Ano ang mangyayari sa mga memorya kapag namatay ang taga-ambag?

Ang ambag na mga memorya sa FamilySearch ay mananatili sa FamilySearch kapag namatay ang taga-ambag. Kapag pumanaw ang isang tagagamit ng FamilySearch, kung alam ng FamilySearch ang tungkol sa kamatayan, isasara ng kaparaanan ang kuwenta. Ang lahat ng mga memorya na ibinigay ng tagagamit na iyan ay mananatili sa aming database, kahit na maaaring madaling mahanap ang mga ito.

Pagkatapos na isara ang kuwenta ng taga-ambag, mananatiling magagamit ang mga memorya sa ganitong mga paraan:

  • Makikita ang mga ito sa FamilyTree kung ang taga-ambag ay nilagyan ng marka ang mga tao sa FamilyTree.
  • Maaaring makita ang mga ito sa pamamagitan ng mga makina sa pagsasaliksik at ang Katangiang pagsasaliksik ng mga memorya kung ang taga-ambag ay nagdagdag ng mga pamagat, paglalarawan, mga markang paksa, at ibang mahahanap na teksto.
  • Mahahanap ang mga ito kung ang taga-ambag ang naglagay sa mga ito sa album at ibinahagi ang isang ugnay sa album.
  • Magagamit ang mga ito sa pamamagitan ng isang tuwirang URL.

Maaaring hindi mahanap ang mga memorya kung hindi nilagyan ng marka ang mga ito o walang tekstong makakatulong sa mga ito na matagpuan sa pamamagitan ng pagsasaliksik.

Mga memorya na inilagay ang mga marka sa mga tao sa FamilyTree

Ang sinumang taga-ambag ay maaaring lagyan ng marka ang isang memorya sa isang tao sa Family Tree. Kung ang kuwenta ng taga-ambag ay sarado, ang ibang tagagamit ay maaaring magdagdag ng bagong marka sa memorya, tanggalin ang mga marka sa isang memorya, at ikabit ito sa ibang tao.

Pansariling mga memorya

Kung ang orihinal na taga-ambag ay nagtalaga nang ilang mga memorya bilang pansarili mananatili ang mga ito sa database ng FamilySearch ngunit hindi gagawing publiko at hindi matatagpuan sa paggamit ng FamilyTree, mga makina sa pagsasaliksik, katangian sa pagsasaliksik ng mga Memorya, mga tuwirang URL, album, o mga marka ng paksa.

Mga mungkahi at pinakamahusay na mga kaugalian

Narito ang ilang pinakamahusay na mga kaugalian na magbibigay ng katiyakan na ang mga memorya na inilagay mo ay mananatiling magagamit ng iyong mag-anak.

Para sa bawat memorya sa iyong galeriya, gawin ang sumusunod:

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang mangyayari sa mga kuwenta ng mga namatay na tagagamit?
Paano ako hihiling sa pagtanggal ng isang memorya o markang tao mula sa isang tao?
Sino ang maaaring makakita sa mga bagay na inilagay sa Memorya para sa mga taong buhay?

Nakatulong ba ito?