Paano ko ipapadala ang isang mensahe sa isang taong may ambag sa Family Tree o Mga Memorya?

Maaari kang makipag-ugnay sa isang taong nag-ambag sa Family Tree o Mga Memorya. Tandaan na sa ilang tiyak na mga kaso hindi namin makilala ang taga-ambag. Ang ambag ay maaaring nagmula sa isang nakaraang kaparaanang hindi nagtala ng mga taga-ambag, o ang taga-ambag ay maaaring namatay.

Mangyaring tingnan ang aming Mga Kasunduan sa Paggamit para sa mga patnubay tungkol sa pakikipagtulungan sa mga iba.

Mga Hakbang (website)

Upang ipakita ang mga kamakailan na pagbabago at makipag-ugnayan sa taga-ambag ng kabatiran sa FamilySearch:

  1. Lumagda sa FamilySearch.org.
  2. Mag-layag sa balangkas ng tao.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng tao, pindutin ang Mga Detalye.
  4. Sa kanang gilid ng tabing, mag-balumbon pababa sa Pinakahuling Mga Pagbabago.
    Paalaala: Upang mapalawak ang kahon ng Pinakahuling Pagbabago, pindutin ang palaso sa kanan.
  5. Pindutin ang Ipakita lahat. Ipinapakita ng Pinakahuling Pagbabago ang bawat isang bagay ng inilagay na mga datos.
  6. Sa haliging hanay ng Petsa, pindutin ang pangalan ng taga-ambag. Ang isang bintana ng usapan ay lumilitaw na may sanggunian at ugnay sa memorya.
    Paalaala: (Pagpipilian) Upang idagdag ang taga-ambag sa iyong listahan ng kontak, pindutin ang Magdagdag ng Kontak.
  7. Pindutin ang buton na Usapan.
  8. Isulat ang iyong mensahe sa kahon ng Mensahe.
  9. Pindutin ang palaso na ipadala.
    Paalaala: Kung may nagpapadala sa iyo ng mga hindi gustong mensahe, maaari mong gawing pipi, itago, o lagyan ng harang ang taong iyan. Hindi mo makikita ang mga mensahe mula sa isang taong may harang.

Upang ipakita at makipag-ugnayan sa taga-ambag ng isang memorya sa FamilySearch:

  1. Lumagda sa FamilySearch.org.
  2. Maglayag sa balangkas ng tao.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng tao, pindutin ang Mga Memorya.
  4. Pindutin ang bagay na memorya.
  5. Sa kanang bahagi ng memorya, sa panig ng Mga Detalye, sa ilalim ng “Ambag ni”, pindutin ang pangalan ng taga-ambag. Ang isang lumalabas na bintana na may kabatiran ng taga-ambag ay lumilitaw.
  6. Paalaala: (Pagpipilian) Upang idagdag ang taga-ambag sa iyong listahan ng kontak, pindutin ang Magdagdag ng Kontak.
  7. Pindutin ang buton na Usapan. Ang isang lumalabas na bintana ng usapan ay lumilitaw kasama ang sanggunian at ugnay sa memorya.
  8. Isulat ang iyong mensahe sa kahon ng Mensahe.
  9. Pindutin ang pana na ipadala.

Mga Hakbang (mobile app)

Ipakita at makipag-ugnay sa taga-ambag ng isang memorya sa Family Tree mobile app:

  1. Buksan ang Family Tree mobile app.
  2. Maglayag sa balangkas ng tao.
  3. Pindutin ang Mga Memorya.
  4. Pindutin ang isang bagay na memorya.
  5. Sa ibabang kaliwang bahagi, pindutin ang pangalan ng taga-ambag. Kung hindi mo ito nakikita, pindutin ang bagay na memorya.
  6. (Pagpipilian) Upang idagdag ang taga-ambag sa iyong listahan ng kontak, pindutin ang Magdagdag ng Kontak
  7. Pindutin ang Usapan na buton. Ang isang lumalabas na bintana ng usapan ay lumilitaw kasama ang sanggunian at ugnay sa memorya.
  8. Isulat ang iyong mensahe sa kahon ng Mensahe.
  9. Pindutin ang pana na ipadala.

Ipakita at makipag-ugnay sa taga-ambag ng isang kamakailan na pagbabago sa kabatiran ng isang tao sa Family Tree mobile app:

  1. Buksan ang Family Tree mobile app.
  2. Maglayag sa balangkas ng tao.
  3. Sa kanang itaas, pindutin ang 3 tuldok.
  4. Pindutin ang Kamakailan na Mga Pagbabago.
  5. Hanapin ang pagbabago na problema at pindutin ang pangalan ng taga-ambag. Ang isang bintana ng usapan ay lumilitaw kasama ang kabatiran ng kontak ng taga-ambag.
  6. Pindutin ang bughaw na kahon ng Usapan. Ang isang lumalabas na bintana ng usapan ay lumilitaw kasama ang sanggunian at ugnay sa memorya.
  7. Sa kahon ng Magpadala ng isang mensahe, ilagay ang iyong mensahe.
  8. Pindutin ang bughaw na palaso na ipadala.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay ipinapakita sa iyo kung sino ang nagbigay ng kabatiran. Hindi mo nakikita ang kabatiran ng kontak o ang pagpipilian na magpadala ng isang mensahe. Mangyaring gamitin ang buong website.  

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko gagawing pipi, itago, o hadlangan ang isang tao sa pakikipag-usap sa akin?
Paano ko tatanggalin ang isang usapan sa Usapan ng FamilySearch?
Pagtingin sa Kaugnayan: Paano ko bubuksan o isasara ang pagpipilian upang tingnan ang aking kaugnayan sa ibang mga tagagamit?

Nakatulong ba ito?