Mga Hakbang—Paghanap ng Tala (website)
Sa listahan ng lahat ng mga koleksyon ng inilathala na mga talang pangkasaysayan, ang ilang mga koleksyon ay nagpapakitang "Tingnan-tingnan ang Mga Larawan." Ang mga koleksyon na Tingnan-tingnan ang Mga Larawan ay hindi na-indeks. Ang mga larawan ay makukuha upang matingnan mo.
Ang mga larawan ay ginawa sa pangkat upang madaling saliksikin. Ang mga pangkat ay tinatawag na browse points o waypoints. Maaari kang magbasa-basa ng mga larawang ito upang makita kung ang koleksyon ay naglalaman ng talang gusto mo.
- Lumagda sa FamilySearch.org.
- Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik.
- Pindutin ang Mga Talaan.
- Mag-balumbon pababa upang Mahanap ang isang Koleksyon.
- Pindutin ang Mag-tingin-tingin sa lahat ng koleksyon.
- Humanap ng koleksyon na nagsasabing "Tingnan-tingnan ang Mga Larawan" sa haliging-hanay ng Mga Tala.
- Pindutin ang Tingnan-tingnan ang Mga Larawan.
- Ang susunod na tabing ay ipapakita ang unang-antas ng ginawang pangkat na mga tala.Pindutin ang ugnay na magpatuloy.Ang mga koleksyon ay maaaring magkaroon ng maraming ginawang pangkat upang maglayag bago mo makita ang mga larawan.
- Gamitin ang mga kagamitan sa pagtingin habang tinitingnan mo ang mga larawan:
- Upang mailipat ang larawan ayon sa larawan sa koleksyon, sa itaas sa kaliwang bahagi ng tabing na larawan, gamitin ang mga pana.
- Sa kahon sa pagitan ng mga pana, maglagay ng bilang upang lumundag sa isang tiyak na bilang ng larawan.
- Upang magpalit sa pagitan ng maliliit na mga larawan (thumbnails) at buong mga larawan, sa bandang kaliwa ng larawan, pindutin ang markang tuwiran sa ilalim ng minus sign.
- Upang mapalaki ang larawan, sa maliit na tanawin, pindutin ng dalawang beses ang larawan.
Mga Hakbang—Paghahanap ng Tala (mobile app)
Sa isang maliit na tabing, buksan ang iyong kagamitan sa paraang tanawin upang makita mo ang pagtatalaga ng Tingnan-tingnan ang Mga Larawan.
- Buksan ang FamilySearch Family Tree mobile app.
- Buksan ang menu.
- Apple iOS: Pindutin ang Marami pa sa kanang sulok sa ibaba ng tabing.
- Android: Pindutin ang tatlong harang sa kaliwang sulok sa tuktok ng tabing.
- Pindutin ang Saliksikin ang Mga Talang Pangkasaysayan.
- Pindutin ang Basa-basahin ang lahat ng mga koleksyon.
- Sa hanay na Mga Tala, pindutin ang Tignan-tignan ang Mga Larawan.
- Magpatuloy kagaya sa website.
Mga Hakbang—Tuklasin ang Mga Larawang Pangkasaysayan (website lamang)
- Lumagda sa FamilySearch.org
- Pindutin ang Magsaliksik at pagkatapos, pindutin ang Mga Larawan.
- Mag-balumbon sa bahaging Bagong Tuklasin ang Mga Larawan?
- Gamitin ang isang nasa mga pagpipilian upang mahanap ang koleksyon ng talang ka-giliw-giliw:
- Paghanap ng Pamagat ng Koleksyon: Ilagay ang pangalan ng isang koleksyon. Habang sumusulat ka, lumilitaw ang mga pamagat ng koleksyon. Pindutin ang isa na nais mong tingnan.
- Tulungan Akong Humanap ng isang Koleksyon: Sundin ang mga hudyat sa tabing upang humanap ng isang koleksyon na ka-giliw-giliw.
- Tignan-tignan ang Lahat ng Mga Koleksyon: Humanap ng isang koleksyon sa listahan.
- Pindutin ang Tignan-tignan Ang Mga Larawan.
- Nakikita mo ang isang listahan ng mga Bilang ng Pangkat ng Larawan. Gamitin ang panig sa tabi upang gawing pino ang pagsasaliksik.
- Pindutin ang isang Bilang ng Pangkat ng Larawan.
- Upang tumalon sa isang tiyak na larawan, sa kaliwang itaas, ilagay ang bilang ng isang larawan at pindutin ang Ilagay sa keyboard ng iyong kompyuter. Pindutin ng doble ang pananda na larawan upang buksan ito.
- Upang mag-balumbon ng larawan-sa-larawan, pindutin ng doble ang isang maliit na larawan.
- Upang isulong ang isang larawan, ilagay ang iyong taga-turong daga sa kanang bahagi ng larawan. Lumilitaw ang isang pana. Pindutin ang pana.
- Upang bumalik nang isang larawan, ilagay ang iyong taga-turong daga sa kaliwang bahagi ng larawan. Lumilitaw ang isang palaso. Pindutin ang palaso.
- Sa ibaba ng bukas na larawan, hanapin ang mga maliliit ng mga larawan. Gamitin ang mga palaso sa kaliwa o kanan upang mag-balumbon sa mga larawan. Pindutin ng doble ang isang larawan upang buksan ito.
- Upang bumalik sa maliliit na mga larawan, sa kanang itaas na bahagi ng taga-tingin ng larawan, pindutin ang 3x3 na markang parilya.
Humanap ng isang tiyak na larawan---mga tulong
- Hanapin ang talaan ng mga nilalaman sa ilang unang mga larawan. Magsuri para sa isang indeks sa dulo ng pelikula.
- Kung ang pelikula ay mayroong maraming mga bagay, gamitin ang maliit na tanawin upang mahanap ang pangunahing larawan para sa bawat isang bagay.
- Ang ilang mga pelikula ay binubuo ng mga larawan ng mga aklat(gaya ng mga rehistro sa kasal). Mula sa maliit na tanawin, karaniwan mong makikita kung kailan magsisimula ang bagong aklat. Gamitin ang mga pamagat ng aklat upang mahanap ang bahagi ng pelikulang may pagka-giliw.
- Upang matiyak ang ayos ng mga larawan, tingnan ang mga ilang nauuna. Halimbawa, maaaring nasa alpabetong kaayusan ayon sa pangalan. O ang mga ito ay maaaring nasa sunod-sunod na kaayusan.
- Gumawa ng pinakamahusay na hula kung saan mo mahahanap ang larawang kailangan mo. Narito ang isang halimbawa:
- Ang digitized na pelikula ay mayroong mga tala ng kasal. Ang 1,874 mga larawan ay sunod-sunod at saklaw mula sa 1840--1898.
- Ang iyong ninuno ay ikinasal noong 1870 (mga kalahati ng 1840 at 1898).
- Subukang lumipat sa larawang 937. Gaano ang lapit mo sa petsang kailangan mo?
- Ilipat ng pasulong o pabalik sa mga tipak hanggang makakuha ka ng malapit na petsa. Saka gamitin ang mga pana upang pumunta sa larawan ayon sa larawan hanggang mahanap mo ang partikular na tala ng pagka-giliw.
Magkakaugnay na mga lathalain
Mga Tulong sa Paghahanap para sa Mga Talang Pangkasaysayan
Ang Mga Alituntunin sa Paghahanap sa Mga Talang Pangkasaysayan
Bakit hindi na-indeks ang ilang mga pelikula sa katalogo?
Maaari ba akong gumamit ng isang hindi na-indeks na larawan bilang isang pagkukunan sa Family Tree?
Paano ako magsisimula sa Siyasatin ang Mga Larawang Pangkasaysayan?
Pagkuha sa Karamihan ng Iyong Paghahanap: Pag-unawa sa Pahina ng Mga Tala ng Paghahanap
Paano ko tatanggalin ang lahat ng mga kukis at pansamantalang salansan na itinago ng aking internet browser?