Paano ko aayusin ang isang kuwento sa Mga Memorya?

Pagkatapos mong idagdag ang kuwento, maaari mong ilagay-sa-panahon at baguhin ito. Maaari mo lamang baguhin ang mga kwentong idinagdag mo.

Mga Hakbang (website)

Mula sa pahina ng Tao

  1. Lumagda sa FamilySearch, at maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Pindutin ang Mga Memorya.
  3. Upang makapag-sala ng para sa mga kuwento lamang, sa dulong kanan pindutin ang Mag-sala. Pindutin upang tanggalin ang markang tsek sa lahat maliban sa Mga Kuwento.
  4. Pindutin ang kuwentong gusto mong ayusin.
  5. Sa ibabaw ng pamagat, pindutin ang Mag-ayos ng Kuwento.
  6. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin ang Kuwento.

Mula sa Galeriya

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang Galeriya.
  4. Sa tuktok, pindutin ang markang Mga Kuwento (parang isang aklat).
  5. Pindutin ang kuwentong gusto mong ayusin.
  6. Sa ibabaw ng pamagat, pindutin ang Mag-ayos ng Kuwento.
  7. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin ang Kuwento.

Mga Hakbang (mobile app)

Family Tree mobile app

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Pindutin ang Mga Memorya.
  3. Sa tuktok, pindutin ang markang Mga Kuwento (may guhit ang pahina ng titik A).
  4. Pindutin ang kuwentong gusto mong ayusin
  5. Sa kanang tuktok, pindutin ang tatlong tuldok.
  6. Pindutin ang Ayusin o Ayusin ang Kuwento.
  7. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin.

Mga Memorya na mobile app

  1. Sa tuktok, pindutin ang markang Mga Kuwento (may guhit na pahina na may titik A).
  2. Pindutin ang kuwento na gusto mong ayusin
  3. Sa kanang tuktok, pindutin ang tatlong tuldok.
  4. Pindutin ang Ayusin o Ayusin ang Kuwento.
  5. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang katangiang Mga Memorya ay wala sa Family Tree Lite. Kung gusto mong maayos ang iyong mga memorya, pumunta sa pangunahing website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano-anong mga patakaran ang nararapat upang mailagay ang mga memorya sa FamilySearch.org?

Paano ko idadagdag ang isang larawan sa nilikha kong kuwento?
Paano ko lalagyan ng marka ang mga tao sa mga kuwento at mga salansan na pandinig?

Nakatulong ba ito?