Magagamit ko ba ang isang hindi na-indeks na larawan bilang isang pagkukunan sa Family Tree?

Share

Maaari kang magdagdag ng isang larawan mula sa isang hindi na-indeks na talang larawan bilang isang pagkukunan sa Family Tree.

Mga Hakbang—Ikabit sa Family Tree (website at mobile)

  1. Maglayag sa larawan.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, mag-klik o pindutin ang Ikabit sa Puno. Sa isang maliit na tabing, pindutin ang paperclip.
  3. Ilagay ang kabatiran sa larangan ng Mga Paalaala.
  4. Pindutin ang Susunod: Piliin ang Tao.
  5. Gamitin ang bagsak-baba na menu upang piliin ang pangalan ng isang kamakailan na taong tiningnan, o ilagay ang ID ng Puno.
  6. Pindutin ang Susunod.
  7. Ilagay ang iyong dahilan, at pagkatapos ay pindutin ang Ikabit.

Mga Hakbang — Kahon ng Pagkukunan (website at mobile)

  1. Maglayag sa larawan.
  2. Sa kanang sulok sa tuktok, pindutin ang Kahon ng Pagkukunan. Kung hindi mo makita ang mga salita, pindutin ang marka na mukhang isang kahon, kaagad sa kaliwa ng buton na Ikabit sa Puno. Sa isang maliit na tabing, pindutin ang mga pagpipilian at pindutin ang Kahon ng Pagkukunan.
  3. Pindutin ang Ipunin sa Kahon ng Pagkukunan o Magdagdag ng Larawan sa Kahon ng Pagkukunan.
  4. Magdagdag ng mga paalaala at pindutin ang Ipunin.

Gamitin ang Kahon ng Pagkukunan mula sa website at ikabit sa mga balangkas ng Puno.

Mga Hakbang—Lumikha ng isang pagkukunan (website)

Maaari mong gamitin ang URL ng larawan at lumikha ng isang pagkukunan sa Family Tree.

  1. Maglayag sa larawan.
  2. Sa harang na adres ng iyong browser, kopyahin ang URL (web adres).
  3. Pumunta sa balangkas ng iyong ninuno sa Family Tree at pindutin ang Mga Pagkukunan.
  4. Pindutin ang markang Magdagdag ng Pagkukunan.
  5. Pindutin ang Magdagdag ng Panibagong Pagkukunan.
  6. Sa Uri ng Pagkukunan, pindutin ang URL ng Pahinang Web at ikabit ang URL sa larangan ng Pahinang Web .
  7. Magpatuloy sa paglagay ng kabatiran tungkol sa pagkukunan.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko lalagyan ng pananda ang isang pagkukunan sa Family Tree sa isang partikular na piraso ng kabatiran?
Paano ko ikakabit ang isang talang pangkasaysayan sa isang tao sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng isang panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng isang talang pangkasaysayan sa aking Kahon ng Pagkukunan?
Mula sa Family Tree, paano ko bubuksan ang aking kahon ng pagkukunan at ikabit ang isang pagkukunan sa tao?
Mula sa aking kahon ng pagkukunan, paano ko ikakabit ang isang pagkukunan sa isang tao sa Family Tree?
Paano ako lilikha ng isang pagkukunan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?