Sa FamilyTree, kung ang bagay na memorya ay pinadala sa maling tao, maaari mong alisin o tanggalin ang pananda.
Buod
- Kung inilagay mo ang memorya, ang Tanggalin ang Pananda ay magagamit.
- Kung may ibang naglagay ng memorya, Tanggalin sa FamilyTree ay magagamit.
- Hindi mo maaaring baguhin ang sukat, muling isaayos at palitan ang pangalan ng mga pananda maliban kung ginawa mo ang pananda.
Kung susubukan mong ayusin ang isang pananda at hindi makita ang mga pagpipilian para sa pag-ayos at pagtanggal nito, isa-alang-alang ang mga sumusunod:
- Hindi mo ginawa ang pananda.
- Lumagda ka bilang isang katulong, at ang taong tinutulungan mo ay hindi ginawa ang pananda. Umalis sa paglagda bilang isang katulong.
- Nilikha mo ang pananda habang nakalagda ka upang tumulong sa ibang tao. Upang ayusin ang pananda, dapat mong ipagawa ito sa taong tinutulungan mong ayusin ang pananda o lumagda upang matulungan muli ang taong iyan.
Mga Hakbang (website)
- Sa FamilySearch.org, lumagda at pindutin ang Mga Memorya.
- Sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Galeriya.
- Pindutin ang larawan o kasulatan na may pananda na nais mong ayusin o tanggalin.
- Sa kanan sa kahon ng Nilagyan ng Pananda na Mga Tao, pindutin ang markang Mga Kaayusan (gear) sa tabi ng pangalan ng taong may pananda upang makita ang mga pagpipilian na ito:
- Ikabit sa Ibang Puno:
- Pindutin ang markang Mga Tao.
- Tanggalin ang memorya sa tao:
- Pindutin ang markang klip ng papel.
- Ilipat o Baguhin ang sukat ng Pananda na ito:
- Upang gawing mas malaki o mas maliit ang marka, pindutin ang luntian na bilog, at hilahin ito sa tamang sukat.
- Upang muling maisaayos ang marka, pindutin sa pananda, at hilahin ito sa gustong puwesto.
- Tanggalin ang Pananda na ito:
- Pindutin ang markang Basurahan.
- Pindutin ang Tanggalin.
- Kung ang pangalan sa pananda ay hindi tama ang pagbaybay, tanggalin ang pananda ng pangalan at lumikha ng bago.
- Ikabit sa Ibang Puno:
Mga Hakbang (Family Tree o Mga Memorya na mobile app)
Sa paggamit ng Family Tree mobile app, maaari kang magtanggal, maghiwalay, magbago ng puwesto, muling sukatin, at magpalit ng pangalan ng mga pananda.
- Sa Family Tree mobile app, ipakita ang pahina ng tao ng isang tao na may pananda sa memorya
- Pindutin ang Mga Memorya. Sa Mga Memorya na app, magsimula sa hakbang 3.
- Pindutin ang larawan o kasulatang mayroong marka na gusto mong ayusin o tanggalin.
- Kung hindi lumilitaw ang mga marka, pindutin muli ang larawan.
- Pindutin ang markang mukhang isang anino na may "+" o isang bilang. Sa isang Android na kagamitan, tumingin sa kanang itaas. Sa isang Apple iOS na kagamitan, tumingin sa kanang ibaba.
- Lumilitaw ang mga marka.
- Upang baguhin ang sukat ng marka, pindutin ang marka at pagkatapos ay hilahin ang luntian na tuldok.
- Upang muling ayusin ang marka, pindutin ang marka at dalhin ito sa nais na kaayusan.
- Pagkatapos, pindutin ang Tapos.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Ang Family Tree Lite ay hindi pumapayag sa iyo na ilagay, tingnan, o lagyan ng marka ang mga memorya.
Magkakaugnay na mga lathalain
Sa Mga Memorya, paano ako lilikha nang mga marka ng mga tao para sa mga taong may magkaparehong pangalan?
Sino ang maaaring tumingin sa mga bagay na inilagay sa Mga Memorya para sa mga taong buhay?