Paano ako lilikha ng isang pagkukunan sa Family Tree?

Kung gagamit ka ng isang pagkukunan na wala sa FamilySearch, dapat mong ilagay sa paggamit ng kamay ang pamagat, pahina ng web, sipi, at mga paalaala. Maaari mong ikabit ang pagkukunan kung saan kailangan.

Habang inilalagay mo ang pagkukunan, magbigay ng sapat na kabatiran para matagpuan ng ibang tao.

Mga Hakbang (website)

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch, maglayag sa pahina ng Tao ng taong sangguni sa pagkukunan.
  2. Ipakita ang mga pagkukunan o mga pagkukunan ng kani-kanilang kaugnayan.
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang tao, pindutin ang markang Mga Pagkukunan .
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang kaugnayang mag-asawa, pindutin ang markang Mga Detalye. Mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang markang Ayusin .
      sa tabi ng kabatiran sa kasal ng mag-asawa.
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang kaugnayang magulang-anak, pindutin ang markang Mga Detalye.Mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang markang Ayusin na kasunod ng pangalan ng bata.
  3. Pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan.
  4. Ilagay ang kabatirang pagkukunan sa kani-kanilang mga puwang, kasama ang dahilan upang ikabit ng pagkukunan.
  5. (Pagpipilian) Ayon sa default, ang maliit na kahong kasunod ng Idagdag sa Aking Kahon ng Pagkukunan ay may tsek. Upang ikabit ang parehong pagkukunan na ito sa ibang tao o sa mga kaugnayan, iwanan na may tsek. Magagamit mo ngayon ang kahon ng iyong pagkukunan upang ikabit ito kung saan kailangan na hindi na muling isulat.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Ang bagong pagkukunan ay idinagdag sa tao o kaugnayang pinili mo.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa Family Tree mobile app, hindi mo maaaring idagdag ang pagkukunan sa mga kaugnayang mag-asawa o magulang-anak na mga kaugnayan. Ganunpaman, maaari mo pang idagdag ang pagkukunan sa isang tao.

  1. Mag-layag sa pahina ng Tao ng taong sangguni ng pagkukunan.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
  3. Pindutin ang +.
  4. Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian:
    • Upang saliksikin ang mga talang database para ikabit ang pagkukunan, pindutin ang Mga Talang Pagkukunan.
    • Kung ang pagkukunan ay online, pindutin ang Idagdag ang Pagkukunan na May Isang Web Page.
    • Kung gusto mong gumamit ng larawang digital, pindutin ang Idagdag ang Pagkukunan na may isang Larawan.
  5. Kung mag-klik ka upang magdagdag ng isang pagkukunan may isang larawan, pindutin ang Magdagdag ng Larawan. Maaari kang kumuha ng larawan sa paggamit ng iyong kagamitan. Maaari kang pumili ng isang larawan sa iyong kagamitan o mga salansan. Maaari kang pumunta sa Galeriya ng FamilySearch upang pumili ng larawan.
  6. Ilagay ang kabatirang pagkukunan sa kani-kanilang mga larangan. Magsama ng isang dahilan upang ikabit ng pagkukunan.
  7. Pindutin ang Ipunin.

Ang bagong pagkukunan ay lumilitaw sa listahan ng Mga Pagkukunan para sa tao.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang mga pagkukunan ay hindi maaaring idagdag sa pamamagitan ng Family Tree LIte. Mangyaring dalawin ang buong website sa halip.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idadagdag ang panlabas na pagkukunan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?