Kapag naglagay ka ng isang salansan na GEDCOM sa FamilySearch, ang kabatiran ay makukuha para sa mga iba upang saliksikin ang Salansan na Pagkukunan ng Angkan(PRF). Hanapin ito sa Mga Angkan.
Tandaan na sa sandaling nailagay mo ang isang salansan na GEDCOM o isang lagay sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan, hindi ito maaaring ayusin. Upang ilagay-sa-panahon ang kabatirang ito, tanggalin ang kasalukuyang salansan at saka ibigay ang inilagay-sa-panahon na kopya.
Ang mga kautusan sa loob ng isang salansan na GEDCOM ay hindi inilagay o inilipat sa Family Tree. Ang mga kautusan sa Family Tree ay galing sa opisyal na templo at mga talang pagsapi.
Salansan ng Pagkukunan ng Angkan(PRF)
Sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan (PRF), ang sumusunod na kabatiran ay makukuha para sa ibang tagagamit ng FamilySearch upang makita ang:
- Iyong FamilySearch kontak na pangalan at kabatiran.
- Ang araw na ibinigay mo ang salansan.
- Ang tao na patay na nasa iyong puno, pati ang pangalan, kasarian, kapanganakan, pagbibinyag, pag-aasawa, kamatayan, at paglibing.
- Ang mga kaugnayan sa pagitan ng patay na mga tao sa iyong puno na bilang mga asawa, mga magulang, at mga anak.
- Mga paalaala at pagkukunan para sa patay na mga tao.
Ang sumusunod na kabatiran ay hindi ipinakita.
- Kaugaliang mga kaganapan (bar-mitzvah, imigrasyon, atbp.)
- Mga ugnay ng maraming-medya
Ang kabatiran tungkol sa mga taong maaaring buhay pa na ikaw lamang ang makakakita.
Family Tree
Pagkatapos mong ilagay ang iyong salansan na GEDCOM sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan, maaari mong ilipat ang kabatiran sa Family Tree. Ang prosesong pagdaragdag ng kabatiran sa Family Tree mula sa isang salansan ng GEDCOM ay maaaring matagal at maaaring mangyari ang mga sumusunod:
- Maaari kang magdagdag ng dobleng mga tala sa Family Tree, na sa ganun ay dapat pagsamahin.
- Maaari mong pa-walang-bisa o tanggalin ang tumpak na kabatirang nasa Family Tree na mayroong hindi gaanong tumpak o hindi gaanong buong kabatiran mula sa iyong salansan na GEDCOM.
- Ang mga pagkukunan, paalaala, at medya sa iyong salansan na GEDCOM ay hindi maaaring ilipat sa Family Tree.
- Ang mga kaugnayan sa mga magulang at mga asawa ay hindi kusang kasama kapag inilipat mo ang tao sa Family Tree. Ganunpaman, ang mga magulang at mga asawa ay nakalista ng hiwalay, at kung ihahambing at ililipat sa Family Tree, ang mga kaugnayan ay kusang nalilikha.
- Ang iyong FamilySearch kontak na pangalan at kabatiran ay makikita sa Family Tree bilang ang taga-ambag.
Tulong: Bago mo ilipat ang kabatiran sa Family Tree mula sa isang salansan na GEDCOM, mungkahi namin na tiyakin mo muna na ang GEDCOM ay naglalaman lamang ng kabatirang wala pa sa Family Tree.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko dapat ihanda ang aking salansan na GEDCOM?
Paano ko ilalagay ang aking salansan na GEDCOM?
Paano ko ko-kopyahin ang kabatiran mula sa aking salansan na GEDCOM sa Family Tree?
Ano ang salansan na GEDCOM?
Ano ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan?