null
Maaari kang maglagay ng isang salansan na GEDCOM upang idagdag ang kabatiran sa kasaysayan ng iyong mag-anak sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi (PRF). Ang mga tagagamit ng FamilySearch ay makikita sa ganun ang iyong kasaysayan ng mag-anak, ngunit hindi ito mababago.
Pagkatapos mong ilagay ang iyong salansan, pananatilihin mo ang kumpletong kontrol dito. Maaari mong:
- Tanggalin ang salansan sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi.
- Palitan ang isang salansan ng isang bago.
- Ikumpara ang iyong salansan na GEDCOM sa Family Tree at ilipat ang kabatiran sa Family Tree.
Bago ka magsimula
- Ang software na angkan na ginagamit mo ay malamang na payagan kang kumuha ng kabatiran sa isang salansan na GEDCOM.. Ang mga salansan na GEDCOM ay mga huwaran ng kasipagan para sa paglilipat ng kabatiran sa pagitan ng mga programang angkan.
- Repasuhin ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM. Tingnan kung may mga kamalian sa mga kagamitan sa iyong tala ng tagapamahala:
- Tiyakin na ang mga pangalan, araw, at lugar ay itinanghal ayon sa pamantayan.
- Tiyakin na ang iyong mga paalaala ay handang maibahagi sa madla.
- Magsiyasat para sa mga maaaring mga suliranin.
- Magsiyasat para sa dobleng mga tao.
- Magsiyasat para sa mga dobleng mga pook.
- Magsiyasat para sa mga taong hindi nakakabit.
- Suriin ang kabatirang nais mong ibigay para sa anumang bagay na ayaw mong ilathala:
- Suriin ang mga paalaala at ibang mga walang balangkas na kabatiran. Markahan ang kabatirang hindi mo gustong mailathala bilang isang lihim, o tanggalin ito. Pagkatapos, lumikha ng salansan na GEDCOM.
- Ang aming mga paraan ay matinding magsusuri sa iyong salansan upang makilala ang mga tao sa iyong puno na maaaring buhay pa. Ang mga talang buhay ay hindi nagpapakita sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi.
- Lumikha ng iyong salansan na GEDCOM.
- Kung hindi mo alam kung paano, tingnan ang mga alituntunin na isinama sa iyong programa.
- Kung balak mong kopyahin ang kabatiran sa Family Tree, mungkahi namin na magbigay ka ng maliit na mga salansan na GEDCOM ng hindi higit sa 100 mga pangalan. Pagkatapos ng paglagay, ang maliliit na mga salansan ay ginagawang madali ang pamamahala sa paghahambing at pagkopya.
- Kung hangad mo na basta ingatan at ibahagi ang iyong salansan, maaaring maglaman ito nang hanggang sa 100MB.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch at pindutin ang Magsaliksik.
- Pindutin ang Mga Angkan.
- Mag-balumbon pababa sa "Paanong ang Mga Angkan na FamilySearch ay kaiba sa FamilySearch Family Tree?"
- Pindutin ang Ilagay ang Inyong Kani-kaniyang Puno.
- Pindutin ang Ilagay ang Salansan na GEDCOM.
- Pindutin ang Piliin ang Salansan---->hanapin ang salansan na GEDCOM sa iyong kompyuter.
- Maglagay ng isang pangalan ng puno.
- Sa larangan ng Pagsasalarawan, sabihin sa mga iba ang pinanggalingan ng punong ito at anumang mahalagang tungkol sa pananaliksik na ito.
- Pindutin ang Maglagay.
Mga Hakbang (mobile app)
Sa kasalukuyan, ang mga paglagay ng GEDCOM ay hindi magagamit sa Family Tree mobile app. Upang maglagay ng mga salansan, dalawin ang website ng FamilySearch.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Sa kasalukuyan, ang mga paglagay ng GEDCOM ay hindi maaari sa Family Tree Lite. Upang maglagay ng iyong mga salansan, dalawin ang buong website.
Mga Kinalabasan
Ang mga salansan mong GEDCOM ay inilagay, at ang kaparaanan ay magdaragdag nito sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi. Ang paraan ay maaaring abutin ng hanggang sa 30 minuto. Kung mas malaki ang iyong salansan na GEDCOM, mas matagal ang proseso ng paglagay nito.
Kapag kumpleto na ang proseso ng palagay, maaaring maghanap at tingnan ng lahat ng mga tagagamit ng FamilySearch ang kabatiran sa loob nito.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko dapat ihanda ang aking salansan na GEDCOM?
Paano ko kopyahin ang kabatiran mula sa aking salansan na GEDCOM sa Family Tree?
Ano ang mangyayari sa kabatirang inilagay mula sa isang salansan na GEDCOM?