Maaari mong bawiin ang isang nakalimutan na pangalan-ng-tagagamit o muling ilagak ang isang nakalimutan na password para sa iyong kuwenta sa FamilySearch sa paggamit ng alinmang pagpipilian na tuwirang nakaugnay sa iyong kuwenta:
- Ang bilang ng iyong mobile phone
- Ang email adres mo
Paalaala: Ang pagpipilian upang magamit ang isang bilang ng mobile na telepono para sa pagbawi ng kuwenta ay maaaring hindi magagamit sa inyong lugar.
Maaari mo lamang mabawi ang isang pangalan-ng-tagagamit o muling ilagak ang isang password para sa isang aktibong kuwenta sa FamilySearch. Kung ikaw ay lumagda na para sa isang kuwenta sa FamilySearch at hindi pa ito aktibo, mangyaring makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch.
Mga Hakbang (website)
- Sa kanang sulok sa itaas ng website ng FamilySearch, pindutin ang Lumagda.
- Gawin ang isang nasa mga sumusunod, ayon kung nakalimutan mo lamang ang iyong pangalan-ng-tagagamit, ang iyong password lamang, o kapuwa:
- Pangalan-ng-tagagamit lamang: Pindutin ang Nakalimutan ang pangalan-ng-tagagamit o password sa ilalim ng larangan ng Password.
- Password lamang: Pindutin ang Nakalimutan ang pangalan-ng-tagagamit o password sa ilalim ng larangan ng Password.
- Kapuwa: Pindutin ang Nakalimutan ang pangalan-ng-tagagamit o password sa ilalim ng larangan ng Password. Pagkatapos, sa susunod na tabing, pindutin ang kahon na tsek sa tabi ng Hindi ko matandaan ang aking password.
- Pumili ng isang paraan ng pagbawi batay sa kabatiran na ibinigay mo sa panahon ng pagpaparehistro.
- Mobile:Ilagay ang bilang ng iyong mobile. Ang kodigo ng patunay ay pupunta sa bilang na iyan. Ilagay ang kodigo ng pagpapatunay sa ibinigay na larangan sa https://www.familysearch.org/identity/recovery/reset at pindutin ang OK.
- Email:Ilagay ang iyong email adres. Ang isang email na mayroon lahat ng mga pangalan-ng-tagagamit na nauugnay sa kuwenta na email ay darating sa iyo. Buksan ang email, at pindutin ang pangalan-ng-tagagamit na gusto mong gamitin.
- Ang susunod na mangyayari ay ayon sa kung ano ang iyong ipinahiwatig na nakalimutan mo:
- Pangalan-ng-tagagamit lang: Ang pahina sa paglagda ay muling lilitaw, kasama ang iyong p0angalan-ng-tagagamit na kusang inilagay.Mailalagay mo na ngayon ang password mo, at lumagda. O kung nakita mong nakalimutan mo rin ang iyong password, pindutin ang password upang muling ilagak ang iyong password.
- Password lang: Ang pagpipilian upang muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw.
- Kapuwa: Ang pagpipilian upang muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw.Ang pangalan-ng-tagagamit mo ay lumilitaw sa tabing.
- Kung kinakailangan, muling ilagak ang iyong password:
- Maglagay ng isang bagong password.
- Patunayan ang bagong password.
- Pindutin ang Muling Ilagak.
Mga Hakbang (mobile apps)
- Buksan kung alin sa Puno ng Mag-anak o Mga Memorya na mobile app sa iyong Android o Apple iOS mobile na kagamitan.
Paalaala: Ang pagpipilian upang gumamit ng bilang ng mobile na telepono para sa pagbawi ng kuwenta ay maaaring hindi magagamit sa inyong pook. - Pindutin ang Lumagda.
- Pindutin ang Magpatuloy sa paggamit ng Pangalan-ng-tagagamit.
- Pindutin ang Kailangan ang Tulong sa Paglagda?
- Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian:
- Nakalimutan mo lang ang iyong pangalan-ng-tagagamit—pindutin ang Nakalimutan ang pangalan-ng-tagagamit
- Nakalimutan mo lang ang iyong password—pindutin ang Nakalimutan ang password?
- Kapuwa mong nakalimutan —pindutin ang Nakalimutan ang pangalan-ng-tagagamit? Pagkatapos, sa susunod na tabing, pindutin ang tsek na kahon kasunod ng Hindi ko matandaan ang aking password.
- Pindutin upang pumili ng isang paraan ng pagbawi batay sa kabatiran na ibinigay mo sa panahon ng pagpaparehistro. Ilagay ang kabatiran at pindutin ang OK.
- Bilang ng Mobile: Ilagay ang bilang ng iyong mobile. Ang kodigo ng patunay ay pupunta sa bilang na iyan. Ilagay ang kodigo ng pagpapatunay sa ibinigay na larangan sa https://www.familysearch.org/identity/recovery/reset at pindutin ang OK.
- Email:Ilagay ang iyong email adres. Ang isang email na mayroon lahat ng mga pangalan-ng-tagagamit na nauugnay sa kuwenta na email ay darating sa iyo. Buksan ang email. Pindutin ang iyong Pangalan-ng-tagagamit Lumilitaw ang isang palabas na nagpapahintulot sa iyo na muling ayusin ang iyong password. Maglagay ng isang password at sundin ang mga alituntunin sa tabing.
- Ang susunod na mangyayari ay ayon sa kung ano ang iyong ipinahiwatig na nakalimutan mo:
- Pangalan-ng-tagagamit lang: Ang pahina sa paglagda ay muling lilitaw, kasama ang iyong p0angalan-ng-tagagamit na kusang inilagay. Maaari mo na ngayong ilagay ang iyong password at lumagda. O kung nakita mo na nakalimutan mo rin ang iyong password, pindutin ang Nakalimutan ang password.
- Password lang: Ang pagpipilian upang muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw.
- Kapuwa: Ang pagpipilian upang muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw.Ang pangalan-ng-tagagamit mo ay lumilitaw sa tabing.
- Kung kinakailangan, muling ilagak ang iyong password:
- Maglagay ng isang bagong password.
- Patunayan ang bagong password.
- Pindutin ang Muling Ilagak.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
- Pumunta sa Family Tree Lite.
- Kung naalaala mo ang iyong pangalan-ng-tagagamit, ilagay ito, at pindutin ang Lumagda. Kung nakalimutan mo ang iyong pangalan-ng-tagagamit, maaari mo itong makuha:
- Pindutin ang Nakalimutan ang Pangalan-ng-tagagamit?
- Pumili ng isang pamamaraan ng pagbawi na magagamit para sa iyong kuwenta.
- Mobile:Ilagay ang bilang ng iyong mobile. Ang kodigo ng patunay ay pupunta sa bilang na iyan. Ilagay ang kodigo ng pagpapatunay sa ibinigay na larangan sa https://www.familysearch.org/identity/recovery/reset at pindutin ang Magpatuloy.
- Email:Ilagay ang iyong email adres. Ang isang email na mayroon ng lahat ng pangalan-ng-tagagamit na nauugnay sa kuwenta na email ay darating sa iyo. Buksan ang email. Pindutin ang iyong Pangalan-ng-tagagamit, lumilitaw ang isang palabas na nagpapahintulot sa iyo na muling ayusin ang iyong password. Ilagay ang bagong password at sundin ang mga alituntunin sa tabing.
- Kung nakalimutan mo ang iyong password, maaari mo itong muling ilagak:
- Pindutin ang Nakalimutan ang password?
- Piliin ang kahit alin sa mobile o email na pagpipilian. Ilagay ang kabatiran at pindutin ang kahon ng tsek sa tabi ng hindi ko matandaan ang aking password.
- Pindutin ang OK.
- Isang mensahe ang darating sa iyo kasama ang pagpipilian upang muling ilagak ang password. Buksan ang mensahe, at pindutin ang Muling Ilagak ang Password.
- Ilagay at patunayan ang iyong bagong password.
- Pindutin ang Muling Ilagak
Mahahalagang Mga Paalaala:
Para sa mga kasapi ng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw
- Ang isang tao ay maaring magdagdag ng bilang ng tala sa Simbahan sa isang kuwenta lamang.
- Ang isang kasapi ng Simbahan ay maaaring magkaroon ng isang kuwenta na FamilySearch na may bilang ng tala ng Simbahan, o isa na wala, o kapuwa uri ng mga kuwenta.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako hihiling na magpadala muli ng isang kodigo ng pagpapatunay upang mapakilos ang aking kuwenta sa FamilySearch?
Paano ko hihilingin na magpadala muli ang FamilySearch ng isang pagpapatunay na email para sa aking kuwenta?