Paano ko idadagdag ang panlabas na pagkukunan sa Family Tree?

Minsan-minsan mahahanap mo ang mga pagkukunan na hindi magagamit sa FamilySearch. Mahahanap mo ang mga ito sa ibang website, o mayroon kang papel o digital na kopya. Maaari mong isulat ang kabatiran upang idagdag sa mga pagkukunan na ito sa Family Tree. Kapag sinulat mo sa pagkukunan, maaari mong iugnay ito sa kopya na online o magkabit ng kopya na digital.

Ang kopya na digital ay mayroong ibang mga pakinabang:

  • Ang kopya na digital ay iniingatan ang pagkukunan para sa hinaharap na mga salinlahi.
  • Kapag nakikita ng mga tao ang isang kopya na digital, nadarama nila na mas konektado sila sa kani-kanilang mga ninuno.
  • Ang kopya na digital ay nakapagbibigay ng mga pahiwatig para sa ibang mga mananaliksik upang magpatuloy.

Sa iyong kahon ng pagkukunan at sa Family Tree, maaari mong makilala ang panlabas na mga pagkukunan na ito sa pamamagitan ng markang ito:

Icon of the planet Earth

Bago ka magsimula

Kung ang pagkukunan ay online, kopyahin ang URL. Kung mayroon kang kopya na mga papel, ipunin ang mga ito sa isang pormang digital sa iyong kompyuter.

  • Tinatanggap namin .jpg, .png,.tif,.bmp, at.pdf na mga salansan. (Gamitin ang .pdf para sa mga kasulatang may maraming ibat ibang pahina.)
  • Ang pinakamalaking salansan ay 15 MB ang sukat.

Maaari kang magdagdag ng mga memorya bilang mga pagkukunan. Maaari mong gamitin ang Family Tree app para magkabit ng litrato mula sa iyong telepono bilang pagkukunan.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong mayroong kang panlabas na pagkukunan.  
  3. Pindutin ang Mga Pagkukunan na marka
  4. Pindutin ang markang Magdagdag ng Pagkukunan.
  5. Pindutin ang Magdagdag ng Panibagong Pagkukunan.
  6. Maglagay ng kabatiran tungkol sa pagkukunan.

    a. Ilagay ang petsa ng pangyayari. Ang petsa ay pinapayagan ka upang paghiwalayin ang mga pagkukunan ayon sa bilang ng pagkakasunod-sunod.
    b Maglagay ng pamagat para sa pagkukunan
    .c. Upang maglagay ng isang pagkukunan mula sa isang pahinang-web, klik URL ng Pahinang Web. Ilagay ang URL para sa pagkukunan. Upang gumamit ng isang memorya, klik Magdagdag ng Memorya. Klik Mag-lagay ng Memorya o Pumili mula sa Galerya. Ang mga detalye ay nasa ibaba.
    d. Magdagdag ng isang siping nagpapaliwanag kung saan natagpuan ang tala.
    e. Ilarawan ang tala. Maaari kang maglagay ng isang sipi ng isang pagkukunan o isang paliwanag ng isang bagay na memorya
    .f. Maglagay ng isang dahilan upang ikabit ang pagkukunan
    .g. Pindutin sa mga kahon ang bawat kaganapan na isusulat nang pagkukunan
    .h. Kung gusto mong ilagay ang pagkukunan sa iyong kahon ng Pagkukunan, hayaang may tsek ang pagpipilian. Kung hindi, pindutin upang alisin ang tsek.
    i. Pindutin ang Ipunin.

Maglagay ng Memorya.

  1. Sa hakbang 6c sa itaas, pindutin ang Maglagay ng Memorya.
  2. Hanapin sa iyong kompyuter ang naipon na bagay, at pindutin ng dalawang beses ito.
  3. Ang inilagay-na-bagay ay magiging isang pagkukunan para sa iyong ninuno. Idadagdag din ng kaparaanang ito sa iyong Galeriya ng Mga Memorya sa FamilySearch.
  4. Magpatuloy sa hakbang 6d sa itaas.

Pumili sa Galeriya.

  1. Sa hakbang 6c sa itaas, pindutin ang Pumili sa Galeriya.
  2. Ang iyong Galeriya ng Mga Memorya ay magbubukas.
  3. Pindutin ang bagay na gusto mong idagdag bilang isang pagkukunan.
  4. Pindutin ang Mag-angkat.
  5. Magpatuloy sa hakbang 6d sa itaas.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree app, maglayag sa pahina ng Tao ng taong gusto mong ikabit ang isang pagkukunan.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
  3. Sa ibabang kanang bahagi ng tabing, pindutin ang tandang plus.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan sa Paggamit ng Pahinang Web o Magdagdag ng Pagkukunan sa Paggamit ng Isang Larawan. Magpatuloy sa paggamit ng angkop na mga hakbang.

Magdagdag ng isang pagkukunan na may pahinang web.

  1. Ilagay ang pamagat ng Pagkukunan.
  2. Maglagay ng petsa (pagpipilian).
  3. Ilagay ang URL sa panlabas na pagkukunan.
  4. Magbigay ng isang sipi upang maipaliwanag kung saan natagpuan ang tala.
  5. Magdagdag ng mga Paalaala.
  6. Maglagay ng isang dahilan upang ikabit ang pagkukunan.
  7. Pindutin ang Ipunin.

Magdagdag ng isang pagkukunan na may isang larawan

  1. Pindutin ang Magdagdag ng Larawan sa isang iOS na kagamitan. Pindutin ang Magdagdag ng Larawan ng Pagkukunan sa isang Android na kagamitan.
  2. Pindutin sa listahan ng mga pagpipilian.
    1. Kamera o Kunan ng Larawan: Gamitin ang iyong kagamitang mobile upang makuha ang isang larawang digital.
    2. Pag-gulong ng Kamera, Aking Mga Salansan, o Salansan: Gumamit ng isang larawan sa iyong kagamitan bilang pagkukunan.
    3. Aking Galeriya ng FamilySearch o Galeriya ng FamilySearch: Pumili ng isang bagay na nasa iyong galeriya upang magamit na pagkukunan.
  3. Pindutin ang isang bagay. Ayon sa iyong pagpili, pindutin ang Ipunin o Maglagay.
  4. Maglagay ng isang Paksang Pagkukunan
  5. Maglagay ng isang Petsa ng Pangyayari.
  6. Maglagay ng isang Siping nagpapaliwanag kung saan natagpuan ang tala.
  7. Maglagay ng mga Paalaala. Para sa mga kasulatan, ang mga paalaala ay maaaring maging isang hango o salin ng tala.
  8. Maglagay ng isang dahilan upang ikabit ang pagkukunan.
  9. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay kulang ng katangiang Mga Pagkukunan. Upang mapamahalaan ang mga pagkukunan, dalawin ang buong website.

Mga Kinalabasan

Kung idadagdag mo ang URL, rerepasuhin ng FamilySearch ito upang matiyak na naglalaman ng karapat-dapat na nilalaman para sa Family Tree. Kung ang website ay naaprubahan para magamit sa FamilyTree, maaari mong ipunin ang pagkukunan at magpatuloy.

Kung ang website ay hindi pa naaprubahan para sa FamilyTree, hinihikayat ka ng kaparaanan na ibigay ang URL para sa muling pagsuri. Pagkatapos na muling suriin, tatanggap ka ng email na patalastas. Sa puntong iyan, bumalik sa Family Tree at muling ilagay ang URL. Ito ay karaniwang nangyayari kapag ang ugnay sa isang lugar ay hindi sinusubaybayan ang nilalaman.

Kung naglagay ka ng isang website na itinuturing na hindi naaangkop, hindi mo maaaring ipunin ang pagkukunan.  

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang mga pakinabang sa pagdaragdag ng mga pagkukunan sa FamilyTree?
Paano ako maglalagay ng mga memorya sa FamilySearch?

Nakatulong ba ito?