Walang-pag-angkin: Ang sumusunod na lathalain ay tumutukoy sa bagong Taga-ugnay na Pagkukunan, na kasalukuyang sinusubukan ng isang maliit na pangkat ng mga tagagamit ng FamilySearch. Para sa tulong sa umiiral na Taga-ugnay na Pagkukunan, magsimula rito.
null

Lumilitaw ang pagpipilian na ito sa Taga-ugnay na Pagkukunan kung ang isang tao mula sa isang talaan (kaliwang haligi) ay hindi natukoy sa Family Tree (kanang haligi). Maaaring mangyari ito sa ilang mga kadahilanan:
- Ang tao ay nasa Family Tree ngunit konektado sa ibang mga kamaganak, hindi sa mga nakatala.
- Ang tao ay konektado sa mag-anak ngunit hindi tama ang pag-ayon sa Taga-ugnay na Pagkukunan. (Tingnan ang Paggamit sa hila at hulog sa Taga-ugnay na Pagkukunan upang ayusin ang mga mag-anak.)
- Ang tao ay wala sa Family Tree.
Bago magdagdag ng isang tao sa Family Tree sa paggamit ng Taga-ugnay na Pagkukunan, suriin upang matiyak na wala pa sila sa Family Tree. Kung nagpasya ka na kailangan silang idagdag:
- Hilahin ang pangalan ng tao sa tamang hanay sa kaliwang haligi.
- Pindutin ang asul na buton na Idagdag.
- Lilitaw ang isang panig sa kanang bahagi ng pahina na may kabatiran tungkol sa bagong taong inilagay. Repasuhin ito, at idagdag ang anumang kailangang mga pagbabago o mga karagdagan.
- Pindutin ang Lumikha ng Bagong Tao. Ang tao ay idinagdag sa Family Tree.
Para sa kabatiran kung paano idagdag ang Mga Ibang Tao sa Talaan sa Family Tree, tingnan ang Hindi Tapos na Mga Kakabit - Paano magdagdag ng Ibang Tao sa Talaan sa Family Tree.