Paano ko idadagdag ang isang kuwento sa Mga Memorya?

Ang FamilySearch ay gumagawa ng paraan upang magbahagi ka ng mga kuwento tungkol sa iyong mag-anak.

Bago ka magsimula

  • Maingat-na-maingat na basahin ang Kasunduan sa Pagbibigay para sa mga patakaran tungkol sa nilalaman.
  • Ang kaparaanan ay titigil pagkatapos ng isang oras. Upang maiwasan ang pagkawala ng iyong gawain, tandaan na madalas na ipunin. Maaari mong kopyahin at ilagay ang kumpletong kuwento sa huwaran.
  • Ang pag-hila at pagbagsak ay hindi para sa paglalagay ng mga kuwento.
  • Hindi ka maaaring mag-lagay ng mga salansan na PDF sa katangian Mga Kuwento. Mag-lagay ng mga salansan na PDF bilang Mga Kasulatan.

Mga Hakbang (website)

Maaari mong ilagay ang mga memorya sa kapuwa bahaging Mga Memorya at Family Tree.

Lumikha ng isang kuwento sa bahaging Mga Memorya:

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng tabing, pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang Galeriya.
  4. Pindutin ang tandang magdagdag (+) sa berdeng bilog.
  5. Pindutin ang Lumikha ng Isang Kuwento.  
  6. Ilagay ang iyong kuwento at ang pamagat nito.
  7. Isama ang anumang mga larawan.
    • Maglagay ng Larawan papayagan kang pumili sa mga salansan ng iyong kompyuter.
    • Pumili sa Galeriya dadalhin ka sa mga larawang nasa FamilySearch na.
    • Ang tandang magdagdag (+) ay papayagan kang magdagdag ng marami pang mga larawan.

Lumikha ng kuwento sa Family Tree:

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang FamilyTree.
  3. Pindutin ang Puno.
  4. Maglayag sa pahina ng tao.
  5. Pindutin ang markang Mga Memorya.
  6. Pindutin ang Magdagdag ng Mga Memorya.
  7. Pindutin ang Kuwento.
  8. Ilagay ang iyong kuwento at ang pamagat nito.
  9. Isama ang anumang mga larawan.
    • Maglagay ng Larawan papayagan kang pumili sa mga salansan ng iyong kompyuter.
    • Pumili sa Galeriya dadalhin ka sa mga larawang nasa FamilySearch na.
    • Kung nais mong magdagdag ng mga larawan, gamitin ang tandang magdagdag (+).
  10. Upang baguhin ang kasarinlan, pindutin ang Publikong bagsak-baba sa tuktok, at pindutin ang Publiko o Pansarili.
  11. Kapag natapos ka, pindutin ang Ipunin ang Kuwento.

Maaari mong ayusin ang iyong naipon na kuwento sa anumang panahon. Simpleng buksan ang kuwento. Sa tuktok ng pahina, sa ibabaw mismo ng pamagat ng kuwento, pindutin ang Ayusin.

Mga Hakbang (mobile app)

Maaari kang maglagay ng mga memorya sa kapuwa Mga Memorya na mobile app at Family Tree mobile app.

Magdagdag ng kuwento mula sa Mga Memorya na mobile app:

  1. Pindutin ang tandang magdagdag (+) sa kanang ibaba.
  2. Pindutin ang Sumulat ng Kuwento.
  3. Ilagay ang iyong kuwento at ang pamagat nito.
  4. Pindutin ang markang kamera,, at magdagdag ng mga larawan.
    • Apple iOS: Pumili ng hanggang sa 10 mga larawan mula sa iyong kagamitan at pindutin ang Maglagay. O gamitin ang katangian na kamera upang makuha ang iyong mga larawan, at pagkatapos ay pindutin ang Maglagay.Ayusin ang mga larawan, at pindutin ang Ipunin. Upang magdagdag ng marami pa, pindutin ang tandang magdagdag (+) sa ilalim ng orihinal na mga larawan.
    • Android: Pindutin ang Salansan, at pumili ng larawan mula sa iyong kagamitan. Pindutin ang Kamera, at kunin ang iyong larawan sa iyong kagamitan. Pindutin ang FamilySearch , at ikabit ang mga larawan na nasa Galeriya na. Upang magdagdag ng karagdagang mga larawan, pindutin ang tandang magdagdag (+) sa ilalim ng orihinal na mga larawan.

Magdagdag ng isang kuwento mula sa Family Tree mobile app:

  1. Pindutin ang indibidwal sa puno.
  2. Pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang tandang magdagdag (+) sa kanang ibaba.
  4. Pindutin ang Sumulat ng Kuwento.
  5. Ilagay ang iyong kuwento at ang pamagat nito.
  6. Upang isama ang mga larawan, pindutin ang markang kamera.
    • Apple iOS: Pumili hanggang sa 10 larawan sa iyong kagamitan, o gamitin ang kamera upang makuha ang iyong mga larawan. Saka pindutin ang Maglagay.Ayusin ang mga larawan, at pindutin ang Ipunin. Pindutin ang magdagdag(+) na lumilitaw sa ilalim ng orihinal na mga larawan upang idagdag ang ibang mga idadagdag.
    • Android: Pindutin ang Salansan upang pumili ng isang larawan sa iyong kagamitan. Upang makuha ang bagong larawan sa paggamit ng iyong kagamitan, pindutin ang Kamera. Upang ikabit ang mga larawan mula sa iyong Galeriya, pindutin ang FamilySearch. Pindutin ang magdagdag (+) na lumilitaw sa ilalim ng orihinal na mga larawan upang idagdag ang ibang mga idadagdag.

Maaari mong ayusin ang iyong naipon na kuwento sa anumang panahon. Simpleng buksan ang kuwento. Pindutin ang markang menu, na sinusundan ng Ayusin.  

Family Tree LIte

Ang Family Tree Lite ay hindi isinasama ang katangiang Mga Memorya.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano-anong mga tuntunin ang magagamit sa paglalagay ng mga memorya sa FamilySearch.org?
Maaari ko bang idagdag ang mga memorya tungkol sa aking mga buhay na kamaganak sa FamilyTree?
Maaari ko bang tanggalin ang isang larawan, kuwento, kasulatan o salansan na pandinig mula sa Mga Memorya?

Nakatulong ba ito?