Paano ako lilikha ng isang kuwenta ng Simbahan sa paggamit ng churchofjesuschrist.org?

Share

Upang makuha at magamit ang mga website ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw, lumikha ng isang Kuwenta ng Simbahan.

  • Dapat ay 13 taong gulang ka.
  • Ang mga batang may edad sa pagitan ng 8 at 12 ay maaaring magparehistro sa kapahintulutan ng magulang. Ang isang magulang o ligal na taga-alaga lamang ang maaaring magpahintulot sa isang bata na magparehistro para sa FamilySearch.
  • Maaari mong gamitin ang iyong kuwenta ng Simbahan upang magamit ang website ng FamilySearch.org. Sa pahina ng paglagda, pindutin ang logo ng Kristus ng Simbahan.
  • Maaari kang lumikha ng isang hiwalay na kuwenta na FamilySearch.org na may ibang ID at password. Gamitin lamang ang kuwenta upang lumagda sa FamilySearch.org.

Ang mga alituntunin ay nagpapaliwanag kung paano lumikha ng isang kuwenta na Simbahan sa website ng Simbahan.

  1. Magpunta sa website ng Simbahan.
  2. Sa kanang itaas, pindutin ang Lumagda.
  3. Pindutin ang Lumikha ng isang bagong kuwenta.
  4. Sa kahon ng Pook, pindutin ang pababa na palaso. Pagkatapos ay pindutin ang bansa ng iyong pamayanan.
  5. Pindutin ang Susunod.
  6. Lumikha ng isang gamit-na-pangalan at password, pagkatapos ay pindutin ang Susunod.
    • Kuwenta na Publiko: Pindutin ang kahong-tsek sa tabi ng “Hindi ako kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw. Ilagay ang iyong petsa ng kapanganakan.
    • Mga kuwenta para sa mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw: Ilagay ang iyong Bilang ng Tala sa Pagsapi(MRN) at petsa ng kapanganakan. Kung hindi mo alam ang iyong MRN, pindutin ang kaukulang kahong-tsek. Maaari mong ipagpatuloy ang pagpaparehistro. Maaari mong idagdag ang iyong CRN sa ibang panahon upang magkaroon ng mahigit na daan sa mga pagkukunan at mga kagamitan ng Simbahan.
  7. Pindutin ang Susunod.
  8. Ilagay ang kabatiran ng kontak, kabilang ang isang pagpipilian sa pagbawi at usapan. Pindutin ang kahong-tsek tungkol sa Mga Kasunduan ng Paggamit.
  9. Pindutin ang Susunod
  10. Upang makumpleto ang iyong pagpaparehistro, nagpapadala ang kaparaanan ng isang email o mensaheng teksto na may isang kodigo ng pagpapatunay.

Narito ang mga paraan upang mapatunayan ang pahintulot ng magulang o taga-alaga:

  • Bilang ng Talang Simbahan ang magulang o taga-alaga ay ilalagay ang kaniyang bilang ng talang Simbahan at pindutin ang Magparehistro.
  • Email: Ang magulang (o taga-alaga) ay ilalagay ang email adres na nakaugnay sa kaniyang bilang ng talang Simbahan at pindutin ang Magparehistro. ( Kung ang email adres ng anak ay ginamit sa simula ng pagpaparehistro, buksan ang kuwenta na email upang mahanap ang email ng kapahintulutan.)
    • Ang kaparaanan ay magpapadala ng email sa magulang o taga-alaga.
    • Hanapin ang email sa FamilySearch, buksan ito.
    • Pindutin ang Magpahintulot.
    • Ang mensaheng "Ang Iyong Pahintulot ay Naitala," ay lumilitaw.
  • Mobile Phone: Ang magulang (o taga-alaga) ay ilalagay ang bilang ng teleponong ugnay sa kaniyang bilang ng talang Simbahan, pipili nang bansa, at pindutin ang Magparehistro.
    • Ang magulang o taga-alaga ay tatanggap ng isang SMS na mensaheng teksto.
    • Ilagay ang kodigo ng pagpapatunay at sundin ang mga alituntunin.

Paalaala: Ang pagpipilian sa mobile phone ay magagamit lamang sa Estados Unidos at Canada.

Maaari mo na ngayong repasuhin ang kabatiran sa pakikipag-ugnay at mga kagustuhan sa patalastas sa mga kaayusan ng FamilySearch para sa katumpakan.

Ano-ano ang mga patakaran para sa aking gamit-na-pangalan at password?
Paano ako makagagawa ng isang walang-bayad na kuwenta na FamilySearch?
Nakalimutan ko ang aking FamilySearch password o gamit-na-pangalan

Nakatulong ba ito?