null
Pagkatapos mong ilagay ang isang salansan na GEDCOM sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan, maaari mong kopyahin ang kabatiran sa Family Tree. Kapag ko-kopyahin mo ang kabatirang ito, ganunpaman, maaari kang lumikha ng mga talang doble nang hindi sinasadya. Maaari ka ring magdagdag ng kabatiran sa Family Tree na mali, o mabura ang kabatirang ibinigay ng ibang tagagamit. Sa halip na kopyahin ang lahat ng kabatiran sa Family Tree nang sabay-sabay, mangyaring isa-alang-alang ang pa-kamay na ilipat ang kabatiran, ilagay lamang ang mga petsa at mga katotohanan na alam mong tama.
Kung pipiliin mong magpatuloy, tandaan na ang mga paalaala, pagkukunan, mga ugnay sa maramihang-medya, at kabatiran tungkol sa buhay na mga tao ay hindi kusang ko-kopyahin sa Family Tree.
Bago ka magsimula
- Karamihan sa angkan na software ay papayagan kang mag-bigay ng kabatiran sa isang salansan na GEDCOM. Ang mga salansan na GEDCOM ay mga huwaran ng kasipagan para sa paglilipat ng kabatiran sa pagitan ng mga programang angkan.
- Repasuhin ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM. Patakbuhin ang anumang mga kagamitan sa iyong tala ng tagapamahala na gumagawa sa mga sumusunod:
- Tiyakin na ang mga pangalan, mga petsa, at mga pook ay nakalagay ayon sa pamantayan.
- Tiyakin na ang mga paalaala ay handang maibahagi sa madla.
- Magsiyasat para sa mga maaaring mga suliranin.
- Magsiyasat para sa dobleng mga tao.
- Magsiyasat para sa mga dobleng mga pook.
- Magsiyasat para sa mga taong hindi nakakabit.
- Suriin ang kabatiran. Hanapin ang mga datos na hindi mo gustong mailathala. Tanggalin ito bago ka lumikha ng iyong salansan na GEDCOM o markahan ito ng lihim.
- Suriin ang mga paalaala at ibang mga walang balangkas na kabatiran.
- Ang aming mga paraan ay mag-i-scan sa iyong salansan upang makilala ang mga tao maaaring buhay pa sa iyong puno. Hindi kami naglalathala ng tala ng buhay na tao sa Pedigree Resource File.
- Lumikha ng iyong salansan na GEDCOM o mga salansan.
- Kung hindi mo alam kung papaano, tingnan ang mga alituntunin na isinama sa iyong programa.
- Iminumungkahi namin ang maliit na salansan na GEDCOM. Ang mga salansan na may 100 mga pangalan ay ginagawang madaling pamahalaan ang paghahambing at pagkopya.
- Kung hangad mo na basta ingatan at ibahagi ang iyong salansan, maaari itong maglaman nang hanggang sa 100MB.
Unang yugto. Ilagay at ikumpara ang iyong salansan.
- Ilagay ang iyong salansan na GEDCOM sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi:
- Lumagda sa FamilySearch at pindutin ang Magsaliksik.
- Pindutin ang Mga Angkan.
- Mag-balumbon pababa sa Paano naiiba ang Mga Angkan na FamilySearch sa FamilySearch Family Tree?
- Pindutin ang Ilagay ang Iyong Kaniya-kaniyang Puno.
- Pindutin ang Mag-upload ng salansan na GEDCOM.
- Pindutin ang Pumili ng Salansan --> hanapin ang salansan na GEDCOM sa iyong kompyuter.
- Maglagay ng pangalan ng puno.
- Sa linang ng Paglalarawan, sabihin sa mga iba tungkol sa pinanggalingan ng puno at anumang makahulugan tungkol sa pananaliksik.
- Pindutin ang Mag-upload ng Iyong Kaniya-kaniyang Puno. Ang paraan sa pag-upload ay magsisimula.
- Hintayin ang iyong salansan na ma-upload.
- Pindutin ang Maghambing. Ang salitang Paghahambing... ay lumilitaw hanggang sa makumpleto ang proseso ng paghahambing. Kapag tapos na ang proseso ng paghahambing, nangyayari ang sumusunod na mga bagay:
- Tatanggap ka ng patalastas na email mula sa FamilySearch.
- Ang salitang Handa ay lumilitaw sa haligi ng Katayuan.
- Ang buton na Tingnan ay lumilitaw.
Ika- 2 yugto. Tingnan ang buod ng mga kinalabasan
- Pindutin ang Tingnan. Ang iyong mga resulta ay ginawan ng buod tulad ng sumusunod:
- Posibleng Magkakatugma: Ang ng mga taong maaaring nasa Family Tree na. Ang mga tala ay magkakalapit ngunit hindi magkakapareho. Paghambingin ang mga tala at pasiyahan kung ang mga ito ay magkakatugma.
- Idagdag sa Family Tree: Ang bilang ng mga taong wala sa Family Tree. Masusuri mo ang bawat tao at magpasiya kung idaragdag ang tala sa Family Tree.
- Nasa Family Tree Na: Ang bilang ng mga taong nasa Family Tree na. Ang iyong salansan ay maaaring mayroong iba't ibang detalye tungkol sa tao. Makapagpapasiya ka kung aling mga detalye ang ililipat mula sa iyong salansan sa Family Tree.
- Baldado at Buhay: Ang bilang ng mga taong nasa iyong salansan na kinikilala ng kaparaanan bilang buhay o baldado. Hindi mo maidaragdag ang mga taong ito sa Family Tree.
- Upang masimulan ang paglipat ng kabatairan sa Family Tree, pindutin ang Idagdag sa Family Tree.
Ika-3 yugto. Suriing muli ang listahan ng Mga Maaaring Magkakatugma
Ang listahan ng Posibleng Magkakatugma ay naglalaman ng mga taong nasa iyong GEDCOM file na maaaring mayoong tala rin sa Family Tree Ang bawat isang pangalan sa listahang ito ay may dilaw na tatlong-sulok na may isang puntong pagka-bigla.
- Kung ang Mga Maaaring Mga Tugma ay hindi ipinakita, pindutin ang pagpipilian na Maaaring Mga Tugma sa kahon ng Sala.
- Para sa unang taong nasa listahan, ikumpara ang kabatiran sa kaliwa at sa kanang mga gilid. Magpasya kung ang kabatiran sa bawat isang panig ay tungkol sa parehong tao.
- Ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM ay nasa kaliwa.
- Ang kabatiran sa iyong Family Tree ay nasa kanan.
- Kung ang kabatiran sa magkabilang panig ay tungkol sa parehong tao, sundin ang mga hakbang na ito:
- Pindutin ang Oo. Ang mga bughaw na kahon ay lumilitaw sa bawat kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM na kaiba sa Family Tree.
- Repasuhin ang bawat bughaw na kahon. Kung ang bughaw na kahon ay naglalaman ng kabatiran na mas tumpak o buo, pindutin ang Palitan.Kung nagbago ang isipan mo, pindutin ang Tanggalin. Kapag pindutin mo ang Palitan, ang mga sumusunod na pagbabago ay nangyayari sa tabing:
- Ang bughaw na kahon ay lumilipat sa kanang tabi ng tabing.
- Ang mga buton na Ipunin at Tanggalin ay lumilitaw sa tuktok ng tabing.
- Ang isang larangan na mailalagay mo ang iyong pahayag na dahilan ay lumilitaw.
- Kung inilipat mo ang kabatiran sa kanang tabi, maglagay ng pahayag na dahilang nagpapaliwanag kung paano mo nalaman na ang kabatiran mo ay tumpak. Pindutin ang Ipunin.
- Maaari ka lamang na maglagay ng isang dahilan para sa lahat ng kabatirang pinalitan mo. Kung gusto mong magdagdag ng kaibang dahilan, gawin mo sa tala ng Family Tree. Pumunta sa Family Tree at ilagay-sa-panahon ang iyong mga pahayag na dahilan.
- Pindutin ang kasunod na tao sa listahan.
- Kung ang listahan ay naglalaman ng higit sa 10 mga tao, ilipat sa listahang may mga buton na Susunod at Nakaraan.
- Kung ang kabatiran sa kaliwang bahagi ay tungkol sa ibang tao, sundin ang mga hakbang na ito:
- Pindutin ang Hindi isang tugma.
- Kung nakatagpo ang kaparaanan ng higit sa isang posibleng tugma sa Family Tree, pindutin ang Ibang Posibleng mga Tugma. Pindutin ang bawat isang pangalan sa listahan upang suriin ito.
- Kung gusto mong idagdag ang taong ito sa Family Tree, pindutin ang Magdagdag. Ang kabatiran ay ko-kopyahin sa Family Tree.
- Mahalaga: Huwag magdagdag ng mga taong nasa Family Tree na. Ang karagdagan mo ay lilikha ng mga talang doble. Ikaw at mga iba ay dapat na pagsamahin ang mga doble sa ibang panahon.
- Pindutin ang kasunod na tao sa listahang Maaaring Tugma.
- Kung ang listahan ay naglalaman ng higit sa 10 tao, ilipat sa listahan na mayroong mga buton na Susunod at Nakaraan.
Ika-4 na yugto. Repasuhin ang listahang Idagdag sa Family Tree.
Ang listahang Idagdag sa Family Tree ay naglalaman ng mga taong nasa iyong salansan na GEDCOM na wala sa Family Tree. Lumilitaw ang isang tanda na “+” sa tabi ng bawat isang pangalan sa listahang ito.
- Kung ang listahang Idagdag sa Family Tree ay hindi nakalantad, sa kahong Sala, pindutin ang pagpipilian na Idagdag sa Family Tree.
- Repasuhin ang unang tao sa listahan.
- Kung gusto mo siyang idagdag sa Family Tree, pindutin ang Magdagdag.Ang kabatiran ay kinopya sa Family Tree.
- Pindutin ang kasunod na tao sa listahang Idagdag sa Family Tree.
- Kung ang listahan ay naglalaman ng higit sa 10 mga tao, ilipat sa listahang may mga buton na Susunod at Nakaraan.
Ika-5 yugto. Repasuhin ang listahang Nasa Family Tree Na.
Ang iyong salansan na GEDCOM ay maaaring maglaman ng mga taong nasa Family Tree na. Ang kabatiran mo ay maaaring mas tumpak kaysa kung ano ang nasa Family Tree. Maaari mong ilipat ang mga detalyeng ito sa tala ng taong iyon sa Family Tree nang hindi nagdaragdag ng isang dobleng tala para sa taong iyan.
- Kung ang Na sa listahan ng Family Tree ay hindi nakalantad, sa kahon ng Sala, pindutin ang pagpipilian na Nasa Family Tree Na.
- Para sa unang taong nasa listahan, ikumpara ang kabatiran sa kaliwa at sa kanang mga gilid. Kinikilala ng mga bughaw na kahon ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM na naiiba sa Family Tree.
- Ang kabatiran mula sa iyong salansan na GEDCOM ay nasa kaliwa.
- Ang kabatiran mula sa iyong Family Tree ay nasa kanan.
- Repasuhin ang bawat bughaw na kahon. Kung ang bughaw na kahon ay naglalaman ng kabatiran na mas tumpak o buo, pindutin ang Palitan.Kung nagbago ang isipan mo, pindutin ang Tanggalin. Kapag pindutin mo ang Palitan, ang mga sumusunod na pagbabago ay nangyayari sa tabing:
- Ang bughaw na kahon ay lumilipat sa kanang tabi ng tabing.
- Ang mga buton na Ipunin at Tanggalin ay lumilitaw sa tuktok ng tabing.
- Ang isang larangan na mailalagay mo ang iyong pahayag na dahilan ay lumilitaw.
- Kung inilipat mo ang kahit isang bughaw na kahon mula sa kaliwang nasa kanang tabi, maglagay ng isang pahayag na dahilan. Ipaliwanag kung bakit ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM ay mas tumpak kaysa ang kabatiran sa Family Tree. Pindutin ang Ipunin.
- Maaari ka lamang maglagay ng isang dahilan para sa lahat ng kabatirang pinalitan mo. Kung gusto mong magdagdag ng ibang dahilan para sa iba ibang mga piraso ng kabatiran, itala ang bilang ng ID ng tala ng Family Tree. Pagkatapos pumunta sa Family Tree at ilagay-sa-panahon ang iyong mga pahayag na dahilan.
- Pindutin ang kasunod na tao sa listahan.
- Kung ang listahan ay naglalaman ng higit sa 10 tao, ilipat sa listahan na mayroong mga buton na Susunod at Nakaraan.
Mungkahing susunod na mga hakbang
- Kung hindi mo gustong manatili ang iyong salansan na GEDCOM sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi, tanggalin ito.Kung tinanggal mo ang iyong salansan na GEDCOM sa Salansan ng Pagkukunan ng Lahi, lahat ng kinopya mong kabatiran sa Family Tree ay mananatili sa Family Tree.
- Repasuhin ang kabatirang idinagdag mo sa Family Tree. Magdagdag ng anumang nauukol na mga pagkukunan, paalaala, at pahayag na dahilan. Magsiyasat para sa maaaring mga kopya, at pagsamahin ang anumang matagpuan mo.
- Kung mayroong kang mga larawan, kuwento, o kaya mga kasulatan, ilagay mo ang mga ito sa Mga Memorya na FamilySearch. Saka markahan ang mga ito upang lumitaw sa tala ng tao sa Family Tree.
- Upang mailagay-sa-panahon ang kabatiran na inilagay mo, tanggalin ang kasalukuyang salansan na GEDCOM, at saka ibigay ang inilagay-sa-panahon na sipi.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko dapat ihanda ang aking salansan na GEDCOM?
Ano ang mangyayari sa kabatiran na inilagay mula sa isang salansan na GEDCOM?