Sa Memories, paano ko lilikhain ang mga tag ng tao para sa mga taong may parehong pangalan?

Kapag lumikha ka ng mga tag para sa alaala at hindi ini-ugnay ang alaalang iyan sa tao sa Family Tree, isaalaala ng kaparaanan ang mga tag na inilagay mo para magamit ang mga ito sa ibang mga alaala tungkol sa kaparehong tao.

Kung maraming tao sa iyong pamilya ay may maroong magkatulad o magkaperehong mga pangalan, magiging mahirap na alamin kung kanino ang tag.

Narito ang mga mungkahing kalutasan:

Ikabit ang alaala sa isang tao sa Family Tree

Kapag ikinabit mo ang isang tao sa Family Tree, ang tag ay kusang isasama ang kapanganakan, kamatayan, at bilang ng ID ng tao upang matulungan kang pagbukurin ang mga taong may magkaparehong mga pangalan.

Kung ang tao ay wala sa Family Tree, idagdag siya. Saka idagdag ang tag sa alaalang nag-uugnay sa alaala ng tao sa Family Tree.

Lumikha ng natatanging mga tag para sa bawa't tao.

Kung, sa ilang mga dahilan, pinasiyahan mong hindi idagdag ang tao sa Family Tree, mungkahi namin na isama ang natatanging kabatiran sa tag. Sa karagdagan sa pangalan ng tao, i-type ang taon ng kapanganakan at kamatayan, salinlahing tanda (katulad ng Jr., Sr., II, atbp.), o place-names upang matulungan kang pagbukurin ang tag ng isang tao sa iba.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko aayusin o tatanggalin ang mga tag sa memories?

Nakatulong ba ito?