Tulong sa Mabilis na Pagrepaso sa Pangalan

Share

Ang Mabilis na Pagrepaso sa Pangalan ay isang paraan para sa mga panauhin na tumulong sa proseso ng pag-indeks ng kompyuter sa pamamagitan ng pagpapatunay kung ang mga pangalan sa mga kasulatang pangkasaysayan ay na-indeks nang tamang-tama ng mga kompyuter. Nagpapahintulot ito para sa mahusay na mga kinalabasan ng pagsasaliksik kapag muling magsaliksik para sa mga ninuno.

Mga markang may pakinabang ay nasa kanang itaas na bahagi ng tabing:

  • Pindutin ang maliit na asul na kasulatang may markang balahibo na panulat upang makita ang mga halimbawa ng mga estilong sulat-kamay. Pindutin sa labas ng kahon upang isara.
  • Pindutin ang markang magbahagi na bukas na tat-sulok upang ibahagi ang kasulatang ito sa iba.
  • Pindutin ang markang slider upang ayusin ang liwanag at kaibahan, upang palitan ang mga kulay ng larawan, o upang umikot ang larawan.
  • Pindutin ang mag-bawas (-) at mag-dagdag (+) na mga marka upang gawing malaki o maliit ang kasulatan.
  • Pindutin ang markang patamaan upang muling isaayos ang tanawing pahina.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch website.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Lumahok.
  3. Mula sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Mga Pagkakataon.
  4. Mag-balumbon sa bahaging pinamagatang Mabilis na Pagrepaso sa Pangalan, at pindutin ang Magsimula.
  5. Pumili ng isang tiyak na Bansa o Pook Kung pipiliin mo ang Estados Unidos, kakailanganin mo ring pumili ng isang tiyak na Estado.
  6. Marami pang mga pagpipilian (pagpipilian ang mga ito at maaaring parehong piliin kung nais):
    • Apelyido: Pindutin ito upang repasuhin ang mga talang may tiyak na apelyido.
    • Tiyak na Pook: Pindutin ito upang repasuhin ang mga tala mula sa isang tiyak na pook.
  7. Pindutin ang Magsaliksik.
  8. Pag-tulad ang sulat-kamay na pangalan sa larawan sa imahe sa na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto sa ibaba ng pananda.
    • Kung matiyak mo na ang na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto ay tugma sa may pananda na pangalan sa tala, pindutin ang Tugma. Ang dalawang pangalan ay dapat na tumpak na tumpak ang baybay.
    • Kung matiyak mo na ang na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto ay hindi tugma sa may pananda na pangalan sa tala, pindutin ang Ayusin, gawin ang pagwawasto, at pindutin ang Ibigay.
      • Ang isang halimbawa ay maaari kung inindeks ng kompyuter ang "george" kapag nababasa ng malinaw ang text na "George." Sa kasong iyan, ayusin ang kamalian at pindutin ang Tugma.
    • Kung hindi mo mabasa ang pangalan sa larawan, pindutin ang Alanganin.

Kung hindi mo nakita ang isang pagkakataon sa pagrepaso na interesado ka, mangyaring suriin muli sa loob ng ilang linggo o buwan. Maaari magkaroon kami ng mga bagong talang maibahagi sa iyo.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Buksan ang Lumahok na mobile app.
    • Android: Piliin ang lugar, wika ng kasulatan, o apelyido, at pindutin ang Hanapin ang mga Pangalan.
    • Apple iOS: Piliin ang Bansa o Pook. Kung pipiliin mo ang Estados Unidos, kakailanganin mo ring piliin ang isang tiyak na Estado. (Pagpipilian) Ilagay ang apelyido kung nais mong repasuhin ang mga talang may tiyak na apelyido. Pindutin ang Repasuhin ang Mga Pangalan.
  2. Pag-tulad ang sulat-kamay na pangalan sa larawan sa na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto sa ibaba ng pananda.
    • Kung tiyak mo na ang na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto ay tugma sa may pananda na pangalan sa tala, pindutin ang Tugma. Ang dalawang pangalan ay dapat na tumpak na tumpak ang baybay.
    • Kung tiyak mo na ang na-indeks na pangalan na ipinapakita sa kahon ng teksto ay hindi tugma sa may pananda na pangalan sa tala, pindutin ang Ayusin, gawin ang pagwawasto, at pindutin ang Tapos.

      • Ang isang halimbawa ay maaari kung na-indeks ng kompyuter ang "george" kapag malinaw na binabasa nang teksto na "George." Sa kasong iyan, ayusin ang kamalian at pindutin ang Tugma.
    • Kung hindi mo mabasa ang pangalan sa larawan, pindutin ang Alanganin.
    • Kung ang pook na may tanda ay hindi isang tao o kung ang pangalan ay mali ang pananda ng pangalan, pindutin ang markang Bandila at pumili ng isang nasa mga pagpipilian. Upang tanggalin, pindutin muli ang markang Bandila at muling pindutin ang parehong pagpipilian.

Kung hindi mo nakita ang isang pagkakataon sa pagrepaso na interesado ka, mangyaring suriin muli sa loob ng ilang linggo o buwan. Maaaring magkaroon kami ng mga bagong tala upang ibahagi sa iyo.

Magkakaugnay na mga lathalain

Nasaan ang indeksing?
Tulong sa pagrepaso ng mga pangalan
Tulong sa Pagrepaso sa Buong Pangalan
Kailan magkakaroon ng mas maraming pagkakataon sa tala ang aking wika o tinubuang-lupa

Nakatulong ba ito?