Paano ko titingnan ang pahina ng tao sa Family Tree?

Sa Family Tree, ang pahina ng tao ay nagbibigay ng isang nakakaengganyong karanasan sa online kung saan maaari mong matuklasan at mapanatili ang impormasyon tungkol sa iyong mga ninuno.

Maaari mong tingnan ang isang pahina ng tao sa website ng FamilySearch.org at ang Family Tree mobile app. Ipinapakita ng pahina ang mga kaganapan sa buhay ng iyong ninuno sa konteksto ng oras at lugar kung saan siya nakatira. Gamitin ang pahina habang nagdaragdag ka at nagwawasto ng impormasyon, tingnan at idagdag ang mga mapagkukunan, tingnan at magdagdag ng mga alaala, at makipagtulungan sa iba sa pamamagitan ng mga tala at talakayan.

Sa Family Tree Lite, ipinapakita lamang ng pahina ng tao ang mahahalagang impormasyon ng tao.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa Family Tree sa FamilySearch.org website, hanapin ang tao sa isa sa mga Tree views.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao
  3. Sa mga detalye na lumilitaw, pindutin ang Tingnan ang Tao Lilitaw ang pahina ng tao.
  4. Hanapin ang feature gusto mong magamit.
    • Itaas na banner: Baguhin ang portrait na larawan Tingnan ang family tree. Tingnan ang iyong relasyon sa indibidwal. Sundin ang ninuno.
    • Tungkol sa: Tuklasin ang higit pa tungkol sa iyong mga ninuno sa pamamagitan ng pag-browse sa pamamagitan ng interactive na pagsasama-sama ng kanilang buhay.
    • Mga Detalye:Magdagdag o magwasto sa mga batayang katotohanan, magsaliksik, tingnan ang pagpalit ng kasaysayan, maglutas sa posibleng mga magkakatulad, at Mag-print ng mga tsart.
    • Mga Pinagmulan: Tingnan kung anong mga mapagkukunan ang naidagdag na, ilakip ang mga bago, at alisin ang mga hindi kabilang.
    • Makipagtulungan: Magdagdag ng mga tala tungkol sa ninuno o makisali sa mga talakayan.
    • Mga Alaala: Tingnan kung anong mga larawan, kasulatan, kuwento, at audio recordings ang na-upload na tungkol sa taong ito. Mag-upload ng mga panibago kung mayroon ka.
    • Time Line:Naglalantad sa impormasyon ng tao, ipinapakita sa patayong kaayusan. Maaari mo ring makita ang isang mapa na nagdedetalye ng paglalakbay sa buhay ng iyong ninuno. Makapagdaragdag ka at makapagwawasto ng impormasyon at muling masuri ang mga pahiwatig na tala.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, hanapin ang tao sa pedigree.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao.
  3. Hanapin ang mga data na gusto mong magamit.
    • Itaas na bandila: Palitan ang portrait photo, at tingnan ang batayang mga katotohanan.
    • Mga Detalye: Magdagdag o magwasto ng batayang mga katotohanan, magsaliksik, tingnan ang papalit sa kasaysayan, lutasin ang posibleng mga nadoble, at magdagdag ng mga paalaala, at mag-print ng mga talangguhit.
    • Mga Asawa: Tingnan ang mga asawa ng tao at mga anak.
    • Mga Magulang: Tingnan ang mga magulang ng tao at mga kapatid.
    • Mga Pinagmulan: Tingnan kung anong mga mapagkukunan ang naidagdag na, ilakip ang mga bago, at alisin ang mga hindi kabilang.
    • Mga Alaala: Makita kung anong mga larawan, kasulatan, kuwento, at audio recordings ang in-upload na tungkol sa taong ito. Mag-upload ng mga panibago kung mayroon ka.
    • Sa itaas ng pahina, pindutin ang icon na 3 tuldok:
      • Tingnan ang iyong relasyon sa tao.
      • Maghanap ng mga talaang pangkasaysayan para sa tao.
      • Tingnan ang mga posibleng magkaparehong kopya.
      • Tingnan ang listahan ng mga Inapo na may Mga Gawain
      • Tingnan ang tao sa puno.
      • Ibahagi ang talaan ng tao
      • Sundan ang tao.
      • Ilagay ang mga memorya
      • Tingnan ang mga kamakailang mga pagbabago.
      • Tanggalin ang tao.
      • Lumikha ng mga tsart ng PDF na maaari mong i-print.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Sa bahaging Mag-anak, i-click ang pangalan ng tao upang makita ang kaniyang mahalagang impormasyon.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko babaguhin ang mahalagang impormasyon sa FamilyTree?
Paano ako magdagdag ng mga mahalaga at iba pang impormasyon sa isang tao sa FamilyTree?
Paano pinoprotektahan ng FamilyTree ang privacy ng mga nabubuhay na tao?
Paano ko mai-print ang mga pahina ng tao sa FamilyTree?

moduleTitle