Paano ko idadagdag ang nawawalang mga kasapi ng mag-anak sa Family Tree mula sa mga pahiwatig na tala?

Ang mga talang pangkasaysayan ay kadalasang kinikilala ang mga kasapi ng mag-anak na wala pa sa Family Tree. Gamitin ang taga-ugnay na pagkukunan upang idagdag ang mga taong ito na hindi kailangan isulat ang lahat ng kani-kanilang kabatiran. Ang talang pangkasaysayan sa ganun ang nagsisilbing pagkukunan mo.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa taga-ugnay na pagkukunan, tiyakin na ang mga tao sa pahiwatig na tala (sa kaliwa) ay na-hanay ng wasto sa mga tao mula sa Family Tree. Kung ang panig ng Family Tree ay hindi pa naglalaman ng tao, nakakakita ka ng pagpipilian upang magdagdag ng isang tao.
  2. Pindutin ang + Idagdag.  Ginagamit ng Family Tree ang kabatirang nagmula sa talang pangkasaysayan upang makita kung ang Family Tree ay naglalaman na ng kabatiran tungkol sa tao.
  3. Kung ang Family Tree ay hindi nakakahanap ng tugma, ipapakita nito ang tabing ng lagay na mga datos. Ang kabatirang makukuha sa talang pangkasaysayan ay idinagdag ng kusa sa tabing ng lagay na mga datos.
    1. Gawin ang kailangang mga karagdagan o pagwawasto.
    2. Pindutin ang Lumikha ng Bagong Tao.
  4. Kung natagpuan ng Family Tree ang mga tugma, ipapakita ang mga ito sa tabing.
    1. Mag-kumpara ng mga detalye. Pindutin ang Magpakita Pa upang makita pa ng marami.
    2. Kung ito ay magkaparehong tao, pindutin ang Pumili. Ang tao sa Family Tree ay kusang lumilitaw sa kanan.
  5. Kung ang tala ay naglalaman ng mga detalyeng nawawala sa Family Tree, pindutin ang + Idagdag upang mailipat ang mga ito.
  6. Maglagay ng isang pahayag ng dahilan. Isang halimbawa ay, "Nagbibigay ng katibayan ng kabatiran sa kapanganakan at kamatayan."
  7. Pindutin ang Ikabit.

Ang talang pangkasaysayan ngayon ay nakakabit bilang isang pagkukunan sa taong iyan at nagbibigay ng katibayang ang kabatiran sa Family Tree ay tumpak.
Maaari mong ulitin ang mga hakbang na ito para sa bawat isang tao sa talang pangkasaysayan na gusto mong idagdag sa Family Tree.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa Family Tree mobile app, pinapayagan ka muna ng kaparaanan na repasuhin at ilakip sa taong ang pahiwatig ay inilagay. Pagkatapos, nakikita mo ang isang listahan ng ibang mga tao sa tala. Pindutin Repasuhin ang Iba. Kapag ang ibang mga pangalan ay nasa tala na ng puno, repasuhin at ilakip.

Kung hindi mahanap ng kaparaanan ang tao, gamitin ang mga hakbang na ito:

  1. Pindutin ang kahon na nagsasabing Magdagdag ng Bagong Tao o Maghanap ng Tugma.
  2. Repasuhin ang listahan ng maaaring mga tugma.
    1. Kung nakakakita ka ng tugma, pindutin sa kanan ng bilog ang pangalan at magpatuloy na repasuhin at ikabit.
    2. Kung hindi ka nakakakita ng tugma, pindutin Walang Tugma.
    3. Maghahanap muli ang kaparaanan para sa isang tugma. Kung nakakakita ka ng tugma, pindutin Piliin. Repasuhin at ikabit.
    4. Kung hindi, pindutin ang Walang Tugma. Ang kaparaanan ay lumilikha ng isang balangkas ng Family Tree kung saan maaari mong ilakip ang pagkukunan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ikakabit ang mga pahiwatig na tala sa Family Tree?
Sa taga-ugnay na pagkukunan, paano ko mababago ang pokus na tao upang ikabit ang mga pagkukunan sa ibang tao sa Family Tree?
Ano ang gagawin ko sa mga pahiwatig ng tala sa Family Tree na hindi tugma?

Nakatulong ba ito?