Paano ako magdaragdag ng isang talang pangkasaysayan sa aking kahon ng pagkukunan?

Share

Maaari mong ipunin ang mga talang pangkasaysayan na matatagpuan sa FamilySearch sa iyong Kahon ng Pagkukunan para sa hinaharap na pagsangguni at paggamit. Ang Kahon ng Pagkukunan ay magagamit lamang sa buong website.

Maaari kang magdagdag ng mga talang nagsisimula sa alinman sa na-indeks na kabatiran (“mga detalye ng tala”) o ang larawan.

Mga Hakbang (website)

Idagdag sa Kahon ng Pagkukunan mula sa mga Detalye ng Mga Tala.

  1. Sa Mga Talang Pangkasaysayan ng FamilySearch, humanap ng isang tao.
  2. Sa listahan ng Mga Kinalabasan sa Pananaliksik, pindutin ang tamang tao.
  3. Pindutin ang Tignan ang Tala.
    • Paalala: ang pag-klik sa pangalan ng tao mula sa Mga Kinalabasan sa Pananaliksik ay maaaring kung minsan dalhin ka nang tuwiran sa pahina ng tala, kaya ang hakbang na ito ay maaring hindi na kailangan.
  4. Kapag ikaw ay nasa pahina ng tala, sa itim na bandilang may kasamang pangalan, pindutin ang Ipunin.
  5. Pindutin ang Ipunin ang Kahon ng Pagkukunan.
  6. Pumili ng isang polder o iwanan ang polder bilang “Tahanan”. Ang isang polder ay kailangan piliin upang ipunin sa kahon ng pagkukunan.
  7. Kung nais, ayusin ang pamagat at magdagdag ng mga paalaala.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Idagdag sa Kahon ng Pagkukunan mula sa Larawan ng Tala (Bagong Taga-tingin ng Larawan)

  1. Maglayag sa isang larawang pangkasaysayan. Magbubukas ito sa Taga-tingin ng Larawan.
  2. Sa itaas ng imahe, sa kaliwa lamang ng icon ng Impormasyon, makikita mo ang alinman sa isang pindutan ng I-save Record o isang icon ng Paperclip. Ang pagpipilian na lilitaw ay depende sa laki ng iyong screen.
  3. Pumili ng isang polder o iwanan ang polder bilang “Tahanan”. Ang isang polder ay kailangan piliin upang ipunin sa kahon ng pagkukunan.
  4. Kung nais, ayusin ang pamagat, at magdagdag ng mga paalaala.
  5. Pindutin ang Ipunin.

Idagdag sa Kahon ng Pagkukunan mula sa Larawan ng Tala (Lumang Taga-tingin ng Larawan)

  1. Maglayag sa isang larawang pangkasaysayan. Magbubukas ito sa Taga-tingin ng Larawan.
  2. Sa ibabaw ng larawan, pindutin ang Kahon ng Pagkukunan.
  3. Pindutin ang Ipunin ang Kahon ng Pagkukunan.
  4. Pumili ng isang polder o iwanan ang polder bilang “Tahanan”. Ang isang polder ay kailangan piliin upang ipunin sa kahon ng pagkukunan.
  5. Kung nais, ayusin ang pamagat, at magdagdag ng mga paalaala.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang aking kahon ng pagkukunan?
Mula sa Family Tree, paano ko bubuksan ang aking kahon ng pagkukunan at ilakip ang isang pagkukunan sa tao?
Mula sa aking kahon ng pagkukunan, paano ko ikakabit ang isang pagkukunan sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko kopyahin ang isang pagkukunan mula sa Family Tree sa aking kahon ng pagkukunan?
Paano ako lilikha ng isang bagong pagkukunan sa aking kahon ng pagkukunan?

Nakatulong ba ito?