Paano ko hihilingin na i-resend ng FamilySearch ang verification email para sa aking Account?

Share

Karaniwang dumarating ang verification sa loob ng ilang minuto. Kung minsan, tumatagal ito ng 1-2 oras. Kung hindi ito dumating kaagad, narito ang ilang pangunahing bagay na maaari mong tingnan:

  • Ang email ay mula sa www.familysearch.org/register/ at may subject line na Complete Your FamilySearch Account Registration....
  • Tingnan ang iyong junk o spam folder. Mangyaring hanapin ang mga katagang FamilySearch account, Complete your registration, o pareho. Kung nasa junk o spam folder ang email, ilipat ito sa iyong primary folder o inbox. Maaari mo na itong buksan at i-klik ang activation link. Hindi gumagana ang mga activation link sa junk o spam folder.
  • Tingnan ang iba pang email account na mayroon ka. 
  • Kung nagkamali ka sa iyong email address, magrehistro muli gamit ang tamang email address.
  • Kung nilikha mo ang iyong account mahigit 48 oras na ang nakararaan, hindi na magagamit ang link sa email. Muling mag-register.
  • Kung bukas pa rin ang registration window (sa loob ng 48 oras), i-klik ang button para ma-resend ang activation email. Tandaang gamitin ang pinakahuling natanggap na verification email, dahil hindi na magagamit ang mga link sa mas naunang mga email.

Kung nakakapag-sign in ka sa iyong FamilySearch account, mangyaring gawin ito. I-klik ang iyong pangalan sa kanang sulok sa itaas. I-klik ang Settings at pagkatapos ay Account. Tiyakin na ang iyong recovery option ay naka-activate. (Kung hindi, makikita mo ang link: “I-verify ito…” sa ilalim ng Recovery Email.)

Email address recovery:

  • Kung hindi na-verify ang email address, makikita mo ang I-verify ang address na ito. I-klik ang mga salitang naka-hyperlink at basahin ang mensaheng ito: “Pakitingnan ang Iyong Email. “Isang verification email ang ipinadala sa [email address here]. Kapag na-verify na, gagamitin namin ang email address para matulungan kang ma-recover ang iyong sign-in information kung sakaling kailangan mo ito. Ang verification link ay mag-e-expire sa loob ng 48 oras.”
  • Mayroon ka ng mga opsiyon na ito: I-resend ang email o Isara.
  • Kung patuloy kang nagkakaproblema sa pag-set up at pag-activate ng iyong FamilySearch account, kontakin lamang ang FamilySearch.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ako makagagawa ng FamilySearch account?
Maaari ba akong lumikha ng mga account gamit ang shared email address?
Paano ako makagagawa ng libreng account para sa isang bata?

Nakatulong ba ito?