Sa Family Tree, maaari mong lagyan ng marka ang pagkukunan upang ipakita na sumusuporta ito sa tiyak na bahaging may kahalagahang kabatiran tungkol sa isang tao. Halimbawa, maaari mong lagyan ng marka ang isang tala ng kapanganakan upang ipakita na ito ay nagbibigay ng katunayan para sa pangalan, kasarian, at kapanganakan ng isang tao.
Maaari mong dagdagan o tanggalin ang mga marka sa bahaging Mga Pagkukunan o Mga Detalye.
Mga Hakbang (website)
Sa markang Mga Pagkukunan
Bago ka magsimula: Ang pagdagdag ng mga marka sa bahaging Mga Pagkukunan ay nagbibigay-daan sa iyong lagyan ng marka ang bawat pagkukunan nang isa-isa.
- Habang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa pahina ng Tao na lumilitaw ang pagkukunan.
- Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
- Pindutin ang pamagat ng pagkukunan na gusto mong baguhin.
- Pindutin ang + Magdagdag ng Marka. Ang listahan ng magagamit na mga marka ay lumilitaw.
- Pindutin ang bawat markang lapat sa pagkukunan. Kung hindi lumalabas ang markang nais mong idagdag, pumunta sa Mga Marka ng Ibang Kabatiran, at pindutin ang + Magdagdag ng Marka. Kung nakakakita ka ng isang mensahe: “Ang lahat ng mga kaganapan at katotohanan ay nilagyan ng marka”, hindi ka maaaring magdagdag pa ng mga marka. Kung hindi, pindutin ang + Kahaliling Pangalan, + Pasadyang Kaganapan, o + Tirahan. Pindutin ang pangalan, kaganapan, o marka ng tirahan na nais mong idagdag. Ang mga pagpipilian ay nagmula sa kabatirang ipinapakita sa balangkas ng tao sa Family Tree. Kung ang balangkas ay walang kahaliling mga pangalan, pasadyang mga kaganapan, o mga listahan ng tirahan, hindi mo makikita ang mga pagpipilian na iyon.
- Pindutin ang Ipunin.
Sa markang Mga Detalye
Bago ka magsimula: Ang pagdagdag ng mga marka sa bahaging Mga Detalye ay nagbibigay-daan sa iyong magdagdag ng parehong marka sa isang pangkat ng mga pagkukunan nang minsanan.
- Habang nakalagda sa FamilySearch.org, pumunta sa pahina ng Tao kung saan mo gustong lagyan ng marka ang mga pagkukunan.
- Pindutin ang markang Mga Detalye.
- Sa kanan ng kabatiran kung saan nais mong lagyan ng marka ang mga pagkukunan, pindutin ang markang lapis.
- Sa kanang panig ng lumalabas na menu ay nagpapakita ang mga pagkukunan na mayroon ng marka sa kaganapan. Upang maglagay pa ng marka, pindutin ang Lagyan ng marka ang mga Pagkukunan.
- Isang listahan ay lumilitaw na mayroong lahat ng pagkukunan na nakakabit sa taong iyan. Sa kanang ibaba, pindutin ang Piliin ang Pagkukunan.
- Pindutin ang isang pamagat ng pagkukunan na nais mong lagyan ng marka sa kaganapan.
- Pindutin ang kahon sa kanan ng mga pagkukunan na nais mong lagyan ng marka sa kaganapan.
- Pindutin ang Ipunin.
- Pindutin ang Isara.
Mga Hakbang(mobile)
Gumawa sa FamilySearch Family Tree app sa iyong Android o Apple iOS na kagamitan.
Mahahalagang mga Marka
- Maglayag sa pahina ng tao na may mga pagkukunan na nais mong lagyan ng marka.
- Pindutin ang Mga Pagkukunan.
- Pindutin ang pagkukunan na nais mong lagyan ng marka.
- Sa kanang tuktok, pindutin ang marka sa kaliwa ng 3 tuldok. Ang pananda ay mukhang isang markang bagahe.
- Pindutin ang bawat markang nais mong idagdag sa pagkukunan.
Ibang Mga Marka ng Kabatiran
- Maglayag sa pahina ng tao na may mga pagkukunan na nais mong lagyan ng marka.
- Sa tabing ng Mga Detalye, tumingin sa bahaging Iba o Ibang Kabatiran. Kung nakikita mo ang kabatiran doon, maaari mong lagyan ng marka ang mga pagkukunan nito.
- Pindutin ang Mga Pagkukunan
- Pindutin ang pagkukunan na nais mong gamitin bilang isang katibayan ng Ibang kabatiran.
- Sa kanang itaas, pindutin ang markang marka.
- Sa kanan ng Ibang Kabatiran, pindutin ang Ayusin.
- Pindutin ang naaangkop na mga kahon.
- Pindutin ang Ipunin.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano ang mga pakinabang ng pagdaragdag ng mga pagkukunan sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Ano ang isinama sa pahina ng Tao sa FamilyTree?