Pumili ng gusto mong tree. Maaari ka na ngayong pumili ng gusto mong tree. Kusang lumilitaw ang tree na ito kapag binuksan mo ang Family Tree at ginagamit kapag kinakalkula mo ang mga relasyon sa pagitan mo at ng isang tao sa Family Tree o sa isa pang user.
Proseso ng pag-anyaya. Ang proseso ng pag-anyaya sa mga miyembro ng grupo ay halos katulad pa rin ng dati. Ang tanging binago ay na kung ang isang family group ay may isang family group tree, kailangang nasa tree muna ang lahat ng sumasali sa grupo.
Family feed. Ang isang bagong family feed ay nagtutulot sa iyo na mag-post ng mga mensahe para sa grupo. Maaari mong gamitin ang simbolong @ para i-tag ang mga tao sa tree at ang iba pang mga miyembro ng grupo.