Maaari ko bang tanggalin ang isang larawan, kuwento, kasulatan o salansan na pandinig sa Mga Memorya?

Share

Kapag ibinigay mo ang isang memorya sa FamilySearch, maaari mo itong tanggalin sa paggamit ng alinman sa website ng FamilySearch o isang nasa aming mga mobile app.

Pagkatapos mong tanggalin ang isang memorya, nangyayari ang mga sumusunod na pagbabago:

  • Ang memorya ay hindi na lumilitaw sa Mga Memorya na FamilySearch.
  • Tinatanggal ng kaparaanan ang memorya mula sa pahina ng sinumang mga tao sa kung saan nakalakip ang bagay na ito.
  • Kung tinanggal mo ang isang larawan na siya ring larawan ng isang tao sa Puno ng Mag-anak, ang larawan ay mananatili.Kung hindi mo na nais na lumitaw ang larawang iyon magpakailanman, kailangan mong baguhin o alisin ang larawan.

Kung ang iyong gallery ay masyadong puno para sa iyong mabisang pamamahala, ilagay mo sa archive ang memorya. Kapag inilagay mo sa archive, ang memorya ay iniiwan ang iyong gallery, ngunit nananatili ito sa website ng FamilySearch.

Kung nais mong panatilihin ang isang bagay, ngunit ayaw mong ipakita ito sa Puno ng Mag-anak, alisin ang marka.

Minsan nakakakita ka ng isang bagay na memorya na hindi mo naiambag at nais mong alisin ito ng FamilySearch. Maaari kang makipag-ugnayan sa taga-ambag sa paggamit ng kanyang kabatiran ng kontak o ang serbisyo sa pagmemensahe ng FamilySearch. Isama ang mga dahilan at sumusuporta na kabatiran sa iyong kahilingan. Kung hindi ka makakatanggap ng katugunan mula sa isang taga-ambag, mangyaring gamitin ang katangian na Iulat ang Abuso upang magbigay ng kahilingan na alisin ang bagay.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Mula sa itaas na menu, pindutin ang Mga Memorya at piliin ang Gallery.
  3. Kung inilagay mo sa archive ang memorya, pindutin ang Aking Archive.
  4. (Pagpipilian) Upang gamitan ng sala ang iyong gallery, pindutin ang Sala.
  5. Sa bagsak-baba na menu, pumili sa mga sumusunod na pagpipilian upang madagdagan ang pag-sala sa iyong mga memorya:
    • Uri ng Memorya: Mga Larawan, Mga Kwento, Mga Kasulatan, Mga Pandinig.
    • Mga Kaayusan ng Kakayahang Makakita: Anumang kaayusan, Publiko lamang, Pribado lamang.
    • Ipakita: Anumang memorya, Mga Memorya na walang pamagat, Mga Memorya na walang marka, Mga memorya na wala sa isang album.
    • Pindutin upang buksan ang memorya na nais mong tanggalin.
    • Sa kanang itaas ng taga-tingin ng larawan, pindutin ang 3 tuldok.
    • Pindutin ang Tanggalin.
    • Basahin ang mensahe at pindutin ang Tanggalin [uri ng memorya].

    Tandaan: Upang tanggalin ang isang salansan na pandinig na nakalakip sa isang memorya, sa kahon ng pandinig, pindutin ang X.

    Mga Hakbang (mobile app)

    1. Buksan ang Family Tree o Mga Memorya na mobile app.
    2. Maglayag sa bagay na nais mong alisin.
    3. Sa kanang itaas, pindutin ang markang tatlong tuldok. Kung hindi mo nakikita ang marka, pindutin ang memorya at lilitaw ang tatlong tuldok.
    4. Pindutin ang Tanggalin.
    5. Basahin ang mensahe at pindutin ang Tanggalin.

    Mga Kinalabasan

    Kapag tinanggal mo ang isang memorya, lumilipat ito sa iyong polder na Kamakailan na Tinanggal. Ang memorya ay nananatili sa loob ng 120 araw. Sa panahon na iyan, maaari mong ilipat ang memorya pabalik sa iyong galeriya o archive sa anumang oras. Pagkatapos ng 120 araw, permanenteng tinatanggal ng kaparaanan ang memorya

    Kung nais mong mangyari ang pagtanggal nang mas maaga, maaari mong tanggalin ang memorya nang permanente.

    Maaari mo ring ibalik ang mga tinanggal na Mga Memorya bago ito permanenteng tanggalin.

    Magkakaugnay na mga lathalain

    Paano ko aayusin o tatanggalin ang mga marka ng tao sa mga memorya
    ? Masyadong puno ang gallery ko sa Mga Memorya
    Paano ko hihilingin na alisin ang isang memorya o marka ng tao mula sa isang tao? Paano
    ko permanenteng tanggalin ang mga bagay na nasa memorya?
    Paano ko maibabalik ang mga memorya na tinanggal ko?

    Nakatulong ba ito?