Paano ako lilikha ng salansan na GEDCOM?

Ang GEDCOM ay isang pamantayan ng mga datos na nagpapahintulot sa mga datos ng family history mula sa isang programa ng kompyuter upang ilagay sa iba-ibang programa ng kompyuter.

Hindi ka maaaring kumuha ng mga salansan na GEDCOM sa FamilyTree. Ang pamantayan ng GEDCOM ay hindi nagbibigay ng isang paraan upang mag-tabi ng mga pahayag na mga dahilan at ibang mga uri ng kabatiran na mahalaga at natatangi sa Family Tree.

Maraming kasosyo ng FamilySearch ay may mga produkto na lumilikha ng salansan na GEDCOM. Ilan sa mga ito rin ay nagpapahintulot sa iyo na kumuha ng kabatiran mula sa Family Tree, gumawa ng mga pagbabago sa kabatirang iyan, at saka ibalita ang mga inilagay-sa-panahon pabalik sa Family Tree. Tingnan ang Galeriya ng Mga Kalutasan ng FamilySearch para sa kabatiran tungkol sa mga produktong ito.

Kung mayroon kang isa ng mga programang ito, tingnan ang nilalaman ng tulong o ang website ng nagtitinda para sa mga alituntunin kung paano lumikha ng salansan na GEDCOM. Kung mayroon kang salansan na GEDCOM, maaari kang maglagay ng isang kopya ng iyong salansan sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan sa FamilySearch.org. Ang paglalagay sa iyong salansan ay magbibigay sa iyo ng mga pakinabang na ito:

  • Ang FamilySearch ay pananatilihin ang iyong salansan. Mayroon kang kakayahang tanggalin o palitan ito sa ibang panahon.
  • Ang ibang mga tagagamit ay magagawang makita ang kabatiran sa iyong salansan na GEDCOM subalit hindi mapapalitan ito.
  • Maaari mong kopyahin ang kabatiran na nasa iyong salansan na GEDCOM sa Family Tree.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko kopyahin ang kabatiran mula sa salansan na GEDCOM sa Family Tree?
Paano ko ilalagay ang aking salansan na GEDCOM ?

Nakatulong ba ito?