Nasaan ang indeksing?

Sa Marso 2022, ang marka ng indeksing sa homepage ng FamilySearch ay pinalitan ng Lumahok, isang bagong lugar para sa pag-access sa boluntaryong mga pagkakataon sa FamilySearch, pati ang indeksing at pagrepaso sa mga pangalan.

Pumunta sa FamilySearch indeksing:

  1. Pindutin ang marka na may pamagat na Lumahok.
  2. Pindutin ang Indeksing.

Maaari mo ring makuha ang indeksing sa pamamagitan ng pahina na may pamagat na Aking Mga Pagkakataon:

  1. Pindutin ang marka na may pamagat na Lumahok.
  2. I-click ang Aking Mga Pagkakataon.
  3. Mag-balumbon sa bahaging may pamagat na Mga Pagkakataon at pindutin ang alinman sa Humanap ng Mga Proyekto o Aking Indeksing.

Paalaala: Ang anumang mga indeksing bookmark na nilikha mo bago ang Lumahok ay dapat na magagamit pa.

Paano ang Lumahok ay kaiba sa indeksing?

Ang Lumahok ay hindi kapalit ng indeksing. Ito ay isang FamilySearch webpage kung saan mo maaaring makuha ang indeksing, magrepaso ng mga pangalan na na-indeks sa kompyuter, at lumahok sa ibang boluntaryong mga gawain.

Kapag sinusuri mong muli ang mga pangalan na na-indeks ng kompyuter, ikumpara mo ang larawan ng tala sa pangalan na na-indeks ng kompyuter. Suriin mo na ang kompyuter ay tama ang pagbaybay sa pangalan at gawin ang anumang kailangan na pagwawasto.

Magkakaugnay na mga lathalain

Tulong sa Quick Name RevieWHelp w
ith Full Name Review Kailan magkak
aroon ng mas maraming pagkakataon sa record ang aking wika o tinubuang-bayan? Sa
an ko makikita kung gaano karaming mga pangalan ang na-index o nasuri ko?

Nakatulong ba ito?