Paano ko ilalagay ang mga pangalang Scandinavian sa Family Tree?

Simula noong 1800 ang mga tao sa Denmark ay nagsimulang gumamit ng mga palagiang apelyido na ginamit mula sa isang salinlahi hanggang sa susunod. Natapos ng Sweden ang paggamit sa kaparaanang patronymic na pagbibigay ng pangalan noong 1901, Finland noong 1921, at Norway noong 1923. Ginagamit pa rin ng Iceland ng mga patronymic na pangalan.

Ang Patronymic na mga apelyido ay batay sa unang pangalan ng ama. Ang huling pangalan ay nagbago sa kada salinlahi.

Halimbawa, si Sven na anak na lalake ni John Andersson ay pinangalanang Sven Johnsson. Si Ane na anak na babae ni John ay pinangalanang Ane Johnsdatter. Iba- ibang mga katapusan ang ginamit sa iba- ibang mga bansa. Ang Denmark at Norway ay karaniwang ginamit ang -sen at -datter, ang Sweden ay ginamit ang -sson at -dotter, at ginagamit ng Iceland ang -son at -do`ttir. Ang mga apelyido sa Finland ay magkakaiba sa kanluran at silangan. Sa kanluran ang mga apelyido na patronymic ay karaniwang ginamit at itinala sa alinmang Swedish o Finnish na mga katapusan, -sson o poika para sa mga batang lalake at -dotter at tytar para sa mga batang babae. Ang mga tao sa silangang Finland ay ginamit ang apelyido ng mag-anak.

Ang mga talang Scandinavian ay maaari ring isama ang lugar ng tirahan ng tao (pangalan ng sakahan) o trabaho kasama ang pangalan, upang makatulong sa pagkilala sa tao sa ibang tao na mayroong kaparehong pangalan.

Kung ang tao ay namuhay sa panahon kung kailan ang patronymic na pagbibigay ng pangalan ay ginamit, mangyaring sundin ang mga alituntunin na ito kapag inilalagay ang pangalan sa Family Tree.

Mga Patronymic na huling pangalan

  • Sa larangan ng Huling mga Pangalan, basta ilagay ang patronymic na huling pangalan. Huwag isama ang mga pangalang sakahan o mga trabaho.
  • Kapag ang huling pangalan ay may daglat sa tala, baybayin ito. Halimbawa, ilagay ang Ane Andersdr. sa Ane Andersdatter.

Mga pangalang sakahan

Ilagay ang mga pangalang sakahan na bahagi ng pangalan ng lugar na pinangyarihan, hindi bahagi ng huling pangalan. Ang mga sakahan o mga nayon ay dapat na ilagay bilang pangunahin, o pinakamaliit na lugar.

Mga trabaho

Ilagay ang mga trabaho sa bahaging Ibang Kabatiran , hindi bahagi ng huling pangalan.

Para sa marami pang kabatiran

Para sa mahigit pang mga detalye tungkol sa mga kaparaanan sa tiyak na pagbibigay ng pangalan sa kada bansa, mangyaring dalawin ang FamilySearch Wiki:

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang mga pangalan sa Family Tree?
Paano ko ilalagay ang mga petsa at lugar sa Family Tree?
Paano ko idadagdag ang kaugalian ng mga pangyayari at mga katotohanan sa isang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?