Paano ko idaragdag ang isang life sketch, vitals, at ibang impormasyon sa Family Tree?

Kung ang isang tao ay nasa Family Tree na, mapapabuti mo ang kanyang rekord sa pagdaragdag ng life sketch, vitals, at ibang impormasyon.

  • Ang life sketch ay isang kuwento tungkol sa buhay ng tao. Ito ay maaaring maglaman ng hanggang sa 10,000 characters. Upang mailagay ang isang life sketch, kailangan mong gamitin ang Family Tree sa FamilySearch.org website.
    • Nirerekomenda namin na i-type mo muna ang iyong life sketch sa word processing document, saka kopyahin ito sa Family Tree. Kung hindi, ang iyong sesyon ay magtatapos, at maaaring mawala ang iyong gawa.
  • Ang vitals ay kinabibilangan ng pangalan, kasarian, kapanganakan, pagbinyag, kamatayan, at paglibing. Maaari kang magdagdag ng vitals sa Family Tree sa FamilySearch.org website, sa mobile app, at sa Family Tree Lite.
  • Ang ibang impormasyon ay kinabibilangan ng mga alternatibong pangalan, stillborn, mga trabaho, naturalisasyon, serbisyo sa militar, titulo ng pagkamaharlika, at iba pang impormasyon. Makadaragdag ka ng ibang impormasyon gamit ang Family Tree sa FamilySearch.org website at mobile app. Hindi ka maaaring magdagdag gamit ang Family Tree Lite.

Mga Hakbang (website)

Landscape, Portrait, Fan Chart, at Descendancy View

  1. Sa menu sa itaas, i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Hanapin ang tao sa tree na ang impormasyon ay nais mong gawing mas tumpak.
  3. I-klik ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lilitaw, i-klik muli ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyon.
  4. I-klik ang tab na Mga Detalye o Time Line. Ang life sketch ay makukuha lamang sa ilalim ng tab na Mga Detalye.
  5. Sa tab na Mga Detalye, i-klik ang tatsulok sa tabi ng bawat bahagi para makita ang impormasyon. May apat na pangunahing bahagi: Life Sketch, Vitals, Iba pang Impormasyon, at Mga Kapamilya.
  6. I-klik ang angkop na link na Magdagdag. Kung may prompt, piliin ang uri ng impormasyon na gusto mong idagdag.
  7. Ipasok ang impormasyon at dahilan upang maipaliwanag kung bakit wasto ang impormasyon. Walang kailangang pahayag na dahilan para sa Life Sketch.
  8. I-klik ang I-save.

View ng Unang Ninuno

Ang view na ito ay maaaring magdagdag ng mga piling pangyayari, detalye, at mga life sketch sa profile ng isang tao nang hindi umaalis sa Family Tree pedigree, ngunit hindi ito makapagdaragdag ng vitals.

  1. Mag-sign in sa FamilySearch at i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Pumunta sa page ng tao na gusto mong i-edit.
  3. I-klik ang kanyang pangalan.
  4. Isang bahagi ng sheet para sa taong iyon ang magbubukas sa kanan. Mag-scroll pababa sa bahagi sa menu na iyon nais mong pagandahin. Mayroon kang opsiyon na i-klik ang 1 sa mga feature na ito:
    1. Magdagdag ng Event
    2. Magdagdag ng Impormasyon
    3. Magdagdag ng Life Sketch (Paalala: Kung mayroon nang life sketch, hindi mo ito mababago maliban kung pupunta ka sa page ng tao. Sa gayong sitwasyon, i-klik ang kanyang pangalan sa menu sa gilid at dadalhin ka nito sa pahina ng taong ito.)
  5. Kapag napili mo na ang isa sa mga ito, punan ang kaugnay na impormasyon sa abot ng iyong makakaya. Huwag kalimutang magdagdag ng dahilan para sa mga pangyayari at detalye.
  6. I-klik ang I-save.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa Family Tree mobile app, makapagdaragdag ka ng vitals at ibang impormasyon. Ang life sketch ay hindi available.

  1. Sa Family Tree sa FamilySearch.org, idispley ang pahina ng tao na gusto mong pagandahin.
  2. I-tap ang +.
  3. I-tap ang uri ng impormasyong gusto mong idagdag.
  4. Sa bawat field, ipasok ang angkop na impormasyon. 
  5. Sa kahong Dahilan na Tama ang Impormasyong Ito, magdagdag ng isang malinaw na paliwanag kung bakit alam mo na tama ang impormasyon.
  6. I-tap ang I-save.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa Family Tree Lite, makapagdaradag ka lang ng mahalagang impormasyon. Ang life sketch at ibang impormasyon ay hindi available.

  1. Sa Family Tree Lite (lite.fs.org), i-klik ang pangalan ng tao na ang impormasyon ay nais mong gawing mas tumpak.
  2. I-klik ang angkop na link na Magdagdag.
  3. Sa bawat field, ipasok ang angkop na impormasyon. 
  4. Sa kahong Dahilan na Tama ang Impormasyong Ito, magdagdag ng isang malinaw na paliwanag kung bakit alam mo na tama ang impormasyon.
  5. I-klik ang I-save.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko mababago ang mahalagang impormasyon sa Family Tree?
Ano ang isinama sa pahina ng Tao sa Family Tree?
Ano ang ibig sabihin ng “Ang talang ito na galing sa IGI ay ginamit upang likhain ang taong ito”?
Paano ko matutukoy ang mga biological, step, ampon, at foster na mga relasyon sa Family Tree?

moduleTitle