Paano ko idaragdag ang isang larawan sa nilikha kong kuwento?

Maikakabit mo ang mga larawan sa mga kuwento sa Memories Gallery. 

  • Ang larawan ay maikakabit sa mahigit sa isang kuwento.
  • Ang kasulatang mga larawan ay maaari ring idagdag sa mga kuwento.
  • Hanggang sa 10 larawan ang maaaring ma-upload sa bawa't kuwento.

Maikakabit mo rin ang isang pansariling larawan sa isang kuwentong publiko. Ang ibang FamilySearch na mga tagagamit ay makikita lamang ang kuwento, hindi ang larawan.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Memories.
  3. Pindutin ang Galeriya.
  4. Pindutin ang Stories icon (mukhang isang bukas na aklat).
  5. Pindutin ang kuwentong gusto mong maidagdag ang larawan.
  6. Sa ibabaw ng pamagat ng kuwento, pindutin ang Edit Story.
  7. Sa ibabaw ng story text, sa kahon na may kamerang ikon, makapipili kang i-upload ang larawan mula sa iyong kumpyuter o pumili mula sa mga larawang nasa Galeriya na. Magpatuloy sa nararapat na alituntunin sa ibaba.

Upload Photo

  1. Pindutin ang Upload Photo
  2. Hanapin ang larawan o kasulatang larawan sa iyong kumpyuter, at double-click upang ma-upload. 
  3. Kung gusto mong magdagdag ng isa pang larawan, sa ibaba ng kasalukuyang nagpapakitang larawan, pindutin ang +.
  4. Pagkatapos mong magdagdag ng mga larawan, sa ibabaw ng na-upload na mga larawan, pindutin ang Save Story. Kung nagbago ang isipan mo tungkol sa pagdaragdag ng mga larawan, pindutin ang Cancel sa halip.

Pumili mula sa Galeriya.

  1. Pindutin ang Pumili mula sa Galeriya
  2. Humanap ng hanggang 10 larawan sa iyong galeriya upang maidagdag sa kuwento. 
  3. Sa tuktok ng kanang sulok ng bawa't larawang gusto mong maidagdag, pindutin ang check mark upang mapili ito.
  4. Sa kanang ilalim ng Pumili mula sa Galeriyang tabing, pindutin ang Ikabit ang mga Larawan. (O, kung nagbago ang isipan mo sa pagdaragdag ng larawan, pindutin ang Cancel.)

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Memories mobile app, tapikin ang kuwentong gusto mong maidagdag ang larawan.
  • Para sa Android, pagkatapos na tapikin ang kuwento, tapikin ang tatlong tuldok sa tuktok ng kanang sulok, saka tapikin ang Edit.
  1. Tapikin ang kamerang ikon. Makapipili kang kumuha ng larawan sa iyong device, mag-upload ng larawang nasa device mo na, o pumili mula sa mga larawang nasa Memories Gallery na.

Magdagdag ng Larawan

  • Apple iOS: Tapikin ang kamerang ikon upang kumuha ng larawan sa iyong device, o pumili mula sa nakalantad na mga larawang nakaimbak sa iyong device. Tapikin ang Upload.
  • Android: Tapikin ang Kamera upang kumuha ng larawan sa iyong device, o tapikin ang Fileat pumili mula sa mga larawang nakaimbak sa iyong device. Tapikin angIsalba.

Pumili mula sa Galeriya.

  • Apple iOS: Sa silong ng Magdagdag ng Larawan, tapikin ang Camera Roll, saka tapikin ang FamilySearch. Pumili mula sa mga larawan sa iyong galeriya at tapikin ang Upload
  • Android: Tapikin ang FamilySearch. Pumili mula sa mga larawan sa iyong galeriya.
  1. Tapikin ang + upang magdagdag ng karagdagang mga larawan.

Family Tree Lite

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay hindi itinataguyod ang katangiang Memories.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko iya-upload ang memories sa FamilySearch?
Matatanggal ko ba ang larawan, kuwento, kasulatan, o audio file sa Memories?
Paano ko idaragdag ang isang kuwento sa Memories?
Paano ko lalagyan ng tag ang mga tao sa mga kuwento at audio files?

Nakatulong ba ito?