Paano ko babaguhin ang napakahalagang kabatiran sa Family Tree?

Sa Family Tree, maaari mong iwasto ang pangalan, kasarian, o kabatiran ng mga pangyayari para sa isang tao, kahit ito ay idinagdag mo.

Ang Family Tree ay isang bukas na kapaligiran ng pagtutulungan. Ang iyong pagbabago ay ipinapakita sa isang kasaysayan ng pagbabago, kasama ang iyong Kontak na ID at isang paraang makipag-ugnayan sa iyo. Ang sinumang tagagamit, kabilang ka, ay maaaring baligtarin ang mga pagbabago.

Bago ka magsimula

  • Ituon ang kawastuhan. Gumawa ng mga pagbabagong gagawa ng mas wastong balangkas ng tao.
  • Maging handang ipaliwanag ang iyong mga pagbabago, at, kung maaari, ikabit ang mga pagkukunan.
  • Isa-alang-alang na makipag-ugnayan sa tagagamit na gumawa ng huling pagbabago bago gumawa ng pagwawasto. Upang mahanap ang kabatiran ng kontak, pindutin ang pangalan ng tagagamit, at pagkatapos ay pindutin ang Mensahe
  • Ang ibang mga tagagamit ng FamilyTree ay maaaring binabantayan ang balangkas na ito. (Makikita mo kung ilan ang nagbabantay kapag ginawa mo ang iyong pagwawasto.) Ang mga tagagamit na nagbabantay sa balangkas ay tatanggap ng patalastas na email kapag gumawa ka ng pagbabago. Ang ibang mga tagagamit ay maaari kang kontakin upang talakayin ang iyong pagbabago.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch, at pindutin ang FamilyTree. Pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang taong gusto mong pagandahin.
  3. Pindutin ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin muli ang pangalan ng tao.
  4. Pindutin ang Mga Detalyeng marka.
  5. Sa tabi ng kabatirang gusto mong baguhin, pindutin ang Ayusin ang marka .
  6. Muling suriin ang mga pagkukunan at pahayag na dahilan. Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  7. Kapag ina-ayos ang isang pangalan, piliin ang angkop na wika sa larangan sa itaas ng mga larangan ng pangalan.
  8. Gawin ang iyong mga pagbabago.
    • Kung ang pagpipilian ay magagamit upang tanggalin ang kabatiran, ang Tanggalin na buton ay lumilitaw sa kaliwang bahagi. Mag-balumbon upang mahanap ito.
  9. Kung babaguhin mo ang petsa o lugar, piliin nang isang pamantayang petsa o lugar. Kung walang tugma na pamantayan, eksaktong piliin ang isinulat mo.
  10. Maglagay ng isang pahayag na dahilan. Ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung ang umiiral na pangangatwiran ay maaari, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang iyong sariling mga puna.
  11. Pindutin ang Ipunin.

Mungkahi namin na sariwain mo ang pahina ng web, pagkatapos mong itabi ang mga pagbabago.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong ang kabatiran ay gusto mong iwasto.
  2. Pindutin ang Mga Detalye.
  3. Sa bahaging Mga Mahalaga, pindutin ang kabatirang gusto mong mabago.
  4. Pindutin ang Ayusin.
  5. Muling suriin ang mga pagkukunan at pahayag na dahilan. Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  6. Ayusin ang kabatiran.
    • Kung magagawa mong tanggalin ang kabatiran, makikita mo ang pagpipilian na Tanggalin sa ibaba.
  7. Maglagay ng isang pahayag na dahilan. Ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung ang umiiral na pangangatwiran ay maaari, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang iyong sariling mga puna.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Sa tabing ng Mag-anak, pindutin ang pangalan ng taong nais mong iwasto ang kabatiran.
  2. Pindutin ang kabatiran na gusto mong mabago, at pindutin ang Ayusin.
  3. Muling suriin ang pahayag na dahilan Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  4. Ayusin ang kabatiran.
    • Kung magagawa mong tanggalin ang kabatiran, makikita mo ang pagpipilian na Tanggalin sa ibaba.
  5. Maglagay ng isang pahayag na dahilan. Ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung ang umiiral na pangangatwiran ay maaari, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang iyong sariling mga puna.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Pagkatapos mo

Hanggat maaari, ikabit ang mga pagkukunan upang ipakita kung saan mo natagpuan ang iyong kabatiran.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ang isang tao sa FamilyTree ay mayroong maling asawa
Paano ko gagawing wasto ang mga kaugnayang magulang-anak sa FamilyTree?
Paano ko gagawing wasto ang kasarian na nakalista sa tala ng tao sa FamilyTree?
Paano ako maglalagay ng mga petsa at lugar sa FamilyTree?
Paano ako magdaragdag ng mga mahalaga at iba kabatiran ng tao sa FamilyTree?
Paano ko ilalagay ang pangalan ng aking ninuno kung nagbago ito?
Paano ko gagawing wasto ang Ibang Kabatiran sa FamilyTree?

moduleTitle