Paano ko irereport ang pang-aabuso, spam, phishing, mga di-angkop na alaala, at iba pang content?

Share

Paano ireport ang pang-aabuso o di-angkop na content na nakita mo sa FamilySearch gamit ang feature na Ireport ang Pang-aabuso.

Kung may magpadala sa iyo ng mga hindi kanais-nais na mensahe, maaari mong i-mute ang taong iyon. Pagkatapos niyon, hindi mo na makikita ang mga mensahe niya sa iyo. Tingnan ang impormasyon sa Mga kaugnay na artikulo para sa mga detalye.

Ano ang itinuturing na pang-aabuso?

Ang pang-aabuso, sa sitwasyong ito, ay tinutukoy bilang anumang materyal na naka-save sa FamilySearch na itinuturing na nakakasakit o di-angkop, tulad ng mga sumusunod: 

  • Nakakasakit na pananalita o content
  • Impormasyon na maaaring makapinsala o magpahiya sa mga buhay na kamag-anak.
  • Mga link sa mga external web page na may di-angkop na content
  • Mga panghihingi ng salapi o iba pang bagay para sa mga negosyo o serbisyo sa pananaliksik
  • Panggigipit
  • Pahayag na Pampulitika
  • Paglabag sa karapatang-sipi

Kasali rin sa pang-aabuso sa FamilySearch ang pag-post ng mga patriarchal blessing o opisyal na tala sa templo sa alinman sa mga lugar na ito:

  • Mga Diskusyon
  • Mga Tala
  • Mga Alaala
  • Maikling Kasaysayan ng Buhay

Ano ang hindi itinuturing na pang-aabuso?

Ang mga pagkakamali o pagbabago sa mga tala ay hindi itinuturing na pang-aabuso. Kung may mga tanong ka tungkol sa mga pagkakamaling di-sadya o posibleng may masamang hangarin sa mga tala na hindi mo malutas, mangyaring kontakin ang FamilySearch Support.

Ang aming patakaran ay ipinaliwanag sa FamilySearch Rights and Use Information, na matatagpuan sa ibaba ng karamihan sa mga pahina sa FamilySearch.

Mga Hakbang (website)

  1. Pumunta sa isang lugar sa FamilySearch kung saan maaari mong ireport ang pang-aabuso:
    1. Tools: Sa pahina ng Tao ng isang indibiduwal, hanapin sa ilalim ng Tools ang link para sa Ireport ang Pang-aabuso.
      1. - Sa pahina ng Tao, piliin ang tab na Mga Detalye.
      2. - Sa column sa kanan, mag-scroll pababa sa Tools section.
      3. - Sa Tools section, pindutin ang Ireport ang Pang-aabuso.
    2. Memory viewer: Sa memory item viewer, sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang 3 dot at saka mo pindutin ang Ireport ang Pang-aabuso.
    3. Chat: Pindutin ang pangalan ng tao sa tabi ng isang chat, at pindutin ang Ireport ang Pang-aabuso.
  2. Punan ng kinakailangang impormasyon, at pindutin ang Isumite. Ang lahat ng report ay nananatiling kumpidensyal.

Mga Hakbang (mobile app)

Maaari mong ireport ang isang nakakasakit na mensaheng natanggap mo sa FamilySearch Chat.

  1. Buksan ang Family Tree app sa iyong telepono.
  2. Pindutin ang menu icon.
    • Sa isang Apple iOS device, pindutin ang 3 magkakahilerang linya sa kanang sulok sa ibaba.
    • Sa isang Android device, pindutin ang 3 magkakahilerang linya sa kaliwang sulok sa itaas.
  3. Pindutin ang Chat.
  4. Pindutin ang chat na gusto mong ireport.
  5. Sa kanang sulok sa itaas ng pop out chat window, pindutin ang 3 patayong tuldok, at saka mo pindutin ang Ireport ang Pang-aabuso.
  6. Piliin ang uri ng pang-aabuso.
  7. Sa “Report” section, mangyaring ipaliwanag ang alalahanin mo.
  8. Ilagay ang iyong email o numero ng telepono. Isa sa dalawang opsyon na ito ang kailangang punan upang maisumite ang report.
  9. Pindutin ang Isumite.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay walang mga button para Ireport ang Pang-aabuso. Gayunman, maaari kang mag-scroll hanggang ibaba ng anumang pahina at pindutin ang Feedback at Suporta, pagkatapos ay magpadala sa amin ng mensahe tungkol sa pang-aabuso.

Mga kaugnay na artikulo

Paano ko imu-mute, iha-hide, o iba-block ang isang tao upang hindi na siya makapag-chat sa akin?
Ano ang mga tuntunin para sa mga diskusyon at chat?

Nakatulong ba ito?