Ano ang ibig sabihin ng "Itong talang IGI ay ginamit upang likhain ang taong ito"?

Sa Family Tree, ang sumusunod na mensahe ay lilitaw sa ilang mga pagkukunan: "Itong hinango na talang IGI ay ginamit upang likhain ang taong ito."

  • Ang kabatiran tungkol sa mga taong ito ay nagmula sa isang lumang pagpupunyaging indeksing. Ginamit ng FamilySearch ang hinango na kabatiran upang makilala ang mga tao at saka inilathala ang kabatiran sa IGI.

Noong Nobyembre 2014, idinagdag ng FamilySearch ang hinango na mga tala sa Family Tree. Ikinabit ng FamilySearch ang hinango na tala bilang isang pagkukunan sa umiiral na talang Family Tree.

  • Sa karamihan ng mga kaso, ang pamaraang ito ay gumana ng wastong-wasto. Masasabi mo dahil ang mga detalyeng hinango sa tala ay tugma o tulad sa mga detalye sa FamilyTree.
  • Paminsan-minsan, ang isang hinangong tala ay parang ikinabit sa maling tao sa Family Tree. Ang mga detalye sa hinangong tala ay kaiba sa mga detalye sa Family Tree.

Nangyari ang pagkakamali dahil ang tala ng FamilyTree ay resulta ng maling-maling pinagsamang tala. Kapag nakatagpo ka ng 1 sa mga kamaliang ito, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Kopyahin ang hinango na pagkukunan na IGI, sa iyong kahon ng pagkukunan.
  2. Tanggalin ang pagsasama ng maling-maling pinagsamang mga tala. Sa panahon ng prosesong ito, lumikha ka ng isang tala sa FamilyTree para sa taong pinagkunan ng pinagmulan ng IGI.
  3. Ikabit ang pagkukunan na hinango na IGI mula sa iyong kahon ng pagkukunan sa bagong tala.

Magkakaugnay na Mga Lathalain

Mula sa Family tree, paano ko bubuksan ang aking kahon ng pagkukunan at ikabit ang isang pagkukunan sa tao?
Paano ko kopyahin ang isang pagkukunan mula sa FamilyTree sa aking kahon ng pagkukunan?

Nakatulong ba ito?