Paano ko pangangasiwaan ang hindi natapos na mga pagkakabit sa Family Tree?

Share

Sa Family Tree, makikita mo ang mensaheng, "Ang pagkukunan na ito ay hindi pa nakakabit sa lahat ng mga taong natagpuan sa talaan," sa ilang mga pagkukunan. Ang pagkukunan ay naglalaman ng kabatiran tungkol sa isa o marami pang mga tao, at ang pagkukunan ay hindi nakakabit sa kanila.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa markang Mga Pagkukunan ng isang tao, pindutin ang Hindi Natapos na Mga Kakabit.
  2. Gamitin ang taga-ugnay na pagkukunan upang magawa ang sumusunod:
    • Ikabit ang tala sa ibang mga taong ang mga tala ay nasa Family Tree na.
    • Idagdag ang nawawalang tao sa Family Tree.
      • Mahalaga: Bago ka magdagdag ng tao sa Family Tree mula sa talaan, tiyaking sabihin kung ang tao ay buhay. Inaalagaan ng FamilySearch ang kabatiran tungkol sa mga taong buhay ng pansarili. Kung ang tao ay nilagyan ng marka na buhay, ikaw lang ang makakakita sa talaang ito sa FamilyTree.
    • Wala. Ang ilang mga talaan, tulad ng mga obituwaryo, ay buma-banggit ng mga taong hindi malapit na nauugnay sa pangunahing tao sa talaan.
  3. Upang alisin ang bisa ng patalastas na hindi natapos sa pagkakabit, pindutin ang Paalisin.
    • Tulong: Kung pinawalang-bisa mo ang patalastas na hindi natapos sa pagkakabit, ang patalastas ay tinanggal para sa lahat ng mga tagagamit. Hindi ka makakabalik at repasuhin ang inalis na patalastas. Gayunman, maaari mong muling suriin ang mga kakabit para sa lahat ng pagkukunan na nakakabit sa isang tao sa Family Tree. Simpleng pindutin ang pamagat ng pagkukunan, at saka pindutin ang Muling Suriin ang Mga Kakabit.
  4. Kung hindi mo gustong makita ang hindi natapos na mensaheng nakakabit, pindutin ang Mga Pagkukunan sa itaas ng markang Mga Pagkukunan. Pindutin ang switch kasunod ng Mga Hindi Tapos na Kakabit. Ang pagpipilian ay mananatili hanggang bubuksan mo ulit.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Maglayag sa pahina ng tao sa FamilySearch Family Tree app.
  2. Sa ibaba ng maitim na harang na may pangalan, pindutin ang Mga Pagkukunan.
  3. Humanap ng isang pagkukunan na may mensaheng "Ang pagkukunan na ito ay hindi ikinabit sa lahat ng mga taong natagpuan sa tala.
  4. Pindutin ang Muling Suriin ang Mga Kakabit.
  5. Pindutin ang pangalan sa listahang hindi nagpapakita ng markang tsek.
  6. Kung gusto mong ilakip ang pagkukunan, maglagay ng dahilan para ikabit, at pindutin ang Oo, Ikabit. Kung hindi, pindutin ang pabalik na pana upang umalis sa tabing ng muling pagsusuri, at pindutin ang Umalis.
  7. Upang tanggalin ang patalastas, pindutin ang Paalisin

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idadagdag ang mga nawawalang kasapi ng angkan sa Family Tree mula sa mga pahiwatig ng tala?
Sa taga-ugnay na pagkukunan, paano ko babaguhin ang taong binibigyan-pansin para ikabit ang mga pagkukunan sa ibang tao sa Family Tree?
Paano pinangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng mga taong buha?
Mga Hindi Natapos na Kakabit - Paano Idagdag sa Tala ng Family Tree ang Mga Iba?

Nakatulong ba ito?