Paano ko gagawing pipi, itago, o hadlangan ang isang tao sa pakikipag-usap sa akin?

Maaari mong gawing pipi, itago, o hadlangan ang isang tao kung hindi mo na gustong makita ang usapan sa taong iyan.

Mga hakbang upang gawing pipi, itago, o hadlangan ang isang usapan(website)

  1. Sa kaliwang panig ng bintana ng usapan, pindutin ang kontak na pangalan ng tao na gusto mong gawing pipi, itago, o hadlangan. Huwag idagdag ang kani-kanilang pangalan sa larangan na “Magsaliksik para sa mga tao at mga usapan”.
  2. Sa kanang itaas ng bintana ng usapan, pindutin ang 3 nakatayong tuldok.
  3. Pindutin ang pagpipilian na usapan na nais mong baguhin.
    1. Gawing pipi ang Usapan: Ang mga patalastas tungkol sa mga usapan na ipinadala mula sa taong ito ay hindi na natatanggap.
    2. Itago ang Usapan: Ang usapan ay itinatago sa iyong listahan ng mga usapan.
    3. Hadlangan ang [Pakikipag-ugnay na Pangalan ng Tao]: Walang mga usapang natatanggap mula sa taong hinadlangan mo. Hindi na nakikita ang nakaraang mga mensahe. Kung gusto mong tumanggap ng mga usapan mula sa tao sa hinaharap, tanggalin ang harang ng tao.

Mga hakbang upang tanggalin ang pagka-pipi ng isang usapan(website)

  1. Sa kaliwang panig ng bintana ng usapan, pindutin ang kontak na pangalan ng tao na tatanggalin ang pagka-pipi.
  2. Sa kanang itaas ng bintana ng usapan, pindutin ang 3 nakatayong tuldok.
  3. Pindutin ang Tanggalin ang Pagka-pipi ng Usapan.

Mga hakbang upang ipakita ang isang usapan (website)

  1. Sa kanang itaas ng bintana ng usapan, pindutin ang markang lapis.
  2. Ilagay ang pangalan o pangalan-ng-tagagamit ng tao sa larangan na “Pangalan” sa kanang bahagi ng bintana ng usapan.
  3. Maglagay ng isang mensahe sa larangan na “Mensahe” sa kanang ibabang bahagi ng bintana ng usapan.
  4. Pindutin ang pana na ipadala.
  5. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa tao, ang usapan ay nakikita.

Mga hakbang upang tanggalin ang harang sa isang tagagamit ng usapan (website)

  1. Upang buksan ang menu na Usapan, sa kanang itaas, pindutin ang 3 nakatayong tuldok.
  2. Piliin ang pagpipilian na Tingnan ang Mga Hinadlangan na Mga Tagagamit.
  3. Sa kanan ng pangalan ng tagagamit na gusto mong tanggalin ang harang, pindutin ang 3 nakatayong tuldok.
  4. Pindutin ang Tanggalin ang Harang [Kontak na Pangalan ng Tao].

Kapag tumanggap ka ng isang hindi angkop na mensahe, hinihikayat ka namin na iulat ito.

Mga Hakbang para Itago o Gawing Pipi ang isang usapan; Harangan ang Tagagamit; o Mag-ulat ng Abuso (mobile Tree app)

  1. Buksan ang Family Tree app sa iyong kagamitang mobile.
  2. Pindutin ang markang 3 guhit — ibabang kanan sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
  3. Pindutin ang Usapan.
  4. Pindutin ang isang usapan sa usapan.
  5. Sa kanang itaas, pindutin ang 3 tuldok.
  6. Pindutin ang Itago ang Usapan, Iulat ang Abuso, Gawing Pipi ang Usapan, o Hadlangan ang Tagagamit.
  7. Sa isang kagamitang Apple iOS, pindutin ang Gawing Pipi.

Mga hakbang upang tanggalin ang Pagka-pipi ng isang usapan (mobile Tree app)

  1. Buksan ang Family Tree app sa iyong kagamitang mobile.
  2. Pindutin ang markang 3 guhit — ibabang kanan sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
  3. Pindutin ang Usapan.
  4. Sa listahan ng usapan, pindutin ang pangalan ng tao.
  5. Sa kanang-itaas, pindutin ang 3 tuldok.
  6. Pindutin ang Tanggalin ang Pagka-pipi ng Usapan.
  7. Sa isang kagamitang Apple iOS, pindutin ang Tanggalin ang Pagka-pipi.

Mga hakbang sa hindi pag-tago ng usapan (mobile Tree app)

  1. Buksan ang Family Tree app sa iyong kagamitang mobile.
  2. Pindutin angmarkang 3 guhit — ibabang kanan sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
  3. Pindutin ang Usapan.
  4. Sa mababang bahagi ng iyong tabing, pindutin ang markang lapis.
  5. Ilagay ang pangalan o pangalan-ng-tagagamit ng tao sa larangan na Magdagdag ng Tao.
  6. Pindutin ang pangalan sa listahan na lumilitaw.
  7. Maglagay ng isang mensahe. Upang ipadala ang mensahe, pindutin ang pana.
  8. Ang unang mensahe ay hindi na ngayon nakatago.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano-ano ang mga tuntunin para sa mga talakayan at mga usapan?
Paano ko iulat ang abuso, panlilinlang, hindi naaangkop na mga memorya, at ibang nilalaman?
Paano ko tatanggalin ang isang mensahe sa Usapang FamilySearch?

Nakatulong ba ito?