Maaari ba akong lumikha ng mga account sa may kahating email address?

Kapag lumikha ka ng isang account para sa FamilySearch, kailangan mong maglagay ng isang email address. Mariin naming inirerekumda na maglagay ka ng isang email address na hindi mo ibinabahagi sa iba. Ang paggamit ng isang email upang lumikha ng maramihang account---kahit na maginhawa sa una---ay napatunayan na sanhi ng problema. May posibilidad na ang mga karaniwang isyung ito ay darating sa ibang pagkakataon.

  • Ang ilang mga katangian ng FamilySearch ay hindi gagana maliban kung ang iyong email ay natatangi.
  • Ang pamaraan ng pagbawi sa nakalimutang username ay nagdudulot ng pagkalito dahil ang email sa pagbawi, mula sa alinman sa FamilySearch o kaya churchofjesuschrist.org, ay nagpapadala ng lahat ng posibleng mga username at ang tama ay dapat alalahanin para makapagsign-in ng matagumpay.
  • Ang pagpapadala o pagtanggap ng mga mensahe sa loob ng kaparaanan ng pagmemensahe ng FamilySearch ay maaaring nakakalito maliban kung ang taong tagapagpadala o kaya ang inilaan na tatanggap ay tinukoy sa loob mismo ng mensahe dahil mayroon lamang isang ginagamit na email address upang makipag-ugnayan sa ibang may hawak ng account.
  • Ang mga pagtatangkang mairehistro ang isang bata sa pagitan ng 8 at 12 ay maaaring humantong sa maling mensahe, na nagsasabi na ang email address ay ginagamit na ng ibang account. Ito ay maghihinto sa proseso ng pagrerehistro.

Kung wala kang sariling email address, madali kang makakagawa ng libre sa mga serbisyo tulad sa Hotmail, Live Mail, Gmail, Yahoo at iba pa.Hindi iminumungkahi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw ang isang tagabigay sa iba. Madali kang makakasaliksik sa web para sa pinakamagaling at libreng mga serbisyong email upang malaman kung alin ang pinakamainam para sa iyo at upang makuha ang mga alituntunin para sa pag-set up nito.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ipapadala ang isang mensahe sa isang taong nag-ambag sa Family Tree o Memories?

Nakatulong ba ito?