batang nasa pagitan ng edad na 8 at 12, sundin ang mga hakbang na ito.
- Pumunta sa isang produkto ng FamilySearch, at gamitin ang 1 sa mga pagpipilian na ito:
- Pumunta sa lugar ng FamilySearch.org sa paggamit ng isang browser, at pindutin ang Lumikha ng Kuwenta.
- Buksan ang Family Tree o Memorya na mobile app, at pindutin ang Lumikha ng Walang Bayad na kuwenta.
- Ilagay ang kabatiran ng anak sa porma ng Paglikha ng Kuwenta, at pindutin ang Magpatuloy.
- Ang Kinailangang Kapahintulutan ng Magulang o Taga-alaga na kahon ng diyalogo ay lumilitaw. Maaari mong piliin na magbigay ng pahintulot sa pamamagitan ng:
- Bilang ng Talang Simbahan (tingnan ang hakbang 4)
- Mensaheng teksto (tingnan ang hakbang 5)
- Email (tingnan ang hakbang 6)
- Upang magbigay ng kapahintulutan ng magulang sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang ng talang Simbahan, sundin ang mga hakbang na ito.
- Piliin ang Gamitin ang Bilang ng Talang Simbahan ng Magulang(kung ito ang gusto).
- Ilagay ang sarili mong (ang magulang o ligal na taga-alaga)bilang ng talang Simbahan. Pagkatapos ay pindutin ang Magpatuloy.
- Susunod, ilagay ang bilang ng talang Simbahan ng anak, at pindutin ang Magpatuloy.
- Punan ang natitirang puwang sa porma, at pindutin ang Lumikha ng Kuwenta.
- Lumagda sa FamilySearch upang makumpleto ang pagpapalista. Kung nakalimutan ng iyong anak ang kanyang kabatiran sa paglagda, ang bilang ng talang Simbahan ay kailangan sa pagbawi.
- Upang magbigay ng kapahintulutan ng magulang sa pamamagitan ng mensaheng teksto, sundin ang mga hakbang na ito.
- Sa paggamit ng mensaheng teksto mula sa bagsak-baba na menu, piliin ang Tanungin ang Magulang, at ilagay ang bilang ng teksto. Pindutin ang Magpatuloy.
- Punan ang natitirang puwang sa porma, at pindutin ang Lumikha ng Kuwenta. Ang kodigo ng kapahintulutan ng magulang ay ipinadala sa teleponong teksto ng magulang.
- Ang susunod na tabing ay nagtatanong para sa kodigo ng kapahintulutan ng magulang na ipinadala sa magulang o telepono ng taga-alaga sa pamamagitan ng mensaheng teksto. Ilagay ang kodigo, at pindutin ang Ibigay.
- Susunod, ilagay ang bilang ng teksto o email adres para sa pagbawi ng kuwenta, sakaling makalimutan ng anak ang kanyang kabatiran sa paglagda.
- Kung pinili mo ang pagbawi sa pamamagitan ng bilang ng teksto, ilagay ang kodigo na ipinadala sa telepono, at pindutin ang Ibigay.
- Kung pinili mo ang email, buksan ang email, pindutin ang Kumpletohin ang Pagpapalista.
- Lumagda sa FamilySearch upang makumpleto ang pagpapalista.
- Upang magbigay ng kapahintulutan ng magulang sa pamamagitan ng email, sundin ang mga hakbang na ito
- Sa paggamit ng email mula sa bagsak-baba na menu, piliin ang Tanungin ang Magulang, at ilagay ang email adres. Pindutin ang Magpatuloy.
- Ang paglikha ng Kuwenta ay magpapatuloy. Punan ang natitirang puwang sa porma, at pindutin ang Lumikha ng Kuwenta. Ang mensaheng may ugnay sa kapahintulutan ng magulang ay ipinadala sa email ng magulang.
- Ang susunod na tabing ay humihingi ng kodigo ng kapahintulutan ng magulang na ipinadala sa email ng magulang o taga-alaga. Ilagay ang kodigo, at pindutin ang Ibigay.
- Ilagay ang bilang ng teksto o email adres para sa pagbawi ng kuwenta kung sakaling makalimutan ng anak ang kaniyang kabatiran sa paglagda.
- Kung pinili mo ang pagbawi sa pamamagitan ng bilang ng teksto, ilagay ang kodigo na ipinadala sa telepono, at pindutin ang Ibigay.
- Kung pinili mo ang email, buksan ang email, pindutin ang Kumpletohin ang Pagpapalista.
- Lumagda sa FamilySearch upang makumpleto ang pagpapalista.
Ang email sa pagpapatunay o teksto ay hindi dumating
Kung ang kapahintulutan o email sa pagpapatunay o mensaheng teksto ay hindi kaagad dumating, ang pag-unlad ng iyong kuwenta ay naipon sa loob ng 48 oras. Sa panahong iyon, maaari mong gawin ang isa sa mga sumusunod upang magbigay ng pahintulot:
- Lumagda sa iyong kuwenta sa churchofjesuschrist.org, at ibigay ang pahintulot mula sa iyong mga kaayusan ng kuwenta (para sa mga kasapi ng Simbahan).
- Tingnan ang iyong mensaheng teksto o email sa buong isang araw. Kung walang dumating, bumalik sa FamilySearch.org, at pindutin ang Lumagda. Ilagay ang iyong username at password, at tutulungan ka ng FamilySearch na tapusin ang paglikha ng iyong kuwenta.
Ang anak ay mayroon nang isang kuwenta
Kung nakatanggap ka ng isa na nasa mga maling mensahe sa ibaba, malamang na mayroon nang kuwenta ang bata:
- "Naniniwala kami na ang kuwenta na ito ay umiiral na."
- "Ang tekstong bilang ng telepono na inilagay mo ay ginagamit na sa isang Kuwenta."
- "Ang bilang ng tala ng simbahang ito ay ginagamit na sa isang kuwenta."
Sa kasong ito, pindutin ang Lumagda. Pagkatapos, kung nakalimutan ng bata ang kanyang pangalan-ng-tagagamit o password, gawin ang isa o kapuwa sa mga sumusunod:
- Upang mabawi ang username, pindutin ang Nakalimutan ang Username.
- Upang muling ilagak ang password, pindutin ang Nakalimutan ang Password.
- Kung mayroon kang mga problema, nakatutulong minsan ang magpalit ng ibang internet browser, gaya sa Chrome, Edge, Firefox, o Safari.
Mahahalagang Mga Paalaala
Noong Disyembre 2020 mayroong mga bagong kagamitan na magagamit para sa mga magulang upang pamahalaan ang mga kuwenta ng kani-kanilang anak para sa mga kasapi ng Simbahan. Pagkatapos ng paglagda sa lugar ng ChurchofJesusChrist.org, pindutin ang pangalan, pagkatapos piliin ang Mga Kaayusan ng Kuwenta. Pagkatapos, sa kaliwa ng tabing, piliin ang Mga Kuwenta ng Mga Bata. Mayroong mga bagong pagpipilian para sa paglikha ng mga kuwenta, pagpapahintulot ng mga kuwenta, pagtatanggal ng mga kuwenta at muling pag-ayos ng mga password.
Paalaala: Ang pagpipilian na gumamit ng isang bilang ng mobile na telepono para sa pagbawi ng kuwenta ay maaaring hindi magagamit sa inyong pook.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko hihilingin na muling magpadala ang FamilySearch ng email sa pagpapatunay para sa aking Kuwenta?
Paano ko hihilingin na muling magpadala ng isang pagpapatunay na kodigo upang kumilos ang aking FamilySearch na kuwenta?
Paano ako lilikha ng kuwenta sa Simbahan sa paggamit ng churchofjesuschrist.org?