Paano ko dapat ihanda ang aking salansan na GEDCOM?

Bago mo ibigay ang kabatiran ng iyong family history sa FamilySearch bilang isang GEDCOM file, mungkahi namin na gawin muna ng ilang gawain sa paghahanda.

Patakbuhin ang anumang mga tool sa iyong record manager na gumagawa ng mga sumusunod:

  • Tiyakin na ang mga pangalan, mga petsa, at mga lugar ay nakalagay ayon sa pamantayan.
  • Tiyakin na ang mga paalaala ay handang maibahagi sa madla.
  • Magsiyasat para sa mga posibleng mga suliranin.
  • Magsiyasat para sa duplikadong mga tao.
  • Magsiyasat para sa duplikadong mga pamulaan.
  • Magsiyasat para sa mga duplikadong mga lugar.
  • Magsiyasat para sa mga taong hindi nakakabit.

Ang sumusunod na mga patnubay ay makakatulong sa iyong mga pangalan, petsa, lugar, paalaala, o pamulaan.

Mga Pangalan

  • Magpasok ng isang pangalan sa paraan ng sinasalita nito.
  • Huwag magpasok ng anumang bagay sa isang patlang ng pangalan maliban sa pangalan; huwag magpasok ng mga paglalarawan tulad ng “Bata,” “Anak,” “Stillborn,” “Twin,” at iba pa. Ang ganitong kabatiran ay mailalagay sa paalaala.
  • Kung hindi alam ang pangalan, hayaan na.
  • Ilagay ang titulo, gaya sa Hari, Jr, at iba pa, sa paalaala.
  • Kung, pagkatapos ng puspusang pagsasaliksik, hindi matiyak ang pangalan ng asawang babae, mailalagay mo ang "Gng." kasunod sa pangalan ng asawang lalake, bilang Gng. John Smith.

Mga Petsa

  • Gamitin ang araw-buwan-taon na huwaran, gaya sa 12 Sep 1897 0 12 Setyembre 1897.
  • Huwag maglagay ng anuman sa linang ng petsa maliban sa petsa.
  • Para sa tinatayang petsa, gamitin ang “abt” o “about.” Halimbawa, abt Setyembre 1897 o tungkol sa 1897 Maglagay ng impormasyon tungkol sa mga kalkulasyon o pagtatantya sa mga tala.

Mga Pook

  • Ilagay ang mga pangalan ng lugar simula sa pinakamaliit na geographical division at tapusin sa pinakamalaki, tulad sa lunsod, bayan, lalawigan, bansa. Tiyakin na paghiwalayin ang mga pangalan ng lugar sa paggamit ng mga kuwit.
  • Ilagay ang pangalan ng lugar ayon sa pagkakilala sa panahon ng pangyayari.
  • Kapag hindi alam ang bahagi ng pangalan ng lugar, iwanang blangko kasunod ng kuwit, tulad sa lunsod, ,lalawigan, bansa o gaya sa , , bansa.
  • Para sa tinantiyang mga pangalan ng lugar, gamitin ang salitang "ng", gaya sa ng lunsod, bayan, lalawigan, bansa o gaya sa ng , , bansa.

Mga Paalaala

Ang Family Tree ay painapayagan kang maglagay ng mga paalaala. Gayunman, sa ngayon, hindi ka makaka-upload sa mga paalaala sa Family Tree sa paggamit ng GEDCOM.

Maaari kang magpasok ng mga tala nang manu-mano:

  • Maglagay ng kabatirang nagtataguyod, nagpapaliwanag, o nagpapainam sa kabatirang ibinigay para sa isang tao.
  • Tiyakin na ang iyong mga paalaala ay malinaw at mauunawaan ng taong walang kinalaman tungkol sa iyong mag-anak.
  • Siguraduhin na ang mga tala tungkol sa mga nabubuhay na tao ay minarkahan bilang kumpidensyal.

Mga Larawan, Kwento at Dokumento

Pinapayagan ka ng Family Tree na magpasok ng mga larawan, kwento at dokumento bilang mga alaala. Gayunpaman, sa kasalukuyan, hindi mo mai-upload ang mga ito sa Family Tree gamit ang isang GEDCOM.

Mga Pagkukunan

Ang Family Tree ay pumapayag sa iyong magkabit ng mga pamulaan. Gayunman, sa ngayon, hindi makaka-upload ng mga pamulaan sa Family Tree sa paggamit ng GEDCOM.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang aking salansan na GEDCOM?
Paano ko ko-kopyahin ang kabatiran mula sa aking salansan na GEDCOM sa Family Tree?
Paano ako lilikha ng salansan na GEDCOM?

moduleTitle