Hindi natapos na Mga Pagkakabit - Paano Magdagdag ng Mga Ibang nasa Tala sa Family Tree

Share

Talaan ng mga Nilalaman:

  1. Pagkakabit ng isang taong nagmula sa tala sa isang taong nasa Family Tree na
  2. Pagkakabit ng isang taong nagmula sa tala sa isang bagong balangkas sa Family Tree
  3. Alisin ang patalastas sa Hindi Natapos na Mga Kakabit

Kung hindi lahat ng mga taong nakilalang nasa isang tala ay nakakabit sa isang balangkas sa Family Tree, lumilitaw ang patalastas na “Hindi Natapos na Mga Kakabit” sa listahan ng Pagkukunan. Ang ilang mga taong nakilalang nasa tala ay maaaring hindi nauugnay sa taong nakatuon. Ang mga halimbawa ay saklaw ang isang kapitbahay, kaibigan, pinuno ng simbahan, taga-pabatid, o kawani. Ang mga hindi kaugnay na tao ay nagpapakita sa bahaging Mga Ibang nasa Tala ng tala.

Mula sa listahan ng Pagkukunan sa pahina ng isang tao:

  1. Mula sa listahan ng Pagkukunan sa pahina ng isang tao, pindutin ang Hindi Tapos na Mga Pagkakabit. Magbubukas ang Taga-ugnay ng Pagkukunan.
  2. Ang panig sa kaliwa ay nagpapakita ng mga taong nagmula sa tala. Ipinapakita ng panig sa kanan ang mga tao sa Family Tree na tugma sa tala.
  3. Hanapin ang bahaging Mga Ibang nasa Tala sa ibaba ng pahina. Pindutin ang Buksan.
  4. Repasuhin ang mga pangalan sa bahaging Mga Ibang nasa Tala.
    • Ang isang pangalan na may markang tsek sa tabi nito ay nagpapahiwatig na ang tala ay nakalakip na sa isang tao sa Family Tree. Hindi mo kailangang baguhin ang anumang bagay para sa taong iyan.

Ikabit ang mga taong nagmula sa tala sa isang taong nasa Family Tree na:

Kung ang mga pangalan sa listahan ng Mga Ibang nasa Tala ay tugma sa isang taong nakalista sa kanang bahagi ng Taga-ugnay na Pagkukunan, gamitin ang mga hakbang na ito:

  1. Hilahin at ibagsak ang pangalan upang maka-hanay ito sa isang pangalan sa kanang bahagi ng Taga-ugnay na Pagkukunan.
  2. Pindutin ang Ikabit.
  3. Repasuhin ang kabatiran tungkol sa tao.
  4. Magdagdag ng isang dahilan kung bakit mo inilalagay ang tala at pindutin ang Ikabit.
  5. Kung magpasya kang hindi tugma ang tao, pindutin at hilahin ang pangalan pabalik sa Mga Ibang nasa Tala.

Ikabit ang mga taong nagmula sa tala sa isang bagong balangkas sa Family Tree:

Kung hindi tugma ang mga pangalan sa kanang bahagi ng Taga-ugnay ng Pagkukunan, maaari mong idagdag ang pangalan sa Family Tree. Tandaan na maaaring buhay pa ang tao. Ang mga balangkas ng taong buhay ay pansarili at hindi matatagpuan sa isang pagsasaliksik.

  1. Mula sa Taga-ugnay ng Pagkukunan, pindutin ang Tingnan ang Tala upang buksan ang panig ng Kabatiran ng Tala sa kanan. Hanapin kung anong taon nilikha ang tala. Ang Kabatiran ng Tala ay maaaring magbigay ng mga pahiwatig tungkol sa mga tao at mga kaugnayan sa tala. Tingnan ang orihinal na larawan ng kasulatan kung mayroon sa FamilySearch.org.
    • Kung ang kasulatan ay nilikha sa loob ng huling siglo o higit pa, saliksikin ang tao at magpasya kung sila ay patay na.
    • Kung ang isang tao ay patay at nauugnay sa taong nakatuon, hilahin at ibagsak ang pangalan sa naaangkop na bahagi ng tala.
      • Pindutin ang Idagdag at lumikha ng isang balangkas sa Family Tree. Sa kanang panig, ilagay ang kabatiran para sa tao.
      • Pindutin ang Lumikha ng Panibagong Tao.
    • Upang lumikha ng isang balangkas ng Family Tree para sa isang taong hindi nauugnay sa pokus na taong nasa tala, magpatuloy sa hakbang 2.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Family Tree.
  3. Pindutin sa kanan ang Mga Kamakailan at pindutin ang Buksan sa isang bagong marka. Ang pagbubukas sa isang bagong marka ay matutulungan ka sa pag-wala ang iyong pahina ng Taga-ugnay ng Pagkukunan.
  4. Pindutin ang bagong marka.
  5. Mag-balumbon sa ibaba ng Mga Kamakailan listahan at pindutin ang Magdagdag ng Hindi Kaugnay na Tao.
  6. Idagdag ang pangalan ng taong nais mong idagdag sa Family Tree. Ilagay ang kabatirang natagpuan mo sa tala.
  7. Pindutin ang Susunod.
  8. Pindutin ang Lumikha ng Tao.
  9. Mula sa pahina ng bagong tao, pindutin ang kani-kanilang Punong ID.
  10. Bumalik sa pahina ng Taga-ugnay ng Pagkukunan.
  11. Sa kaliwang panig, pindutin ang Palitan ang Tao. Pindutin ang taong idinagdag mo lang sa Family Tree.
  12. Sa kanang panig, pindutin ang Palitan ang Tao.
  13. Mag-kanan klik sa harang sa pagsasaliksik sa tuktok ng panig. Mula sa bagsak-baba na menu, pindutin ang Ikabit.
  14. Ang ID ng panibagong tao ay lumilitaw sa harang sa pananaliksik.
  15. Pindutin ang Pumili.
  16. Pindutin ang Ikabit.
  17. Maglagay ng isang dahilan upang ikabit ang tala.
  18. Pindutin ang Ikabit.
  19. Magpatuloy sa ginagawa sa mga pangalan na nakalista sa bahaging Mga Ibang nasa Tala hanggang ang lahat ay nakakabit.
  20. Kung hindi ka nakakahanap ng sapat na kabatiran upang pasyahan na ang isang tao ay patay, maaari mong iwanan ang mga ito nang hindi nakakabit.

Alisin ang patalastas na Hindi tapos na Mga Kalakip:

Mula sa listahan ng Pagkukunan sa pahina ng isang tao, pindutin ang Alisin.

Upang itigil ang mga patalastas na Hindi tapos na Mga Pagkakabit, pindutin ang markang Mga Pagpipilian sa kanang itaas na sulok ng listahan ng Pagkukunan. Pindutin ang tali.

Kung aalisin mo ang patalastas na hindi tapos na pagkakabit, walang tagagamit ang makakakita nito. Hindi ka makakabalik at repasuhin ang inalis na patalastas. Gayunpaman, maaari mong repasuhin ang mga pagkakabit para sa lahat ng mga pagkukunan na nakakabit sa isang tao sa Family Tree. Pindutin ang pamagat ng pagkukunan, at pagkatapos ay pindutin ang Repasuhin ang Mga Pagkakabit.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magdaragdag ng isang hindi kaugnay na tao sa Family Tree?
Paano ko hahawakan ang hindi tapos na mga pagkakabit sa Family Tree?
Sa taga-ugnay na pagkukunan, paano ko papalitan ang pokus na tao para ikabit ng mga pagkukunan sa ibang tao sa Family Tree?
Isang bagong hitsura at pakiramdam para sa Taga-ugnay na Pagkukunan
Pag-unawa sa Plano ng tabing ng Taga-ugnay na Pagkukunan
Pag-unawa sa pokus na tao sa Taga-ugnay na Pagkukunan
Pagdaragdag ng mga tao sa Family Tree sa pamamagitan ng Taga-ugnay ng Pagkukunan
Tingnan ang mga tala at mga balangkas ng Puno nang hindi iiwanan ang Taga-ugnay ng Pagkukunan
Pagtingin sa larawan ng pagkukunan at katabing panig sa Taga-ugnay ng Pagkukunan.
Pag-ayos ng iyong family tree sa Taga-ugnay ng Pagkukunan
Pagpasya sa Taga-ugnay ng Pagkukunan kung ang isang pagkukunan ay tugma sa iyong ninuno
Paggamit sa Taga-ugnay na Pagkukunan para ikabit ng mga pagkukunan
Paano ko idadagdag ang nawawalang mga kasapi ng mag-anak sa Family Tree mula sa mga pahiwatig ng tala?

Nakatulong ba ito?