Paano ko idadagdag ang kinaugalian na mga kaganapan at mga katotohanan sa isang tao sa Family Tree?

Share

Minsan-minsan, ang Family Tree ay hindi nagbibigay ng isang larangan para sa uri ng kabatirang nais mong idagdag sa isang tao. Sa mga kalagayang ito, maaari kang magdagdag ng isang pasadyang kaganapan o katotohanan.

Ang mga halimbawa ng mga pasadyang kaganapan o katotohanan na maaaring idagdag ay ang mga:

  • Karunungan
  • Obitwaryo
  • Mga Katuparan
  • Pangunahing Mga Sakit

Mga Hakbang (website)

  1. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Family Tree at pagkatapos ang Puno.
  2. Hanapin at pindutin ang tao sa iyong puno. Ang isang panig sa gilid ay magbubukas.
  3. Sa panig sa gilid, mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kaganapan o Katotohanan.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Kaganapan o Magdagdag ng Katotohanan.
  5. Mag-balumbon pababa sa listahan hanggang sa mahanap mo ang Pasadyang Kaganapan o Pasadyang Katotohanan.
    • Upang magdagdag ng kabatirang kasama ang petsa at lugar, pindutin ang Kinaugalian na Kaganapan.
    • Upang magdagdag ng kabatiran na hindi kasama ang petsa at lugar, pindutin ang Sadyang Katotohanan.
  6. Ilagay ang kabatiran tungkol sa pasadyang kaganapan o katotohanan.
  7. Sumulat ng isang malinaw na paliwanag kung paano mo alam na tama ang kabatiran.
  8. Pindutin ang Ipunin.
  9. Kung mayroon kang isang pagkukunan, maaari mo itong ilakip sa kaganapan o katotohanan upang ipakita na tama ang kabatiran. Para sa karagdagang kabatiran sa pag-lakip ng mga pagkukunan sa mga kaganapan o katotohanan, tingnan ang lathalaing ito.

Paalaala: Maaari ka ring magdagdag ng mga pasadyang kaganapan o katotohanan sa pahina ng Tao sa pamamagitan ng pag-klik sa pananda na Mga Detalye, pagkatapos ay mag-balumbon pababa sa bahaging Ibang Kabatiran.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, mag-layag sa pahina ng Tao para sa tao.
  2. Piliin ang markang Mga Detalye.
  3. Sa kanang ibabang bahagi, pindutin ang bilog na may +.
  4. Sa ilalim ng Magdagdag ng Ibang kabatiran, pindutin ang Kinaugalian na Kaganapan. (Ang Kinaugalian na Katotohanan ay wala sa mobile app.)
  5. Ilagay ang kabatiran.
  6. Magsama ng isang malinaw na paliwanag kung paano mo nalaman na ang kabatiran ay wasto.
  7. Pindutin ang Ipunin.
  8. Kung mayroon kang isang pagkukunan, maaari mo itong ilakip sa kaganapan upang ipakita na tama ang kabatiran. Para sa karagdagang kabatiran sa pag-lakip ng mga pagkukunan sa mga kaganapan, tingnan ang lathalaing ito.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magdaragdag ng isang panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng mga mahalaga at ibang kabatiran sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko gagawing wasto ang Ibang Kabatiran sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?